Chapter 21
Via
Ang landi niya! Ang landi-landi niya! Dati naman nilandi niya ako pero sobra naman ito!
"What now, love? Tatanggapin mo ba ang regalo ko?" Tanong pa niya. I looked at his gift. It's an engagement ring! Limang araw pa lang siyang nanliligaw pero kung ano-anong iniregalo niya sa akin. He never gave me a flower or a chocolate like a normal suitor will do. Iyong unang araw ay katawan niya ang in-offer niya. The second day binigyan niya ako ng stethoscope para daw marinig ko ang pangalan ko na isinisigaw ng kaniyang puso. Sa pangatlong araw pregnancy kit ang regalo niya para daw kapag napilit niya ako na gumawa na ng kapatid ni Lewes ay ready na iyong testing kit at hindi ko na kailangang pumunta ng drugstore. Very considerate niya at masyadong advance mag-isip kaya ayun ang kabilang pisngi naman niya ang namaga. Kahapon he gave me a Graf von Faber-Castell pencil, iyon na ang pinakamatinong regalong naibigay niya and I kinda expect na magtitino na siya ngayong araw.
"Hindi!" Tumayo ako at kinuha ang bag ko. "Diyan ka na nga."
"Saan ka pupunta, love?"
"Hahanap ng matinong lalake!" Inis na sabi ko. Dire-diretso akong pumara ng taxi. Wala kasi akong dalang kotse. Hatid-sundo ako ni Tariq. Nagpahatid ako sa school ni Lewes, ilang minuto na lang naman ay uwian na ng anak ko. Pagbaba ko sa taxi ay ang pagbaba rin ni Tariq sa sasakyan niya. I rolled my eyes.
"Love." Hindi ko siya pinansin. Nakakaloka ang lalakeng ito!
"Love." Tawag uli niya nang mas malapit na siya sa akin. Bahala siya sa buhay niya. Meron ng mga parents na nandito pero halos ay mga yaya.
Suddenly my phone rang. Kinuha ko iyon sa bag ko. I was shocked nang makita ko ang pangalan ni Sean. Nakatingin rin si Tariq sa cellphone ko kaya alam kong nababasa niya ang pangalan ni Sean.
"Exc---"
"Don't...don't answer it." Tariq said almost begging. I looked at him. Hindi siya galit. His eyes are sad.
"Tariq, I---"
Malungkot na tumango siya. "Sorry for prying."
Tinalikuran ko siya kahit na parang ang bigat ng dibdib ko. Hindi siya nagalit pero malungkot siya. I shrugged off that thought. Lumayo ako ng konti.
"Hi, Sean." Pinasaya ko ang aking boses.
"Hey, V. How are you? How's Lewes?"
"We're fine. Ikaw kamusta ka na?"
"Broken hearted pa rin but I'm trying to move on." He said and that saddened my heart. Ako ang may kasalanan kaya siya nasasaktan. "Anyway, I just called to greet Lewes. Alam kong last week pa ang birthday niya pero ipinadala ko na kay Ate iyong gift ko. Bukas ang dating."
"Thank you, Sean. Siguradong matutuwa si Lewes."
"You're welcome, V. I love you still. Bye."
"By---." Hindi na niya hininitay matapos ang sasabihin ko. He ended the call. I sighed as I put my phone in my bag.
Pagkatapos noon ay buong araw na hindi ako kinulit ni Tariq. Hanggang sa makatulog ang anak namin ay hindi niya ako pinapansin. Bumangon ako mula sa kama at pumunta ng kusina. Nagugutom ako. Nakatingin lang ako sa ref. May gusto akong kainin pero hindi ko naman alam kung anong pagkain iyon.
"Via," I looked at Tariq. "Gutom ka?" He asked.
Tumango ako. "What do you want to eat?" He asked again.
"Gusto ko ng matamis."
"May cake diyan."
"Ayoko ng cake."
"May fruit salad tayo."
Biglang nagliwanag ang mukha ko. "Gusto ko ng buko pandan salad!"
"Wala tayong buko pandan salad."
"Pero iyon ang gusto ko." I said. Gusto ko talaga ng buko pandan salad pero wala naman akong magagawa kung wala. Hatinggabi na. "Hindi na lang ako kakain." Sinara ko ang ref at nilagpasan siya. I went to the room at pinilit na lang matulog pero hindi talaga ako makatulog kasi gusto kong kumain. Isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Tariq. Ano kayang ginagawa niya? Hay...bahala nga siya. I closed my eyes. Kailangan ko ng matulog.
"Love," Masuyong tawag niya.
Napamulat ako. Nakatayo siya sa gilid ng kama. He is smiling while holding a bowl. He kneeled at ipinakita sa akin iyong laman ng bowl.
"I got your buko pandan salad."
Napangiti ako at napabangon. Umupo ako sa gilid ng kama. Magkaharap kami. Tuwang-tuwa ako at sa sobrang tuwa ko ay nahalikan ko siya ng mabilis sa labi. Kita ko kung paano siya natigilan pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon.
"Thank you!" Kinuha ko iyong bowl at tumikim. Ang sarap! Nakailang subo na ako ay nakatanga pa rin siya habang nakaluhod.
"Tariq." Tawag ko sa pangalan niya at doon ay para siyang natauhan. Nag-indian sit siya harap ko.
"Masarap ba?" Tanong niya.
Tumango ako. "Saan mo 'to kinuha?"
"May bukas pa na restaurant na nagseserve ng ganiyan." Aniya.
I smiled. "Lucky. Buti na lang talaga meron kang nakita, gutom na gutom ako."
"Napansin ko nga hindi mo naubos ang pagkain mo."
"Thank you." Sabi ko na lang.
"You're welcome, love. Basta sabihan mo lang ako kung may gusto kang kainin."
Tumango-tango ako. "Gusto mo?"
Ngumanga siya kaya sinubuan ko siya. "Masarap?" Tanong ko pa.
"Mas masarap ka."
"Siraulo!" I said with a giggle.
"Via,"
"Yes?"
"I know I don't have any right but I'm dying to know. Anong pinag-usapan niyo ni Sean?" He is asking me about that pero hindi siya galit, ni hindi nakakunot ang kaniyang noo. Malayong-malayo doon sa Tariq na mainitin ang ulo. Habang tinititigan ko siya ay parang isa siyang maamong tupa. Parang ang sarap niyang kurutin.
"He just told me na binilhan niya ng regalo si Lewes."
Tumango siya. Akala ko hindi na siya magtatanong. "Mahal mo ba talaga siya?"
Natigilan ako sa kaniyang tanong. Pinagdikit ko ang aking mga labi. I want to kiss him. Gosh! Bakit ang cute-cute niya sa paningin ko?!
"Huwag mo ng sagutin. I know your answer." He said.
"W-what's the catch?" Tanong ko.
Mukhang naguluhan siya kaya nagsalita uli ako. "If I will give you a chance...what's the catch?" Pahina ng pahina ang boses ko. Ang rupok ko! Jusko! Limang araw pa lang siyang nanliligaw sa akin! Buko pandan salad lang pala ang katapat ko!
"A-are you s-saying---"
"When I married you I know the catch. Hindi mo ako mahal at planado ang lahat. Iyong pangalawa ay noong pinili ko paring manatili sa'yo kahit na itinakwil ako ni Daddy, doon ko nalaman na kahit may fiancé ka na ay nilandi mo pa rin ako noon at pinakasalan. So this time what's the catch?"
"W-wala." My eyes widened when I saw his tears flowing down. "Walang catch." He embraced me. "Wala ng catch dahil hindi na ako gagawa ng bagay na ikakasakit mo."
I hugged him back. "Then I'm giving you your chance, Tariq. For our family. Don't waste it."
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars (Completed)
General FictionHer father treats her like a princess, the world treats her like she's a national treasure and yet the man she loves treated her like a trash. That's how her life sucks! (Completed)
