Chapter 15
Tariq
"Pa, gusto ko siyang ipaglaban. Gustong-gusto ko siyang ipaglaban but how can I do that kung siya mismo ang ayaw?" Tanong ko habang nakatingin sa lapida ng tatay ko.
"Wala na akong pag-asa, Pa I will be miserable forever."
How I wish I could turn back time...iyong panahon na nag-uumpisa pa lang kami. I know I can be a better lover.
"Tariq?"
Nilingon ko ang nagsalita and there I saw my mom. "Ma." I kissed her cheek.
"I thought you are in the office." She said.
"Sumaglit lang po ako dito."
"May problema ka ba?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Nothing, Ma."
"I'm your mother, you can tell me everything."
I sighed. Umupo siya sa damuhan at naglagay ng bulaklak sa puntod ni Papa. "Come here, Tariq. Pag-usapan natin ang problema mo." Tinapik niya ang kaniyang tabi. Wala akong nagawa kundi umupo.
"So tell me what's wrong."
"I f*cked up, Ma."
"Let me guess...it's Via?"
Tumango ako then I heard her sighed. "Naku, Trevor manang-mana talaga sa'yo ang mga anak mo lalo na itong panganay mo. Lahat kinuha pati kung paano ka magmahal."
"Ma,"
"You love Via just like how your father loves Xenovia." A sad smile formed on her lips.
"I'm sorry, Ma."
"Bakit ka nagsosorry? Hindi mo kasalanan kung bakit nasasaktan ako tuwing naaalala ko kung gaano kamahal ng tatay mo si Xenovia. Hindi kasalanan ni Trevor at lalong hindi kasalanan ni Xenovia...it was all on me dahil minahal ko siya kahit alam kong may mahal na siyang iba."
"You should've love someone else, Ma you deserve a man who will love you...just you."
"I know pero wala eh iba ang kamandag ng tatay mo." Aniya na sinundan pa ng tawa. "I love him. When I met him I fell kaya lang he was married that time and when I saw how he loves Xenovia lalo ko siyang minahal at hinangahan. I can't believe that a man like him can love like that at isa rin ako sa mga nagalit sa kaniya nang saktan niya si Xenovia. I was the third party, Tariq. Kung pinili ni Xen ang papa mo sa tingin mo nasaan tayo? Anong lugar natin sa buhay niya? Selfish man pakinggan pero masaya ako na si Raze ang pinili ni Xen."
Sinindihan niya ang mga kandilang dala niya. "Xenovia is a great woman, she's kind and gentle she knows how to handle your father bagay na kahit kailan hindi ko natutunan. They are perfect for each other but Trevor did some nasty things that ruined their marriage. Gago kasi iyang tatay mo parang ikaw, anak. You have Via but you hurt her, nasa'yo na nga pinakawalan mo pa."
Gago nga talaga ako. "Ma, anong gagawin ko?"
"Ipaglaban mo but know when to give up just like your dad. When Xenovia made a decision, he respected it kahit na masakit sa kaniya dahil alam niyang doon sasaya ang babaeng pinakamamahal niya."
She's happy with Sean. Masaya na siya, she also made a decision and that is to marry him. Should I just respect it and let her be?
"Ikakasal na siya. Should I just let her be?"
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars (Completed)
Aktuelle LiteraturHer father treats her like a princess, the world treats her like she's a national treasure and yet the man she loves treated her like a trash. That's how her life sucks! (Completed)
