Chapter 16
Via
"Dada! Mommy!" Nakangiting lumabas mula sa school gate si Lewes nang makita kami.
Kinarga niya ang anak namin. "How's school, baby?" Tanong ko. I kissed my son.
"It's good po." Sagot naman niya. "I missed you, Dada." Sabi niya.
"I missed you too, son. Let's go. Pupunta tayo sa arcade."
Arcade? Wala naman siyang sinasabi sa akin.
"May pasok pa si Lewes bukas."
"Sandali lang naman tayo. Come on, love don't be a killjoy."
At ako pa talaga ang killjoy?! Eh siya iyong nagpumilit na sumama ako dito. "Please, mommy. I want to play."
"Aren't you tired? Katatapos mo lang sa school."
"No po and this will be the first time na sasama ka po sa amin sa arcade." He said with a puppy dog eyes.
I sighed then kissed his cheek. How can I say no kung ganito ang mukha ng anak ko. He's so adorable. "Fine."
"Thank you, mommy. Ang ganda-ganda ng mommy ko. Pinakamaganda." Bola pa niya. Inabot niya ako at pinaliguan ng halik sa buong mukha, he even wrapped his arms on my neck kahit pa buhat-buhat siya ni Tariq. I was laughing habang ginagawa niya iyon. Ang cute-cute talaga ng anak ko.
"Sige na." I chuckled. "Pumayag na ako. Hindi mo na ako kailangang bolahin. Manang-mana ka talaga sa tatay mo." Sabi ko pa sabay pisil ng kaniyang ilong.
"Ouch, mommy! Masakit po." He said. Alam kong hindi iyon masakit, ayaw lang talaga niyang pinipisil ang ilong niya at dahil nanay niya ako ay wala naman siyang magagawa para sawain ako.
"Where is Dexter?" Tanong ko kay Tariq.
"He should be here. Kanina ko pa siya tinawagan baka na-traffic."
A minute later Dexter arrived. Nagpalitan sila ng susi. Sumakay kami sa kotse. Si Lewes ay nasa back seat habang ako ay nasa tabi ng driver's seat.
"Are you excited?" Tanong ni Tariq habang nagmamaneho.
"Yes po." Hindi ko napigilang hindi mapangiti ako. My son is happy so I am happy.
We went to the arcade. Ang tagal ko ng hindi nakakapunta dito. I was so busy this past six years, ni hindi ko nadala si Lewes dito. Laging si Sean o si Tariq ang nagdadala sa kaniya dito. There were playing, nakikisali rin naman ako. I am happy lalo na at nakikita kong masayang-masaya ang anak ko. After that dumiretso kami sa isang fast food restaurant.
Ako na ang pumila at pinaupo na lang ang mag-ama ko. Napangiti ako nang makitang masayang nag-uusap ang dalawa habang nasa pila ako.
Inaayos ni Tariq ang towelette sa likod ni Lewes habang hindi naman matigil sa pagsasalita ang anak ko. Ilang minuto pa ang hinintay ko before my turn. Hindi naman ako nainip dahil pinapanood ko sila. Nang ako na ang nasa harap ng counter ay nag-order na ako. Kaya lang may problema, nakalimutan kong kumuha ng pera.
"799 pesos po lahat, Ma'am."
"Ok, sandali lang. Nakalimutan kong kumuha ng pera." Medyo nahihiyang sabi ko. Nakakahiya sa mga nasa likuran ko. Tatagal sila sa pila.
"What's the problem, love?" Napabaling ako kay Tariq. Nasa tabi ko na siya.
"I forgot my wallet."
"How much?"
"Ahm...799 pesos po, S-sir." Natetense na sabi noong cashier. I almost rolled my eyes. Bakit ba kasi ang gwapo ng lalakeng ito?
Kinuha niya ang wallet niya mula sa bulsa at kumuha ng pera. Inabot niya ang isang libo. "I r-received one thousand pesos. Here's your change, Sir."
Ako na ang kumuha noong change since kinuha na ni Tariq iyong tray na puno ng pagkain. "Thank you." Sabi ko.
Kukunin ko sana iyong isa pang tray nang bawalan ako ni Tariq. "Ako na lang, love. Babalikan ko na lang." He said.
"I can do it." Sabi ko. Konti lang naman iyon.
We went to our table. Excited kumain si Lewes halatang gutom. "Dahan-dahan, baby baka mabulunan ka." Sabi ko sa kaniya.
"Ok po." Aniya. Katabi ko siya habang nasa harap ko si Tariq. Napansin ko kanina na basa ang kaniyang likod. Kinuha ko ang bag ko and I took out my handkerchief.
I looked at him at sinenyas siyang lumipat sa kabilang upuan gamit ang labi ko. Kumunot naman ang noo niya. Mukhang hindi niya nakuha. Tumayo ako. "Usog." Utos ko. Umusog naman siya. "Talikod." Tumalikod siya.
Naka-t-shirt lang siya kaya madali kong napunasan ang kaniyang likod. "Manang-mana talaga sa'yo ang anak mo." Wala sa sariling sabi ko. Madaling pagpawisan pero laging mukhang fresh. Iniwan ko ang panyo ko sa likod niya kapagkuwan ay bumalik sa pwesto ko.
"Thank you, love."
"Bakit love ang tawag mo sa mommy ko, Dada?"
"Syempre love ko ang mommy mo." He said then winked at me. Mamaya pagagalitan ko siya. He should stop calling me love.
"Really? Love mo si mommy?" Tanong pa ni Lewes.
"Yes." Walang pakundangang aniya. I somehow felt...nevermind. Inirapan ko siya.
"Love rin ba ang tawag mo kay dada, mom?" He asked me.
"Kumain ka na." Sabi ko na lang. "After this, uuwi na tayo."
"Mommy, pwede po bang mag-sleep tayo sa condo ni Dada?"
"You mean you want to sleep in your Dada's place?"
Umiling si Lewes. "Gusto ko po tayong dalawa."
"Lewes, hindi pwede."
"Why? It's my birthday tomorrow. I want to be with you and Dada. Kapag birthday ko laging wala si Dada kasi nasa Seattle tayo o kaya naman kapag nandiyan siya, wala ka naman. On my fifth birthday nandoon ka nga pati si Dada pero hindi naman tayo nakapagfamily bonding kasi nandoon sila Lolo tsaka si Tito Sean." Nag-uumpisa ng maiyak si Lewes. I know any minute he will cry. "Why can't I be with you and Dada at the same time?"
At doon ay parang piniga ang puso ko. "Please, mommy kahit ngayong birthday ko lang po." I looked at Tariq. Malungkot rin ang mga mata nito.
"Oh, Lewes." I smiled sadly. "Ok. Payag na si mommy. Is that ok with you, Tariq?"
"Of course." He said with a small smile.
Lewes hugged me. "Thank you, mommy."
"Anything for my baby. Ano pang gusto mo?"
"Kapatid po pero gusto ko full. Ayoko po ng half sister o kaya half brother. They will be so creepy kung kalahati lang sila."
Halos hindi maiproseso ng utak ko ang sinasabi ng anak ko habang iyong ama niya ay tawa ng tawa.
"Tama! Dapat full. They will be ugly kapag half lang." Suporta pa nito.
"Will you grant my wish, mom?"
Halos mapanganga ako sa naririnig ko. I looked at them. Lewes has pleading eyes while Tariq is having a naughty eyes.
And suddenly I heard my Aunt Kate's favorite line with her English accent: Oh dear!

BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars (Completed)
Ficción GeneralHer father treats her like a princess, the world treats her like she's a national treasure and yet the man she loves treated her like a trash. That's how her life sucks! (Completed)