Chapter 20
Tariq
You are asking me to hurt the man who loves me despite of everything.
Give up, Tariq. I am just here for my son. Don't confuse yourself.
I really f*cked up! Hulog na hulog na siya sa p*tanginang Sean na iyon. Kung tutuusin si Sean ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay ni Via. Kung hindi lang siya pumunta sa bahay ng gabing iyon hindi ako magagalit at hindi sana muntikan mapahamak ang mag-ina ko. It was his d*rn fault. Nag-uumpisa na kong magbago, I want to change myself before, handa akong kalimutan ang galit ko noon and I f*cking changed!
"Why did you do that?" Tanong ko sa kaniya. She wiped her tears then gave me a smile.
"You're my husband, Tariq. Remember my vow? Through thick or thin, I will be by your side...even if it means l-letting my f-father disown me." Nanginginig na aniya. Alam kong pinipigilan niya ang kaniyang pag-iyak and it tugged my heart.
She truly loves me. How can I hurt this woman? D*mn! Kung bakit kasi anak pa siya ng babaeng kinamumuhian ko.
"Ahm...I need to cook you a dinner. If you excuse me." Aniya at iniwan ako para pumunta sa kusina.
I followed her secretly at doon ko nakita kung paano siya umiyak. She's in pain just like I want her to be pero bakit hindi ako masaya?
While crying she's preparing my dinner. Nasa kalagitnaan siya ng panghihiwa ng sibuyas when I saw her bleed. Nasugatan ang kaniyang daliri, ibinaba niya ang kitchen knife and there she cried like a lost kid in a mall. "I'm sorry, daddy...I'm so sorry." Rinig kong aniya. "I'm sorry for being a bad girl, I'm sorry kung hindi ko kayang iwan si Tariq." Napaupo siya sa sahig at doon niya sinapo ang kaniyang mukha.
She can't leave me because she loves me. She f*cking loves me.
"How can you love a beast like me?" Sabi ko nang lumapit ako. Lumuhod ako para magpantay kami. Hindi ko maintindihan, she should hate me now.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Ilang beses ko na ring natanong 'yan sa sarili ko, how can I still love despite of everything that you did?" Malungkot na aniya.
"You are better off without me, Via."
"If that's the case sana hindi ka na lang pumasok sa buhay ko para sana hindi na lang kita minahal." Sabi niya.
I felt a big lump on my throat. "I'm willing to let you go, Via. This is your chance para makatakas sa akin."
"Wala na kong kawala, Tariq. Umalis man ako alam kong hinding-hindi ako magiging masaya because believe it or not, you are my happiness...kayo ng magiging anak natin."
Doon ako natigilan. What? "A-are you?"
Tumango siya and a strange of happiness filled my heart.
At that very moment ay tinanggap ko sa sarili ko na mas malaki ang pagmamahal ko sa kaniya kesa sa galit na nararamdaman ako. Nagbago ang lahat, nagbago ako I treated her like she should be treated, ipinaramdam ko sa kaniya ang totoong nararamdaman ko hanggang sa makita ko sila ni Sean. Nagdilim ang aking paningin, nabalot ako ng selos but it doesn't justify what I did. Nasaktan ko siya at pati anak namin ay muntik ng mapahamak kaya nang hilingin niya na pakawalan ko siya, I let her kahit pa tila pinapatay ako ng paunti-unti. I watched her secretly noong pumunta siya ng Seattle, sumunod ako and when she gave birth madali akong nakarating dahil nandoon naman talaga ako. Nang makita ko ang anak ko sa unang pagkakataon there was happiness pero mas lamang ang pagsisisi dahil alam kong hindi ko siya mabibigyan ng masayang pamilya.
Napailing ako. Hindi ako papayag. I will fight! D*mn! Ilang taon na akong naduwag hindi ko na dadagdagan pa iyon. I won't die like my father! Meron akong anak. May laban ako. She loves Sean? I don't f*cking care! May pamilya kami at hindi pwedeng makisawsaw ang kung sino.
Via
"Tariq? What are you doing here? Hindi pa ako nagpapasundo." I told Tariq when I saw him here in my shop.
"Wala na akong gagawin sa office. Dito muna ako."
"What?" Naguguluhang tanong ko.
He smiled. "Dito muna ako, love."
"Ano namang gagawin mo dito?"
"Manliligaw."
Tinaasan ko siya ng kilay. Manliligaw? Eh bakit wala siyang dala kahit ano?
"Tigilan mo ko, Tariq. I'm engaged." I informed
"Walang nagtatanong." Aniya.
"What?"
Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Wala, love. Sabi ko alam ko pero wala akong pakielam. Liligawan pa rin kita sa ayaw o sa gusto mo." Umupo siya upuan na nasa harap ng table ko. Ipinatong niya ang kaniyang siko sa table ko at ipinatong niya ang kaniyang mukha sa mga kamay niya.
"Are you trying to be cute?"
He pouted then nodded and I can't help but laugh. "Sh*t!" Mura ko.
Mukhang nagulat siya sa pagmumura ko. "Did you just cuss?"
"I did." Natatawang sabi ko. Hindi ako palamura pero nagmumura pa rin naman ako kahit paano.
"D*mn, love! Don't cussed like that you're turning me on."
My lips parted as I felt my cheeks burning. Nag-iwas ako ng tingin. Grabe siya! He's so straightforward!
"Tigilan mo nga ako, Ledesma!" Pinilit kong patatagin ang aking boses at nagtagumpay naman ako.
"Love, manliligaw ako, ok?"
"Ba't may question mark? Akala ko ba sa ayaw o sa gusto ko ay liligawan mo ako?"
"Basta manliligaw ako. You can't say no. Isusumbong kita kay Lewes." Parang batang sabi niya.
Ginawa pang panakot ang anak namin. I tsked. "Sa lahat ng manliligaw ikaw ang walang dala."
"Anong dala?"
"Regalo! Kapag nanliligaw ka dapat may regalo kang dala." Kaloka!
"Oh right. I forgot. Pwede bang katawan ko muna ang regalo ko sa'yo? Kahit anong gawin mo sa katawan ko ok lang. Kahit pagsamantalahan mo pa ako ay hinding-hindi ako manlalaban. Promise." He said with a naughty smirk plastered on his face.
I was appalled! May kamanyakan na namang naiisip ang lalakeng ito. Binato ko siya ng lapis pero nakaiwas siya. Tawa lang siya ng tawa and somehow while watching him ay napapangiti ako. "Jerk." Napapailing na lang na sabi ko.
Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha, huminto rin siya sa pagtawa. "Nga pala, may sasabihin akong importante sa'yo."
"What is it?" Mukhang seryoso ang sasabihin niya.
"This should be kept as a secret, Via."
Napatango naman ako. Ano kayang sasabihin niya? Bahagya pa akong napaiwas nang bigla niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. "Ibubulong ko sa'yo." Sabi naman niya. I looked at the right side to offer my left ear.
Bigla akong kinabahan. Bakit ang seryoso niya? "Via... don't tell others that..." Pabitin pa niya. "I am so madly in love with you." He said in a husky voice that sent shiver down to my spine then he kissed my left cheek.
Kinilig ako pero at the same time ay nabuwisit kaya ending namaga ang kaniyang kanang pisngi.
Saya uli. 😂😂
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars (Completed)
Fiksi UmumHer father treats her like a princess, the world treats her like she's a national treasure and yet the man she loves treated her like a trash. That's how her life sucks! (Completed)
