Chapter 13
Tariq
"Dada, dada look." Ipinakita sa akin ni Lewes ang kaniyang ipininta.
Nabigla ako nang makita ito instead of using his usual paint, oil pastel ang kaniyang ginamit and it was his mother and me. A replica of our wedding photo to be precise. "I saw it on your drawer then ginaya ko po. Kinasal po pala kayo ni mommy?"
"Yes, buddy kinasal kami ng mommy mo." Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa tanong niya pero hindi ko ipinahalata iyon.
He pouted. "Bakit hindi ako invited?"
I smiled at my son. So innocent. "Kasi hindi ka pa ipinapanganak." Simpleng sagot ko.
"Mommy's so beautiful and she looks so happy."
She is, son but I ruined her happiness.
Kahapon kami nagkausap ni Via at hindi naging maganda ang kinalabasan.
"Ang galing mo ng magpinta ah. Mana ka sa mommy mo." Sabi ko sa kaniya.
"I want to be a painter, Dada pero ang sabi ni Lolo Raze dapat daw maging businessman ako kasi po isa po ako sa magmamana ng mga business niya tapos sabi pa niya hayaan ko na daw po iyong sa inyong malugi. Maliit lang daw po iyon kumpara sa company niya." Kwento niya.
Napailing na lang ako sa sinabi ng anak ko. What should I expect from Raze Montier? Galit pa rin iyon sa akin kung pwede nga lang niya akong patayin ay ginawa na niya. "Anong sabi mo sa kaniya?"
"I told him that I will be a businessman and a painter and he said I'm an obedient boy unlike you, a good for nothing bas--- di na po natuloy ni Lolo iyong sinasabi niya kasi pinagalitan na siya ni Lala."
"You can be whatever you want, son. Kahit gusto mong maging pintor ay susuportahan kita." That's what my father always say and do, lagi niya kaming sinusuportahan sa lahat ng mga gusto naming magkapatid.
"Mommy said that too."
I looked at my watch, 7pm na pala kailangan ko na siyang ihatid. "Let's go, Lewes baka hinahanap ka na ng mommy mo." Sabi ko sa kaniya. Iniuwi ko si Lewes sa bahay ng mga Montier at walang Via na sumalubong sa amin.
What do you expect, Tariq? Lalabas siya ng bahay at tulad ng dati ay ngingitian ka habang kinukuha ang anak niyo?
Mas ok na pala iyong dati, iyong kahit papaano ay nagkakausap kami, iyong kahit iwas siya sa akin ay pinipilit niyang pakisamahan ako dahil sa anak namin.
Pagkahatid ko kay Lewes ay dumiretso ako sa isang bar at doon nag-isip isip habang umiinom. Ang tanga-tanga ko para paiyakin uli si Via.
"Umalis ka na."
"No, Via. We need to talk." Kailangan naming mag-usap because I can feel it. She still cares for me.
"Please, Tariq. Not now. Please." She said almost pleading.
"Via, please hear me out."
"Umalis ka na muna. Kakausapin kita kapag ready na ako." She said but I can't wait. Anim na taon na ang lumipas. Anim na taon na akong naduduwag. Kung maghihintay ako kailan pa siya magiging ready? Baka kasal na sila ni Sean ay hindi pa rin siya ready.
"Please, Via."
"Ayoko! Ano ba sa salitang iyon ang hindi mo maintindihan?! Ayokong kausapin ka! Ni ayokong makita ang mukha mo!" Sigaw niya.
"Via," I pleaded.
"Tama na, Tariq! This conversation is over! Ayoko and that's final!"
Tinalikuran na niya ako. She was about to leave nang pigilan ko siya. "Ganito na lang ba tayo? I want to clarify things! Sawa na akong magpakaduwag, Via! I want you to know how sorry I am and that I still love you."
Hinarap niya ako. She was covered with tears. "I knew your plan before. "
Napamaang ako. What? She knew? Then why? "You knew?"
"Yes! I knew! Bago pa tayo magpakasal, I knew about your plan pero nagpakatanga ako!" Marahas niyang pinalis ang kaniyang mga luha. "Ang tanga ko, Tariq. Ang tanga-tanga ko! Sa umpisa pa lang alam ko naman eh...pero sumugal pa rin ako. Isinugal ko pa rin ang puso ko para sa isang lalakeng walang iba gusto kundi saktan ako! Just to f*cking spite my mother!"
I don't know what to say. Para akong naputulan ng dila. She knew and yet she still chose to love.
She wiped her tears again. "You want to talk? Sure! I'll give you what you want! Mapilit ka eh! Wala naman akong magagawa kundi sundin ka, di ba? Because it was always you! Ikaw lang ng ikaw at ako, ako dapat ang laging mag-adjust!" May pag-uuyam na aniya. "Wala kaming naging relasyon ni Sean noon. I loved you, Tariq to the point na hinayaan ko si Daddy na itakwil ako kasi nagbago ka na, di ba? Ang sabi mo kasi hinding-hindi mo na ako sasaktan, ang sabi mo magbabago ka na pero mali ako, maling-mali! Nagpakatanga uli ako!" She said with so much anger that I can feel it through my bones. "Muntikan ng mawala si Lewes sa akin noon at dahil iyon sa'yo! Dahil hindi ka marunong makinig, it was just you and your ego!" Sumbat niya, this is what I'm waiting for, gusto kong ilabas niya lahat. Noon kasing nasa ospital siya ay nanghingi lang siya ng annulment, she even tried to smile at me afterall I did and then when I said sorry sinabi niyang pinapatawad na niya ako ng ganoon lang kadali which I find very hard to believe.
"Galit ako, Tariq. Galit na galit ako sa'yo pero dahil kay Lewes nabawasan iyon, nakaya kitang pakisamahan because you are still his father and I promised you an equal custody pero alam mo ba kung anong totoo kong nararamdaman? Ang gusto kong gawin noon?" Tanong niya. Tinulak niya ako gamit ang kaniyang dalawang kamay pero hindi ako nagpatinag. Ilang beses niyang ginawa iyon hanggang naging mga hampas na iyon sa aking dibdib. If this is her way to release her anger then I will let her. I deserve it anyway. "Ang gusto ko hindi ka na niya makilala! I want to hide him from you dahil natatakot akong saktan mo siya gaya ng pananakit mo sa akin, I can do it, I can hide him from you! My father is more than willing to lend me a hand pero hindi ko ginawa dahil alam kong kailangan ka niya, kailangan niya ng ama." She said, I felt like a thousand knives stabbed my heart. Masyado ko siyang nasaktan, masyado kong dinurog ang puso niya, masyado ko siyang sinagad and this is what I deserve. "So how dare you come here? And asked me to talk to you kahit ayoko!"
Because I'm f*cking jealous at umaasa pa rin ako na kahit paano ay may puwang pa rin ako sa puso mo.
"I'm sorry." I apologized.
She slapped me kapagkuwan ay tinignan niya ako na parang pagod na pagod na siya. "Umalis ka na, Tariq. Parang-awa mo na. Sobrang sakit na."
"Hi, handsome." A sluttish voice get me out of my trance. Binalingan ko ang babaeng umupo sa tabi ko.
"Go away."
I heard the woman cussed before leaving. I tsked, how many women should I shoo away to have a peaceful drink here? Kung sana si Via sila ako pa ang magkukumahog na maghabol. The biggest question is magpapahabol ba siya?
I want to die right now pero hindi, kawawa ang anak ko and besides baka magpaparty ang g*gong Sean na iyon panigurado lalo siyang papapel sa buhay ng anak ko, ayoko siyang sumaya. Nagpakalunod ako sa alak and the next day I woke up with a massive headache and a woman sleeping beside me.
Like what I have said before, some chapters were untouched, some were revised, some were removed and some were added. Some-some. Some people are panira talaga ng mood hahaha pero some made my day. :)
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars (Completed)
Ficción GeneralHer father treats her like a princess, the world treats her like she's a national treasure and yet the man she loves treated her like a trash. That's how her life sucks! (Completed)
