Chapter 5

10.7K 254 17
                                    

Chapter 5

Via

"Your place or mine?" Basag ni Sean sa katahimikan na bumalot sa amin.

"Ha?"

"Saan tayo? Your place or mine?" May pilyong ngiti siya habang sinasabi iyon kaya napangiti na ako.

"My parent's place." Sagot ko. "I'm sure daddy misses you." Biro ko sa kaniya.

"Syempre naman, ako kaya ang pinakapaborito niyang inaanak at soon to be manugang."

I gave him a tight smile kapagkuwan ay nagbaba ng tingin, I looked at my finger wherein there's a diamond ring. The ring is so beautiful but it somehow felt na parang hindi ito bagay sa akin.

"Kailan natin sasabihin kay Lewes ang tungkol sa kasal?" He asked.

"Kumukuha pa ako ng tiyempo." I still don't know kung anong magiging reaksiyon ng anak ko, alam kong magkasundo sila ni Sean but lately lagi niya akong tinatanong kung bakit hindi kami magkasama ng daddy niya, kung bakit hiwalay kami ni Tariq.

"Sasama ka ba bukas?" Tanong niya.

He's talking about his uncle's birthday party. "Yes. Sean can I take a nap while we're on the road?"

Tumango naman siya. "Of course, magpahinga ka na."

"Thank you."

"Anything for my V."

Ipinikit ko ang aking mga mata at madali akong hinila ng antok.

"You're so beautiful, Via...my sweet Victoria."

Napamulat ako ng marinig ko ang boses na iyon. That was Tariq, bakit naririnig ko ang boses niya?

"Are you ok, Via?" Sean asked, nakagarahe na ang kotse niya. Ganoon ba ako katagal na nakatulog?

"I'm fine." Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas pero tila pinaglalaruan ako ng aking mata ng makita ko ang aking sarili at si Tariq.

"Anak ka ba talaga ni Mrs. Montier?" Biglang nagsalita ang bisita ni Mommy.

"Yes, why? Hindi ko ba siya kamukha?" Humarap ako sa kaniya. He's so handsome. "Ang sabi nila, I have her lips and eyes." I said.

"I'm Via." I offered my hand and he accepted it. I felt electricity run through my veins, madali kong binawi ang aking kamay at tumalikod na.

"Nice to meet you, Via." Dinig kong sabi niya habang nakatalikod ako.

Pilit kong sinusupil ang ngiti kong palaki ng palaki. I don't know what's gotten to me, yes Tariq is very handsome sanay na ako sa mga gwapo...I mean walang itatapon sa mga lahi namin when it comes to look.

I was back to my reverie when Sean held my hand.

"Let's go." Nakangiting aniya

Sabay kaming naglakad ni Sean papasok sa bahay at doon sinalubong kami ng parents ko at ang aking kapatid na si Ales. Pagkatapos ng yakapan namin ay nagpunta na kami sa gazebo.

"Magpapakasal na kayo?" Tanong ni Daddy sa amin.

"Yes po, Ti---"

"Without my consent?" Tila galit na sabi ni Daddy.

"Tito, hihingin ko rin po ang kamay ni Via sa inyo but I want it to be formal, dadalhin ko po dito ang mga magulang ko." Paliwanag ni Sean.

"Nabanggit niyo na ba ito kay Lewes?" My mom asked.

"Alessio, ma cherié." I almost rolled my eyes when my father corrected my mom.

"Sweetheart, it's about time na matanggap mong Lewes ang pangalan at palayaw ng apo natin." Natatawang sabi ni Mommy.

"Oh, come on ang pangit ng pangalan na iyon. Saan mo ba iyon napulot, anak?"

"That's Tito Trevor's second name." Prangka kong sagot. Pinagsama ko ang pangalan ni Daddy at ang pangalan ni Tito Trevor---Lewes Alessio and I think na maganda ang combination na iyon.

My father snorted hanggang ngayon allergic pa rin siya sa pangalan ni Tito o mas tamang sabihin na allergic pa rin siya kay Tito Trevor kahit pa patay na ito. Hindi lingid sa kaalaman namin ang tungkol kay Tito, he is my mom's first husband at alam ko ring kaya tutol noon si Daddy kay Tariq ay dahil kay Tito Trevor na patay na rin naman that time. Hindi lang talaga makamove-on si Daddy na muntik ng mawala si Mommy sa kaniya dahil dito.

"Bakit ba kasi hindi kayo nag-anak ng lalake? Para naman sana may tinatawag kayong Alessio kakahiya naman sa pangalan kong Alessia." Sabad ng bunso kong kapatid. Umirap pa ito kay Daddy. She's just a teen, seventeen to be specific, lima kaming magkakapatid at puro kami babae, alam kong gusto ni Daddy ng anak na lalake pero wala talaga hanggang siya na ang sumuko sa kadahilanang muntik ng mawala si Mommy ng ipanganak si Ales.

"Naku, ito talagang bunso ko nagtampo na naman." Ani Daddy. "Come here, baby give Daddy a hug."

"Daddy, ayoko! Matanda na ko." Todo tanggi siya pero tumayo rin ito at lumapit kay Daddy para yumakap.

"Daddy's girl." Bulong ko na nadinig naman nila kaya sinamaan niya ako ng tingin.

I smirked, tumayo ako at yumakap kay daddy. "Umalis ka nga dito, una akong naging baby ni Daddy." Pang-iinis ko kay Ales.

"Anong baby?! Matanda ka na kaya! May sarili ka na ngang baby. Ako ang paborito ni daddy." Aniya with matching belat pa.

"Anong paborito? Ako kaya, mas nauna ako sa'yo." Pang-iinis ko pa, ang cute talagang inisin ng isang ito. Pulang-pula na ang kaniyang pisngi.

"Anong kaguluhan ito?" Natigil kami sa pagbabangayan ni Ales ng marinig namin ang boses ni Ate Aliyah kasama pa ang iba naming kapatid na sina Xena at Xira.

"Walang paborito sa inyong dalawa si Daddy dahil ako ang original at pinakaunang baby." Ani Ate Aliyah at tumawa pa ito na parang isang mangkukulam.

Natawa kaming lahat ng makita naming naiiyak na si Ales. "Daddy!! Nakakainis sila!" Aniya

"Hay nako, tumigil na nga kayong lahat. Lahat kayo mahal ng Daddy nyo, pantay-pantay kayo." Ani Mommy.

"What can I say, I'm irresistible. Mahal na mahal ako ng mga prinsesa ko." Daddy boasted.

"Ewan ko sa inyong mag-aama. Basta lahat kayo mahal ng Daddy niyo...mas lamang nga lang ako." Dagdag pa ni Mommy sabay tawa.

"Of course, you're my queen."

"Oh my gosh! Cheesy alert! Mommy, Daddy bitter ako wag kayong ganyan." Sabi ni Xena.

"Aray! Ba't may langgam dito, mommy? Kasalanan niyo 'to sa sobrang tamis niyo ni Daddy pati kami nilalanggam." Xira said.

Nagtuloy-tuloy ang masaya naming kwentuhan. Nakakalungkot lang isipin na lumaki ako sa kumpleto at masayang pamilya pero hindi ko kayang iparanas ito sa aking anak at darating ang araw that he will have two families. I want my son to have the best things this world can offer pero hindi ko kayang ibigay ang pamilya na ganito, hindi namin kaya ni Tariq.

Rewrite The Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon