Chapter 7
Tariq
"Tariq, sweetheart..." Ramdam ko ang dahan-dahang pagtapik ni Via sa aking pisngi.
I slowly opened my eyes. And she started singing happy birthday while holding ny favorite cake that I think she baked. "Happy birthday!" Bati niya sa akin.
I smiled, umupo ako sa kama. "Make a wish." She said and I did, I hope that she and our baby will be healthy. I blow the candle and gave her a kiss.
"Thank you."
Kinuha ko ang cake mula sa kaniya at pinatong iyon sa bedside table at kapagkuwan dahan-dahan kong hinimas ang kaniyang malaking tiyan. She's seven months pregnant and I'm so excited to see our child.
"I have another surprise for you. Pull the cake topper."
Tumayo ako at ginawa ko ang inutos niya, mula doon sa cake topper na hinugot ko ay may card na lumabas doon and I almost lost my sanity when I read what is written on the card.
We're having a baby boy! Congrats, Daddy.
"F*ck!" Hindi ko napigilang mura. I am so d*mn happy! "I knew it! Sabi ko na nga ba! We're having a boy!" Sabi ko sabay yakap sa aking asawa. "Thank you, love. Thank you." I planted small kisses on her head.
Via chuckled. "Happy birthday."
"It is indeed a happy birthday."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang orasan na nasa bedside table ko. 6am, March 6.
Inabot ko ang aking cellphone at nakita kong marami ng bumati sa akin, ni isa sa kanila ay wala akong nireplyan even my mother.
Simula nang mawala sa akin si Via, I never celebrated my birthday. I miss her red velvet cheesecake. I miss her so bad.
Tumayo ako mula sa kama at nag-ayos para pumasok sa opisina. Nang nasa opisina ako ay doon ako nakatanggap ng tawag mula kay Via.
"Hello, Tariq."
"Hello."
"Are you busy?" She asked.
"Hindi naman, bakit?"
"Pwede bang ihatid ko sa office mo si Lewes? Wala kasing maiiwan sa kaniya dito sa bahay except the maids. Ok lang ba kung ikaw muna ang magbantay sa kaniya?"
"Of course. Anong oras mo siya ihahatid?" Tanong ko.
"Actually, nasa daan na kami so maybe after 10 minutes nandiyan na kami."
"Ok, I'll be waiting. Ingat." I said.
"Ok, thank you. Bye."
Napangiti ako ng malungkot. Hindi niya ako binati. Siguro hindi niya naalalang birthday ko just like these past few years. Nilagay ko sa drawer ang kaniyang litrato, ang tinira ko lang ay ang sa anak namin. I called my secretary to cancel all my appointments.
Minutes later, they arrived.
"Hello, Dada!" Tumakbo papalapit sa akin si Lewes at nang makalapit siya ay binuhat ko siya.
"Hello, kiddo. Did you miss me?" He nods. Lumapit sa akin si Via, may dala siyang bag.
"Gamit ito ni Lewes." Sabi niya sabay lapag sa isa sa mga upuan doon. "I'm going." She said, lumapit muna siya sa amin para halikan ang aming anak.
"Ingat ka." Sabi ko.
"Thank you."
"Bye, Mommy."
"Bye, baby. Be good."
Nang makalabas na si Via ay nagpababa si Lewes sa akin at may inilabas sa bag.
"Happy Birthday, Dada." Inabot niya sa akin ang isang tin can. "It's a cake! Mommy and I made this for you"
Binuksan ko iyong tin can and I saw a red velvet cheesecake. My heart warmed, akala ko nakalimutan niya.
"Dito ka lang, may pupuntahan lang ako saglit." I told him, mabilis akong lumabas sa opisina ko. "Dexter, bantayan mo si Lewes." Sabi ko kapagkuwan ay tumakbo na papunta sa elevator. Gusto ko siyang makausap.
Nang makalabas ako sa elevator ay inilibot ko ang aking mata and there I saw her walking towards the door.
"Via!!" Sigaw ko. I don't care if I'll make a scene here. This is my company. I can do whatever I want.
Lumingon siya sa akin, nagtatanong na tumingin siya sa akin. Tumakbo ako papunta sa kaniya. Niyakap ko siya.
"I failed, right? I failed miserably."
Hinagod niya ang aking likod and from that moment I want to stop the time, I miss being in her arms. I miss her terribly.
"We both failed, Tariq." Akmang lalayo siya sa akin pero mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. "Happy birthday."
"I'm not happy, V. I'm not." I said honestly.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars (Completed)
Ficción GeneralHer father treats her like a princess, the world treats her like she's a national treasure and yet the man she loves treated her like a trash. That's how her life sucks! (Completed)
