Chapter 9
Via
"Kanina pa malalim ang iniisip mo." Sabi ko kay Sean habang nasa veranda kami ng bahay niya, dito ako ngayon umuwi dahil malalim na ang gabi at malayo ang bahay ng magulang ko. Binigyan ko siya ng kape kapagkuwan ay nginitian siya.
"May problema ba?" Tanong ko.
Ibinaba niya ang kape sa malapit na mesa at niyakap ako ng mahigpit. "My past is hunting me, V."
"It's her, right? Alice Smith." Kaya pamilyar ang pangalan niya sa akin dahil naikwento na siya ni Sean. Napansin ko rin na iba ang inasta niya noong kaharap namin si Tariq at Alice, ang akala ko noong una ay dahil kay Tariq but then I remember Alice, siya ang naging girlfriend ni Sean noong pumunta siyang New York and that time Tariq is still my husband.
"Hindi mo naman ako iiwan kahit na bumalik na siya, di ba?" May halong takot sa kaniyang boses.
Hinagod ko ang kaniyang likod. "Ako dapat ang nagtatanong niyan, Sean. She's back, hindi mo ba siya babalikan?"
Humiwalay siya sa akin at sinapo ang aking mukha. "No, V ikaw ang pipiliin ko, ikaw at ikaw lang. Wala na kong ibang pinangarap kundi ikaw so it will always be you."
Hindi ko alam kung bakit medyo nakaramdam ako ng lungkot. This past few days hindi ko na maintindihan ang sarili ko, I should be happy sa sinabi niya but somehow I feel sorry for him...for Alice.
"Sean, why don't you talk to her? Ask her kung ano talagang nangyari." I suggested.
Binitawan niya ako. "Para saan pa, V? Ikakasal na tayo, I don't need her explanations. Ipinalaglag niya ang anak namin and that's enough para masabi kong masama siyang babae!" I can see anger in his eyes. Naiintindihan ko siya lalo na bilang magulang, hinding-hindi ko iisiping ipalaglag ang anak ko sa kahit anumang dahilan...for me my child is my life kung hindi siguro dahil sa kaniya ay baka galit pa rin ako kay Tariq, it was easy for me to forgive his father because of him, Lewes is my light...my life.
"I understand." I gave him a warm smile. "Dapat pala brandy ang binigay ko sa'yo at hindi kape."
His expression softened. "I'm sorry kung nagalit ako."
"Why are you saying sorry? Alam kong hindi para sa akin ang galit na iyon."
Hinila niya uli ako para yakapin. "I love you, V."
"I love you too." Puno ng kabang sagot ko, whenever I say 'I love you' to him lagi akong kinakabahan and I don't know why.
Tariq
"You are just hurting yourself, Tariq! Ano bang ginagawa natin dito? Pati ako dinadamay mo!" Rinig kong sabi ni Alice, nandito kami ngayon sa harap ng bahay ni Sean at nakatanaw kami ngayon sa dalawa. They are in the f*cking veranda, talking and hugging each other. F*ck! Tama si Alice, I'm just hurting myself.
Without a warning pinatakbo ko ang sasakyan ko dahilan para mapamura si Alice.
"D*mn you, Tariq!" Mura niya. "Magdahan-dahan ka nga! Ayoko pang mamatay!"
Hindi ko siya pinakinggan, hindi naman talaga mabilis ang takbo ko, she's just being noisy and it's f*cking irritating. Hinatid ko muna siya sa condo niya bago ako umuwi sa bahay namin ni Via. Ayoko sanang umuwi dito pero wala akong pagpipilian dahil bigla na lang umulan ng malakas kaya kesa ma-stranded ako ay dito na lang ako umuwi.
Wala akong kasambahay dito pero every week ay may naglilinis dito at nagsisindi ng ilaw tuwing gabi.
I opened the gate para maipasok ang sasakyan ko tapos ay pumasok na sa loob ng bahay. As soon as I took a step in my house my mind started playing with me. I can see myself and Via.
I saw Via's sitting on the couch while waiting for me to come home and when she saw me, ngingiti siya at lalapit sa akin para halikan ako sa labi.
"You're home." She said as she always say.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Malamig ang boses na tanong ko.
"Hinihintay kitang makauwi. Kumain ka na ba? I cooked your favorite." Nakangiti niyang tanong.
"It's past midnight malamang nakakain na ako." Sabi ko sabay lampas sa kaniya. "Kumain ka na ba?" Tumigil ako para tanungin siya.
Bahagya siyang tumango. "Yes, kumain na ko." I can see sadness in her eyes pero pilit niya iyong pinagtatakpan ng ngiti sa kaniyang labi. "I'll just put the food in the fridge. Mauna ka ng matulog." She said.
I just tsked at tinalikuran siya.
I know that time she's lying kapag hindi ako kumakain ng dinner sa bahay alam kong hindi rin siya nakakakain. May pagkakataon pa nga na may nakikita akong takas na luha sa kaniya bago ko siya talikuran.
Umupo ako sa sofa kung saan lagi siyang nakaupo. I would trade anything just to have that time again. Iyong panahon na ako pa ang mahal niya kung maibabalik ko lang I will treat her better, I will treat her like a queen...my queen. I stood up and went to my condo unit kahit na napakalakas ng ulan. Hindi ko pa pala kaya.
---**---
"Yes, Ma I'm ok. Konting lagnat lang ito." I told my mom. I was stranded last night dahil sa lakas ng ulan. Luckily nakauwi ako kaninang madaling araw ang problema lang ay nagkalagnat ako.
"Kumain ka na ba, Tariq? Do you want me to come over?"
"No need, Ma pawala naman na, nakainom na rin ako ng gamot. I'll hung up now." Binaba ko ang cellphone ko.
I need to sleep. I already called my secretary to bring me food and stuff, may susi naman siya. I closed my eyes and sleep hanggang sa nakarinig ako ng sunod-sunod na doorbell. What the f*ck?! Lalong sumasakit ang ulo ko sa ingay. Sino ba 'to? If this is Dexter I'm gonna fire him for not using the key. Bumangon ako kahit na nahihilo pa rin ako. I opened the door and I don't know if I'm imagining things. I saw Via standing in front of me looking so worried and yet her beauty didn't lessen.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars (Completed)
Ficção GeralHer father treats her like a princess, the world treats her like she's a national treasure and yet the man she loves treated her like a trash. That's how her life sucks! (Completed)
