Chapter 6

10K 262 21
                                    

Chapter 6

Tariq

Dahan-dahan kong binuhat ang natutulog kong anak palabas ng kotse. Saktong lumabas naman mula sa gate si Via.

"Oh, he's sleeping." Aniya

"Yeah, napagod sa kakalaro." Sabi ko.

"I'll take him here." Sabi niya sabay lapit sa amin, dahan-dahan kong inilipat si Lewes sa kaniya. Hindi kasi ako pwedeng pumasok sa bahay nila, magagalit ang tatay niya.

"Goodbye, little buddy." Paalam ko sa aking anak kahit pa tulog ito "Goodbye, Via."

"Bye, mag-iingat ka sa pagmamaneho."

I smiled. Kahit sa simpleng sinabi niya she managed to warm my heart.

"I will." Pumasok ako sa kotse at pinaandar ito and while driving I can't help but think.

Bakit hindi ko ba siya pinahalagahan noong nasa akin pa siya? Noong wala pa siyang nakikitang iba kundi ako lang? Bakit ba nagpakagago ako? I hurt her dahil gusto kong saktan ang nanay niya not knowing na pati sarili ko ay sinasaktan ko, I realized that she was my world when she already gave up at tama ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. I cannot undo the terrible things I did to her. F*ck! This is killing me!! Magpapakasal siya sa iba, bubuo siya ng pamilya kung saan hindi ako kasama dito.

I found myself at the cemetary, gabi na pero wala akong pakielam, bumaba ako sa kotse at pinuntahan ang puntod ni Papa. Umupo ako sa damuhan.

"She's building a family, Pa. Nag-uumpisa na siyang bumuo ng sarili niyang pamilya. Ganito ba ang naramdaman mo when you learned that she married Raze Montier? It's painful like hell pero wala akong magawa, I want to take her so badly, gusto ko siyang agawin pero wala akong magawa because I'm afraid na kapag umeksena na naman ako ay masaktan ko siya. Pa, what should I do? Anong gagawin ko? My son cried while asking me kung bakit hindi kami pwedeng magsama ni Via at ni wala man lang akong naisagot, it was all my d*rn fault why he can't have a normal family."

Ilang minuto ako natahimik hanggang sa tanungin ko uli ang aking ama na alam kong hindi naman na makakasagot. "Bakit ba ako nagalit sa inyo?"

"Do you hate my mother?" The fifteen year old me asked.

"What?" Tila gulat na tanong ni Papa sa akin.

"Do you hate my mother?" I asked again.

"No, bakit mo naitanong yan?"

"Then why are you always makes her cry? Lagi mo na lang pinapaiyak si Mama." Puno ng hinanakit kong tanong.

Ngumiti siya ng malungkot. "Your mother doesn't deserve a man like me. She's a wonderful woman."

"I am asking you why?!" Napataas na ako ng boses dahil hindi naman niya ako sinagot, my father remained calm.

"Because I love someone else." Simple niyang sagot.

"You are cheating." I can't believe it! Anong karapatan niyang saktan ng ganito ang nanay ko?!

"I'm not."

"You're not?! You said you love someone!"

"I do, mahal ko na siya bago pa kami magkakilala ng mama mo. She was my wife and your mother was my secretary."

I was dumbfounded. Paanong...

"I left my wife for a woman who can help me achieve what I wanted because I was too ambitious." Tinapik ako ni Papa. "I'm sorry for hurting your mother. She's very special to me pero..."

"But you don't love her?" Dugtong ko sa sinasabi niya.

"I'm sorry, son."

Walang salitang iniwan ko siya. How dare him do that to my mother?! Kung hindi naman pala niya mahal sana hindi na niya ginamit ang nanay ko bilang panakip-butas!

"Mas nagalit ako sa'yo ng araw na iyon, gumawa ako ng paraan para malaman kung sino ang babaeng mahal mo pero wala akong nakuhang kahit ano tungkol sa kaniya and then years later bigla na lang siyang pumunta sa ospital, my mother was there nasa labas lang at naghihintay habang kayong dalawa ay nag-uusap. I saw how happy you are that day, your eyes were different, it was full of love kahit kailan hindi mo tinitigan ng ganoon si Mama kaya mas lalo akong nagalit, yes, nalungkot ako sa pagkawala mo pero galit pa rin ako dahil wala ka ng ginawa kundi saktan ang kaisa-isang babaeng nanatili sa tabi mo hanggang sa huli." A lone tear rolled down to my cheek.

"But right now...I know what you were feeling all those years na wala siya sa tabi mo, you were lonely and miserable na kahit nandoon kami ay kulang pa din, you still feel like something is missing and that's Xenovia."

Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan kaya napagdesisyunan ko ng umalis.

"I want to be happy, Pa. Ayokong magaya sa'yo, I want her but what can I do? Tuwing lumalapit ako sa kaniya ay tila napapaso siya, pinapakisamahan lang naman niya ako dahil sa anak namin." Bumuntong-hininga ako. "I'll visit you again, isasama ko si Lewes kapag bumisita uli ako." Paalam ko.

Rewrite The Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon