Chapter 8
Via
"Via Montier!" One of my colleague said my name as she kiss my cheek.
"Claudia Baltazar." I said.
"Actually it's Santillan now." Pinakita nito ang kamay na may singsing. "I married Wild Santillan."
"Really? Wow, I'm happy for you." I know Wild Santillan, he's one of the well-known politician.
"Sinong kasama mo?"
"I'm with Sean, you still remember him?"
"You married Sean? Sabi ko na nga ba at kayo ang magkakatuluyan."
"Ikakasal pa lang kami."
"Oh! Congratulations in advance."
Biglang may yumakap sa baywang ni Claudia.
"You must be her husband, I'm Via Montier, one of her colleague." I offered my hand and he accepted it.
"Nice to meet you, Via I'm Wild Santillan. Are you somehow related to Pietro Montier?"
"Yes, he's my uncle."
"I see."
"Maiwan ko na muna kayo hahanapin ko lang ang kasama ko." I said.
"Ok, nice seeing you again Via."
"Same here."
Iniwan ko sila at habang hinahanap si Sean ay muntik na akong matalisod kung hindi lang may humawak sa akin. "Thank---" Napatigil ako ng makita kong si Tariq iyon.
"Tariq,"
"Are you ok?"
Tumango ako. "Yes, thanks to you."
"Be careful."
"What are you doing here?" Tanong ko.
"I'm invited. Kung alam ko lang na nandito ka sana hiniram ko na lang si Lewes." He said and I somehow felt guilty.
"Sorry."
"Why are you saying sorry?" Tanong niya.
Umiling ako. "I have to go, hahanapin ko pa si Sean."
"Ok." Aalis na sana ako nang matigilan ako dahil may lumapit na napakagandang babae sa kaniya.
"Tariq, let's---Oh, you are?" She asked.
"I'm Via Montier."
"Via? Ikaw ang mommy ni Lewes?"
Kilala niya ako?
"Yes."
"Your son is so handsome! Kamukhang-kamukha ni Tariq." Sabi pa niya. So he met my son? "By the way, I'm Alice Smith, Tariq's special friend."
Special friend? "Nice to meet you, Alice. Maiwan ko na muna kayo, I'm looking for my fiancé."
"Ikakasal ka na? Wow, congrats!" Tuwang-tuwang sabi niya. "Tayo ba, Tariq? Kailan?"
Hindi ko alam kung bakit tila may kumurot sa aking puso sa kaniyang tanong. Siya na ba? But I thought he's not happy?
Pinilit ko ang aking sarili na ngumiti. "Excuse me." Paalam ko at iniwan sila, naglakad-lakad ako at ng makita ko si Sean ay doon parang nawala lahat ng bigat na nararamdaman ko kanina.
"V." Nilapitan niya ako at humalik sa aking pisngi.
"Saan ka galing?" Tanong ko.
"Hinarang ako nila Uncle. Kanina ko pa nga sana sila gustong iwan para hanapin ka. I'm sorry." Hingi niya ng paumanhin.
Nginitian ko siya. "It's ok. I understand."
Hinila niya ako papunta sa Uncle niya na birthday celebrant. Binati ko ito at nagsimula ng magkwento ang matanda pilit kong iniintindi ang sinasabi ng Uncle ni Sean pero hindi ako makapagfocus dahil lumilipad ang isip ko.
Alice Smith...her name sounds familiar maybe because we are running in the same circle kaya hindi malabong pamilyar ang kaniyang pangalan.
Napukaw lang ako sa pag-iisip ng magring ang phone. Kinuha ko ito mula sa bag at nakitang si Mommy. "Sorry, I have to take this. Excuse me." Sabi ko at medyo lumayo sa kanila para sagutin ang tawag.
"Hello, My." Sabi ko.
"Mommy!!!" Medyo nailayo ko ang phone sa aking tainga dahil sa lakas ng boses ni Lewes.
"Hello, my baby boy. Bakit gising ka pa?"
"I can't sleep, mommy."
"Why? Katabi mo naman sa bed si Lola at Lolo, di ba?"
"I miss you, mommy."
Ang sweet talaga ng baby ko. "I miss you too, baby uuwi rin agad si mommy pero you have to sleep na."
"Mommy, Lala will send my picture." He said. "Lala, send my picture to mommy. Mommy send it to Dada, I want him to see it."
"Ok." Rinig kong sagot ni Mommy. "Anak, papatayin ko na ang tawag. Bye."
"Ok, My. Bye." My mother ended the call, hindi muna ako agad bumalik kina Sean, I waited for the pictures and after a minute pumasok na ang mga ito sa messenger ko. Natawa ako ng makita kong may suot siyang red teletubbies costume tapos may isang picture doon na pinagsama ang picture naming dalawa noong kasing edad niya ako at suot ko naman ay iyong yellow na teletubbies costume.
And just what my son asked, I send the pictures via messenger to his Daddy. Hindi na ako nag-eexpect na makikita niya ang mga picutre sa mga oras na ito dahil nasa party kami but he seen it as soon as I send it to him.
Me:
He wants me to send it to you.
Tariq:
Ang gwapo ng anak natin...mana sa akin.😊
Me:
Excuse me, sa akin nagmana ang baby natin. Have you seen my photo as the yellow teletubbies? 😂
Tariq:
Yeah, I saw it. You're so cute pero sa akin talaga nagmana si Lewes.
Tariq suddenly sends a picture at muntik na akong mapahalakhak ng malakas ng makita ko ito, it was him when he was a little kid wearing a cute dress for girls.
Tariq:
F*ck! Hindi dapat iyan ang isesend ko.
Kinagat ko ang pang-ibaba ng aking labi para pigilan ang pagtawa ng malakas.
Via:
Wow, pretty! 😍😍 I didn't expect that. I didn't know na nag-cross dress ka dati. 😂
Tariq:
That was a school activity, I couldn't say no. 😫😫
I chuckled when I saw his emoji. Ngayon lang kami nagkachat ng ganito ni Tariq and I'm actually enjoying this.
Me:
Then send me a more manly baby pic. Nako-confuse tuloy ako kung sino bang mas maganda sa atin. Hahaha
Tariq send another picture, nakangiti ako ng makita kong nakasuot siya ng pang-sundalo while holding a toy gun.
Tariq:
Is this manly enough? 😎😎
I was about to send him a message nang marinig kong tawagin ako ni Sean. Itinago ko ang phone sa bag at lumapit dito.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars (Completed)
Fiksi UmumHer father treats her like a princess, the world treats her like she's a national treasure and yet the man she loves treated her like a trash. That's how her life sucks! (Completed)
