Hello to Ms. jhiiiaaannneee who made such wonderful book covers for my stories. Thank you so much for your efforts. Pinaka-favorite ko 'yong cover ng Detritus. Thank you 😊😊😘
Chapter 28
Tariq
"We can't go home tomorrow. I'm sorry."
Inis na binato ko ang boteng hawak ko. Nabasag 'yon sa sahig. D*mn! Bakit hindi na naman sila uuwi? My jealousy is eating me. Paano kung hindi na siya bumalik?! I want to go there pero hindi pa pwede dahil may problema pa akong dapat ayusin. Pero paano kung sa kakahintay ko ay mawala siya sa akin. I should be there making her fall in love with me hanggang sa hindi na niya maisip na iwan pa ako.
Kinuha ko ang cellphone ko. Kanina pa tumatawag si Via pero hindi ko iyon sinasagot. I am so d*mn frustrated! Ayoko namang sagutin ang tawag niya habang galit ako. I won't let my anger speaks for me. Ayoko na uli siyang mawala sa akin just because I lost my control.
I dialled Dexter's number, seconds later he answered. "Book me a flight today or I will fire you." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. I ended the call at pumasok ng banyo para maligo. I can go in Seattle without a luggage. Ang kailangan ko lang naman ay ang passport ko.
Paglabas ko sa banyo ay narinig kong nagriring ang cellphone ko. I looked at the caller's i.d pero hindi ito registered sa contacts ko. Sino kaya 'to?
I answered it. "Hello, Dada!"
Nagulat ako sa boses ng anak ko. "Lewes?"
"Yes po."
"Where did you get this number?"
"Kay Tito Vaughn po. Ayaw ka nga pong tawagan ni Tito Vaugn kasi pinapaiyak mo ang mommy ko."
I suddenly felt guilty. Umiyak siya? F*ck! "Kagagaling lang po ni mommy sa hospital tapos pinapaiyak mo pa siya."
She was in the hospital with Sean. "We rushed mommy to the hospital kasi nakita namin siya ni Tito Vaugn sa floor."
"What?!"
"Dada, wag mo kong sigawan!" Sigaw niya pabalik pero hindi ko na iyon pinansin.
"What happened to your mom? Bakit daw nahimatay?"
"Mommy's pregnant. Magiging big brother na ko." Masaya niyang balita.
Para akong tinakasan ng kaluluwa. "S-she's pregnant? Already?"
"Opo. One week na daw po yata. I heard po sabi ng doctor habang kunwari tulog ako."
One week ibig sabihin nagbunga ang araw na iyon. Dinagsa ako ng hindi maipaliwanag na kaligayahan. My sweet Via is pregnant again. F*ck! I really need to go there.
"I'll be there, Lewes. Don't tell mommy, it will be a surprise." Sabi ko.
I know my son will be happy by hearing that kaya nagulat ako ng isang lalake ang nagsalita sa kabilang linya. I'm sure it's Vaughn. "F*cking surprise, assh*le. When I see you I will beat you for making my cousin cry."
Wala akong pakielam. If he's gonna beat me that's ok. "Before I forgot, it's her 10th week." He said then cut the call.
Napatanga ako. 10th week? She's in her 10th week. Ang kasiyahang nararamdaman ko ay napalitan ng matinding sakit. Kanina ay parang dinuduyan ako sa kasiyahan pero ngayon...para akong hinulog mula sa napakataas na palapag ng building. I felt like dying. Hindi ako ang ama ng kaniyang dinadala. Ayos lang sa akin na may nangyari sa kanila ni Sean noon. I can live with that fact but can I live with the thought na magkakaroon siya ng anak sa iba?
-----****-----
"H-hindi mo ko kailangang samahan." Hara said while we are waiting for our turn. Nasa Bulacan ako ngayon, dito kasi siya nakatira. Her family own a hacienda at kilala rin ang pamilya niya biglang isa sa mga pinakamayaman sa buong Bulacan.
"It's ok." Sabi ko na lang. "Hara," Tawag ko sa kaniya.
"Yes?"
"Can we conduct a paternity test?" I asked. "Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa sinasabi mo."
"But you still need a proof." Mahina at malungkot niyang sabi.
Yes, I need a proof. Hindi naman pwedeng akuin ko ang bata na hindi ako sigurado. "I'm sorry pero kailangan kong makasigurado. I don't mean to offend you."
Tumango siya. "Hindi mo naman ako kailangang panagutan, Tariq. Pwede nga ring kalimutan na lang natin na nag-eexist ang isa't-isa. Ayokong makagulo. Hindi rin kailangang malaman ng babaeng mahal mo ang tungkol sa akin." She said.
I sighed when I heard her say: babaeng mahal mo. I didn't call Via for the last three days. She tried to reach me pero binawela ko lang 'yon. I don't want to talk to her. Hindi dahil galit ako sa kaniya kundi dahil natatakot ako. Paano na lang kung sa pagtawag niyang iyon ay sabihin niyang hindi na siya babalik? That she will choose Sean at iiwan na niya ako ng tuluyan. Hindi ko kakayanin. I might die kapag narinig ko sa kaniya ang mga salitang 'yon. Noon, I tried to accept the fact na hindi na siya uli magiging akin. Na dapat palayain ko siya pero nagbago ang lahat when I realized that I can't be happy without her. Hindi ko siya kayang makitang masaya sa piling ng iba. Bumuo ng pamilya na hindi ako ang kaniyang kasama. No, I just can't. Kaya kinasabwat ko ang anak ko just to have her again. I took that as an advantage pero ngayon...I don't know. Kung dati ay lamang ako kay Sean ngayon ay wala na. Lamang na lamang na siya sa akin kaya anong aasahan ko? Tapos ngayon malaki pa ang posibilidad na nakabuntis ako ng ibang babae. Would she still accept me? I bet no. Who would want a man like me?
"Hindi naman pwedeng kalimutan na lang kita basta-basta. If you are pregnant with my child. I will support you financially kahit pa alam kong mayaman kayo. I can also love our child just like how I love my son."
"M-may anak ka?"
"Yes, may anak na kami ni Via. Via is by the way the love of my life." I simply said.
"A-re you married, Tariq?" She looked at my fingers. Wala siyang nakitang singsing doon pero alam kong naghihintay siya ng sagot.
"I was before."
"And Via is your ex-wife?"
"Yes."
"Bakit kayo naghiwalay?" Hindi ko agad siya sinagot. "Sorry. I didn't mean to pry." She said.
"I screwed up." I said then sighed. "Hindi ko siya pinahalagahan. All I did was hurt her." Dagdag ko.
I felt her hand on my left hand. "Magiging ok rin ang lahat." She said.
Things will never be ok kapag nawala ng tuluyan sa akin si Via. Never.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars (Completed)
General FictionHer father treats her like a princess, the world treats her like she's a national treasure and yet the man she loves treated her like a trash. That's how her life sucks! (Completed)
