Chapter 12
Via
"Tariq, nasasaktan ako." Sabi ko kay Tariq habang hinihila niya ako papasok ng bahay. Naririnig ko si Sean na mahinang inuusal ang aking pangalan, nilingon ko siya, he is lying on the floor---duguan. Tariq beats him at ngayon ay takot na takot ako para sa aking sarili, ayokong bumalik siya sa dati na walang pakielam sa akin, iyong halos hindi kami mag-usap, iyong halos hindi niya ako matitigan ng matagal. I want my sweet Tariq back, the one who cares about me, the one who loves me.
"Don't look at him!" Bawal niya sabay hila sa akin.
Nagpatianod ako papasok, nasa sala na kami noong binitawan niya ako. Sigurado akong magmamarka ang kaniyang kamay sa aking braso.
"T-tariq, let me explain." Nanginginig na sabi ko.
"Explain what, Via?! Na nakikipaglandian ka sa lalakeng iyon?! Why, Via?! Hindi pa ba ako sapat?!"
"Tariq, hindi...hindi ganon." Iyak ko. "Hindi naman ako---"
"Shut up, Via!! Kulang pa ba ang ginagawa ko?! Kulang pa ba ang pagbabago ko para lokohin mo ako ng ganito?!" Paabante siya sa akin habang paatras naman ako. Natatakot ako para kasi siyang papatay ng tao. "Sa mismong harap pa talaga ng bahay natin?! Paano kung hindi ako agad dumating?! Papasok ba kayo?! Would you do it inside our bedroom?!" Sigaw niya habang iling lang ako ng iling. "Tinatanong kita!"
Inipon ko lahat ng tapang ko. "No, Tariq. H-hindi naman namin gagawin ni Sean iyon dahil magkaibigan lang kami." I reasoned out.
"Magkaibigan?" He said then laughed scarily. "Magkaibigan lang kayo pero kung makayapos siya't makayakap ay parang magkasintahan kayo!" Inabot niya ang aking braso dahilan para mapadaing ako sa higpit ng hawak niya doon. "I told you to cut off your ties with him and you said yes, ang sabi mo tinapos mo na kung ano man ang meron kayo tapos sasabihin mo magkaibigan kayo?! Magkaibigan pa rin kayo!"
Hindi naman kasi ganoon kadali iyon, Sean is my best friend, siya ang pinakamatalik kong kaibigan kaya nagsinungaling ako. I told him na tinapos ko na ang pagkakaibigan namin ni Sean, I know it's my fault for lying pero I just can't go to Sean telling him to cut off our ties because my husband told me to do so.
"Tariq, wala kaming ginagawang masama ni Sean. Nag-uusap lang kami."
"You're a liar, Via how could I possibly believe you?" Tiim na bagang na aniya sabay marahas na bitaw sa aking braso. Tinalikuran niya ako kaya sinundan ko siya.
"Please, Tariq let's talk. Please." I begged pero hindi niya ako pinapansin hanggang sa makarating kami sa kusina ay nagmamakaawa ako.
"Ano ba?!" Bigla niya akong nilingon kasabay ng pagpalis niya sa aking kamay na nakahawak sa kaniyang braso dahil sa bigla niyang paglingon na hindi ko naman inaasahan at pagpalis niya sa aking kamay ay napaikot ako at tumama ang aking tiyan sa island counter.
"Aw!" Ang sakit ng pagkakatama ng aking tiyan.
"V-via." Nilingon ko si Tariq habang sapo ang akin tiyan. Horror filled his face kasabay ng pagtingin niya sa gitna ng hita ko, I looked at my legs when I felt a warm liquid on it.
"T-tariq."
"Mommy." I was back from the past when I heard my son calling me.
"Yes, baby?"
"Hindi pa po ba ako mag-aaral? I want to go to school. Are we going back to Seattle?"
"It's still your vacation, baby. Kapag pasukan na babalik na tayo ng Seattle." Doon naman kasi talaga kami nakatira.
"Mommy mas gusto ko po dito. My cousins are here tapos nandito rin sila Lolo at Lala pati na si Dada. Lagi ko silang nakakasama."
"Don't you miss your friends there?"
"I miss them pero mas gusto ko pa rin po dito."
"Pag-iisipan ko. Pag-uusapan rin namin ng Tito Sean mo." Nakaplano na kasi lahat pati ang magiging buhay namin sa Seattle.
"Are you really going to marry Tito Sean?" He asked, I looked at his eyes, eyes that are the same as his father.
"Yes, baby ayaw mo ba kay Tito Sean?" Sean is a good tito to Lewes, ang alam ko rin napaka-close nilang dalawa, noong nasa Seattle kami ay panay ang hanap niya kay Sean.
"Can I tell you my true feelings, mommy?" Medyo alangan na tanong niya, ano bang nangyayari sa anak ko? Parang kung magsalita siya ay parang matanda na siya and it somehow freak me out.
Umupo ako sa kama, iniupo ko rin siya paharap sa akin at sinapo ang kaniyang mukha. "Of course, baby. Tell mommy what you really feel."
"Hindi ka po magagalit?"
Umiling ako. "What made you think na magagalit ako sa'yo?"
"K-kasi po I like Tito Sean as my tito but I want Dada to stay as my daddy." Tumungo siya, tinakpan niya ang kaniyang mga mata gamit ang braso, my started crying. "I d-don't want a new daddy but Tito Sean can always makes you smile." Suminok siya. "Gusto ko lagi kang happy, mommy but...b-but can you be happy with me and D-dada?"
Seeing my son crying like this I feel like a thousand knives stab my heart, it made me question myself as a mother, nagiging selfish na ba ako? Did I decide to marry Sean without thinking my son? But no, lagi kong inuuna ang anak ko, ang akala ko lang kasi ay ayos lang sa kaniya, when Sean and I told him that we are going to get married he smiled so I thought it's ok pero hindi pala, my son just want me to be happy kaya kahit ayaw niya ay ngingiti siya at tatango.
"Oh my baby..." I hugged my son and kissed his head. "I'm so sorry. I'm sorry, baby." Hingi ko ng paumanhin, I tried my very best not to shed a tear but I failed, ang hirap pigilan lalo pa't nakikita mong ganito ang anak mo. I'm hurting my son without even knowing it.
"I'm scared, mommy kasi baka magkaroon ka ng bagong baby and you will forget me." Iyak niya. "I don't want to be like Ava."
Ava is his classmate na nakatira sa lola niya dahil hiwalay na ang parents nito.
"I will never do that, anak. Mommy will never do that to you, love na love kita, you are the greatest gift that God has given to me." Sabi ko.
"Love din kita mommy, kayo ni Dada." Aniya na lalong nagpaiyak sa akin.
What have I done? Mali bang sinukuan ko si Tariq noon kaya pati anak namin ay naapektuhan? Dapat ba nanatili ako kahit sobrang sakit na?
![](https://img.wattpad.com/cover/156798541-288-k803722.jpg)
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars (Completed)
Fiksi UmumHer father treats her like a princess, the world treats her like she's a national treasure and yet the man she loves treated her like a trash. That's how her life sucks! (Completed)