Chapter 11*

9.2K 236 20
                                        

Chapter 11


Tariq


We fell apart, once again I feel like Via and I fell apart dati-rati siya ang naghahatid kay Lewes sa akin o kaya naman ay sasalubungin niya kami tuwing iuuwi ko ang anak namin, ngingiti siya sa akin kahit na paano pero ngayon ay hindi na siya nagpapakita sa akin. I know that she's busy for her upcoming wedding, siya rin ang tumatahi sa kaniyang wedding gown just like she did when we got married even my tuxedo was sewed by her.


"Daddy."


"Yes?"


"Kailan ka ikakasal?" Tanong niya na ikinabigla ko. "You know my mommy is getting married ikaw kailan?"


"I don't know, buddy." Mukhang tatanda na akong binata, bonus na lang na may anak ako.


"Mommy said that I shouldn't be sad dahil ikakasal na siya kay Tito Sean because it means that I will have a new family at kapag ikinasal ka I will have other family meaning I will have many and that's a good thing."


Pilit ko siyang nginitian. "So ok na sa'yong ikasal ang mommy mo?"


"I want her to be happy." Sagot niya.


I want her to be happy too, son. I love your mommy but she doesn't love me.


"Dada pupunta kami sa Disneyland." Aniya.


"Pupunta kayo?"


"Opo kami ni mommy, tito Sean at ako."

Silang tatlo lang? Wow, anong ibig sabihin noon? May family bonding sila?


"Tito Sean said that I should call him Daddy or Papa."


Lalong nagtangis ang aking bagang sa narinig ko. Nagpapatawag na siya ng ganoon sa anak ko eh hindi pa sila kasal ni Via?


"Anong sabi mo?"


"Ayoko po pero I can't say no."


"So you said yes?"


Umiling siya. "Mommy heard it and she said na huwag daw po akong madaliin."


Mabuti naman at hindi nila pinilit ang anak ko.


"Anong sabi ni Sean?"


"He smiled then said ok then he kissed mommy."


They f*cking kissed in front of my son?! F*ck! Tumayo ako.


"Saan ka pupunta, Dada?"


"Where is your mommy?" Tanong ko.


"Nasa shop po." Sagot niya.


"Ihahatid muna kita kay Lola Lianne, miss ka na daw niya."


Tumayo si Lewes. "Ok po, miss ko na rin siya."


Hinatid ko si Lewes sa bahay ng nanay ko bago pumunta sa shop ni Lewes. I am mad! Alam naman nilang hindi pa gaanong ok kay Lewes ang pagpapakasal nila pero naghahalikan sila sa harap niya.



Via


Just choose the one you love. Hindi madali pero iyon ang tama.


It's been a month since that talk. Hindi ko na rin kinakausap si Tariq. Hindi rin kami madalas magkita ni Sean since busy siya. Kahapon na lang uli siya nakadalawa sa bahay. The engagement still stands at hindi ko alam kung ano ang dapat gawin tungkol doon or maybe I know what I have to do pero natatakot ako sa mga consequences. Nagpakawala ako ng buntong-hininga habang nakatingin sa wedding gown ko. Buo na ang gown ko, mga beads at Swarovski crystal na lang ang kulang.


"Is that your wedding gown?"


Mabilis kong nilingon ang nagsalita. It was Tariq.


"What are you doing here?"


"It's beautiful." Tukoy niya sa gown ko. "Pero mas maganda iyong nauna." Aniya. I agree, mas maganda nga iyong ginawa ko noon, that was my dream wedding gown nag-uumpisa pa lang ako sa fashion school ng inumpisahan kong gawin ang sketch na iyon and it took me 4 years before I finished it. Ayoko kasing maging basta-basta na lang iyon, it was my wedding gown at syempre gusto kong maging best creation ko, our wedding was grand, sa pagkakatanda ko ay nakaubos ng mahigit-kumulang na sampung milyon si Tariq ang problema nga lang hindi naging maganda ang marriage namin. And now, I'm marrying Sean I want it to be simple as possible wala masyadong bisita kundi mga kamag-anak at kaibigan lang namin, ayoko na ng engrande.


"What are you doing here? Nasaan si Lewes?"


"Iniwan ko kina Mama."


"Then why are you here?" Tanong ko pero sa halip na sagutin niya ito ay nagtanong pa siya.


"You don't want me here?" Aniya habang nakapamulsa.


"It's not that..." I sighed. I don't need to lie lalo pa't ngayon na gulong-gulo na aking isip. "Yes, Tariq I don't want you here, hindi ka naman dapat nandito dahil wala dito si Lewes. I don't even want you near me."


Kita ko ang pagbalatay ng sakit sa kaniyang mukha or naybe I'm just imagining things. "Lewes said na nagpapatawag na si Sean ng Papa o Daddy, is that true?"


So iyon ang ipinunta niya dito? Nasaling ba ang kaniyang ego bilang ama?


"Yes, wala naman sigurong masama dahil magpapakasal na kami. Hindi naman kita pinapalitan bilang ama ni Lewes. You will always be his father magpakasal man ako o hindi."


"Do you love him?" Tanong niya na ikinabigla ko. Bakit niya itinatanong iyon?


"I will marry him."


Tumango-tango siya. "Magiging masaya ka ba sa kaniya?"


"I will not feel any pain, Tariq. Hindi niya ako sasaktan."


"Hindi ka niya sasaktan hindi tulad ko...I'm a terrible person unlike him. You got what you wished for. You have your own version of Raze Montier."


"I actually never wanted that." I said with a sad smile then a lone tear fell down. "I just wanted you before, Tariq." Nag-iwas ako ng tingin. "Galit ka pa ba, Tariq? Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin?" Hindi ko mapigilang tanong. I need to know.


Ilang ulit siyang umiling. "No, Via hindi ako galit sa'yo." He said then sighed. "Noong iwan mo ako at pumunta sa Seattle doon ko napagtanto na hindi dapat ako nagalit sa'yo o sa Mama mo, hindi dapat ako nagalit dahil hindi ko naman alam ang buong kwento. I'm so sorry, Via. I'm so sorry for hurting you emotionally and physically." Hingi niya ng paumanhin at doon ako naluha. Mukhang sising-sisi siya bagay na hindi ko nakita noong nasa ospital pa ako. Siguro sising-sisi na rin siya noon pero sa sobrang galit ko ay hindi ko nakita, pinipigilan ko kasi ang sarili ko noon na ipakita ang galit ko. Muntikan ng mawala si Lewes sa akin noon kaya galit na galit ako kay Tariq to the point that I gave up, na nanghingi ako ng annulment.


I nodded. "You can go now. Thank you for dropping by. Goodbye, Tariq." I said pero nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ko habang nakatingin sa akin. I looked at him.


"M-mahal kita."


My heart started to beat faster. Mahal niya ako? Pero bakit ngayon lang? I silently waiting for him. Noong nasa Seattle ako umaasa ako na pupuntahan niya ako at magmamakaawa siya na bumalik ako kasama ng anak namin but that day never came. Pumupunta siya doon pero para dumalaw lang.


"Umalis ka na, Tariq."

Rewrite The Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon