Chapter 29*

6K 115 17
                                        

Chapter 29


Tariq


"I need to talk to Tariq Ledesma." A woman said on the other line.



"Speaking."



"This is Hanan. Hara's in Dela Vega's hospital. Dinugo siya." Aniya.



"I'll be there." I said. I ended the call and about to leave my office nang biglang bumukas ang pinto ko at pumasok mula doon si Via.



I can sense that she is angry. Kitang-kita iyon sa maamo niyang mukha. "V-via, what are y-you doing here?" I was shocked upon seeing her.



"Really, Tariq? You're asking me that? I tried calling you para masundo mo kami ni Lewes sa airport. I even left a message para kung ayaw mo akong kausapin at least makita mo iyon pero mukhang wala ka na talagang pakielam sa amin ng anak mo." She told me.



Napayuko ako. Hindi naman sa wala akong pakielam sa kaniya. I was just...afraid.



I sighed as I checked my phone. She really left a message, hindi ko iyon napansin kanina.



"If you don't want me anymore sabihin mo hindi iyong parang tanga akong umaasa." She sounded dissapointed. Nag-angat ako ng tingin at tulad ng inaasahan ko puno ng disappointment ang kaniyang mukha. I hate it.



She sighed kapagkuwan ay lumungkot ang kaniyang mukha. "May nangyari ba, Tariq? May nagbago ba habang nasa Seattle ako?"



I want to ask her those questions. May nagbago ba? Pero sa nakikita ko ngayon parang wala naman. She wouldn't be here kung si Sean ang pinipili niya, di ba? Hindi naman siya babalik dito just to break my heart, right? Pero di ba pumunta siya ng Seattle to break Sean's heart? I don't know...nalilito na ko. I'm confused as hell! And I'm f*cking afraid! I know I need answers.



Nilapitan ko siya at yumakap sa kaniya. I missed her so much. Napapikit pa ako habang dinadama ang kaniyang init. She hugged me back. She wouldn't hug me back if she wants Sean, right? I felt my tears coming down from eyes. It's not manly but it's not like I can control it. I can't control it anymore. I'm a coward but I need to hear her decision. I hugged her tighter, I want her to know how much I love her. Ibinaon ko ang mukha ko sa kaniyang leeg. I want her to feel my love.



"A-are you..."



"A-ako ba ang p-pinipili mo?" I don't care if she's pregnant. Kaya kong tanggapin ang bata. I can treat the baby as my own. Mamahalin ko siya gaya ng pagmamahal ko kay Lewes. "Please say yes, Via. Please tell me na mananatili ka sa tabi ko. Na hindi mo ako iiwan. Please." I begged.



"T-tariq..." Itinutulak niya ako palayo pero hindi ko hahayaang makawala siya hangga't hindi niya sinasabing ako ang pinipili niya.



"Bumalik ka ng Pilipinas ibig sabihin ay ako ang pinipili mo. Ako naman ang pinipili mo, di ba? Please don't hurt me, Via. I know I don't have the right to demand because I hurt you before but please...choose me. Ako na lang uli."



"I'm sorry, Tariq." Malungkot na aniya at nagpaguho ng buong mundo ko. I can even hear my own heart tearing apart.



Mabilis siyang nakawala sa yakap ko. Maybe because I'm too weak. Napaupo ako sa sahig. I don't know what to feel now. Ito ang kinakatakutan ko. Napapikit ako ng mariin. Panaginip lang 'to. This is just a dream. Alam kong malaki ang kasalanang nagawa ko sa kaniya but my Via would not hurt me like this.




"Tariq," I felt her hands held my cheeks while she called my name softly.



When I open my eyes, makikita ko siya. Smiling at me and asking me to wake up for us to have a breakfast because this is just all a dream. A nightmare. I convinced myself.



Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata, the first thing I saw is her eyes...mirrored by guilt. Ayokong makita 'yon. I want to see her smiling eyes. Iyon ang gusto kong makita.



"Sorry." She said and once again I felt my heart tearing apart. Tila pinupunit ito na parang isang pirasong papel. I don't know what to say. Should I beg again? Should I beg harder? Kapag ba nagmakaawa ako, babalik siya sa akin?




"Joke lang 'yon." Aniya na puno ng pag-alala. "I'm here because I'm choosing you. Binibiro lang kita. Sorry."



I can't seem to process what she just said. "Tariq, sorry." Yumakap siya sa akin habang ako ay parang timang na nakaupo sa sahig. "I love you." She said.



What?



"Y-you do? Hindi b-biro 'yon?" I will literally die kapag sinabi niyang pati iyon ay biro.



Humiwalay siya sa akin at umiling. "I love you. Sorry for joking. Hindi magandang joke 'yon." She said then bit her lower lip.



"D-don't do that again." Iyak ko, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang panginginig ko sa takot. F*ck! I have the right to cry! Akala ko mawawala na siya sa akin ng tuluyan.



"Hindi na uli. Sorry." Yumakap uli siya sa akin at sa pagkakatong ito ay gumanti na ako.



She loves me! "I love you. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal." I said while kissing the side of her head.



"Now we're even." Bigla niyang sabi.



"Even what?" She pushed me sofly kapagkuwan ay inirapan ako.



"Hindi mo ko kinausap ng ilang araw. You even rejected my calls tapos hindi mo pa kami sinundo ni Lewes. Do you even know kung ilang beses akong umiyak? I thought nagbago na ang isip mo!"



Bigla naman akong naguilty. Well, I also thought na nagbago rin ang isip niya. "Sorry." I said.



"We're even. Now let's go home. Kanina ka pa hinihintay ni Lewes."



Tumayo kami. I held her hand. "Hindi mo na ako iiwan, di ba?"



She smiled. "Hindi na. Let's move on from the past, Tariq. Let's be happy together."



Parang gusto kong maiyak uli sa sinabi niya pero quota'ng-qouta na ko ngayong araw.



"I won't leave you again unless..." Tinaasan niya ako ng kilay.



Napalunok ako. "Unless what?"



"Kapag nalaman kong nambabae ka."



I almost choked. Hindi ako nambabae pero magkakaanak ako. Hindi pa naman sigurado iyon dahil hindi pa kami nagpa-paternity test pero malaki ang posibilidad.



"Pero hindi mo naman siguro gagawin iyon so rest assured na mananatili ako sa tabi mo. Let's go home na, Tariq. Naiinip na si Lewes." Hinila niya ako palabas ng opisina.



I went home and I totally forgot about Hara because all I want is to be with the woman I love.





Sana the end na no? Kasi nagka-aminan na hahaha

Rewrite The Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon