Chapter 19*

5.9K 165 20
                                    

Chapter 19


Tariq


"Dada, three days na lang po uuwi na kami ni Mommy. Anong gagawin ko?" We are here at the balcony. Talking over coffee well I have a coffee at gatas naman ang sa kaniya. Katatapos lang naming maghapunan. Si Via ay nasa kitchen at naghuhugas ng plato. Ako dapat iyon pero ayaw niya. Napagalitan pa nga ako kasi kahapon nakabasag ako ng baso.


"You cry." Simpleng sagot ko.


"Do I really need to do that?" Tanong niya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.


"Yes. If you want the three of us to be together then cry and act cutely para hindi makatanggi ang mommy mo. Ask her for another week."


"And the week after that what are we going to do?" He asked.


I smiled. Parang hindi bata ang kausap ko. "You cry again."


Doon lalong kumunot ang noo niya. "Should I cry every week?"


"No. Kapag may kapatid ka na, you can stop."


"Kailan ba ako magkakaroon ng kapatid?"


"Soon." Tipid kong sagot. He drank his milk.


"Pwede bang bilisan mo, Da? Nakakapagod umiyak. My baby sibling should do the crying next time."


I chuckled a bit. Naiinip na ang anak ko. I should really act. Baka mabatukan na ko ng anak ko.


"Basta iyong napag-usapan natin. Be sure na hindi aalis ang mommy mo dito."


Good thing I have a smart son na tumutulong sa akin. Via will surely be mine.


"Iyong kapatid ko rin huwag mong kakalimutan."


I smirked. "Of course."


He raised his glass. "Cheers, Dada."


I did what he want. "Cheers." Kasabay nang pagtatama ng baso niya at ng tasa ko.


Minutes later ay sinamahan na kami ni Via. "Sure ka ba na wala kang homework?" She asked our son.


Umiling si Lewes. "Wala po, mommy."


"Finish your milk, you need to sleep early."


"Ok po, mommy." Kapag talaga si Via ang kaharap ng anak ko nagiging maamong tupa.


"Ikaw rin ubusin mo na iyan." Aniya sa akin na nagpangiti sa akin. My wife is bossy.


"Yes, love."


"Don't call me love." She said in her normal tone pero pinanlakihan niya ako ng mata.


Hinila ko siya dahilan para mapaupo siya sa aking mga hita. I kissed her shoulder. "Make me stop, love. I'm dying to taste those lips of yours again." I whispered.


Aalis sana siya pero hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniyang baywang. "Don't."


"Tariq!" Singhal niya pero mahina lang iyon. Nasa harap namin si Lewes kaya alam kong hawak ko siya ngayon.



Pasimple kong sinenyasan ang anak namin. "Mommy."


"Yes, baby?"


"Kailan po ako magkakaroon ng kapatid?"


"Ha?"


"Kailan daw natin siya bibigyan ng kapatid, love?" I asked. Ang galing talaga ng anak ko. "We really should give him a sibling. Nanghihingi na eh. Kawawa naman ang anak natin." Bulong ko pa


She looked at me sharply.  Pasimple pa niya akong kinurot. I winced.


"Mommy, I really want to have a baby sibling. Si Kuya Jester meron siyang kapatid." He said. He is talking about Aliyah's son.


"Ahm...baby, it's late you need to sleep." Ani Via. Alam kong iniiba lang niya ang usapan.


"Pero hindi ko pa po ubos iyong milk ko."


"Sige ubusin mo na 'yan. Aayusin ko lang iyong bed natin." She said. Tumayo siya at pumasok na sa kwarto.


"You better give me a sibling, Dada or else." My son told me while having this serious face. I almost laughed pero pinigilan ko ang sarili ko baka mabuwisit siya sa akin.


"Ask your mother." I'm more than willing to give him a sibling. Si Via lang naman ang problema.


"I already asked her!"


"Ask harder, kiddo. Kulang ka kasi sa lambing." I told him. "Ubusin mo na 'yan. Matutulog na tayo. Don't make the queen wait."



Via


"Tariq?" It's already 11pm. I wonder if he's still awake. Umupo ako sa kama.


"Hmm?"


"Can we talk?" Hindi ako makatulog. Kanina pa ako binabagabag ng mga iniisip ko.


"Sure." Bumangon siya. "Saan tayo mag-uusap?"


"Sa sala na lang." I told him. We went there. Umupo ako sa sofa ganoon rin siya.


"Want a coffee or milk?"


Umiling ako. "I just want to talk."


"About what?" He smiled softly.


"About Lewes...do you think..." I bit my lower lip. Paano ko ba sasabihin sa kaniya? "This co-parenting. Sa tingin mo ba nagagawa natin ng mabuti ang responsibilidad natin kay Lewes bilang mga magulang?" I asked.


"You are a good mother, Via."


"And you are a good father pero bakit pakiramdam ko kulang pa rin? Na nakukulangan pa rin si Lewes. Kaninang nasa banyo ka, he is asking me if we can stay here longer kasi three days na lang daw ang natitira sa birthday week niya. He wants a complete family, ang sabi ko kumpleto naman tayo kasi nasa tabi naman niya tayong dalawa."


"Our son wants a normal family. Via." Aniya.


"A normal family. Iyong magkasama ang nanay at tatay sa iisang bubong but we can't." I said.


"Bakit hindi? I'm willing to give him a normal family, Via."


Napangiti ako ng mapait. For our son he is willing to give up his freedom. Maybe he doesn't really love me, gusto lang niyang mapasaya ang anak namin ang somehow it saddened my heart.


"I love you, Via." My heart skipped a beat. "Noon pa man. Nabulag lang ako ng galit pero hindi ko napigilan ang sarili kong hindi mahulog sa'yo. Gago ako, inaamin ko iyon. Nasaktan kita pero hayaan mo akong bumawi. Please, Via. Please, love. Give me a chance. Bigyan mo ako ng pagkakataong bumawi."


Gusto ko kaya lang natatakot ako. Paano kung isa na naman itong patibong? Magpapauto na naman ako?


"A chance...then Tariq you are asking me to hurt the man who loves me despite of everything." Sabi ko na lang. I want this talk to end. No one knew about the cancelled engagement. No one knew so I can still use that as an excuse. An excuse for my scared heart.


"I can love you more than he loves you. Kaya kong higitan iyon, Via just please give me a chance." He begged. He cupped my face. "I know you still love me. I can still feel it."


Umiling ako. "Give up, Tariq. I am just here for my son. Don't confuse yourself."

Rewrite The Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon