Chapter 22*

6.4K 139 25
                                        

Chapter 22


Tariq


"You don't need to cry again." Ngiting-ngiti kong sabi sa anak ko na kagigising pa lang. Wala siyang pasok ngayon dahil Sabado.


"Really? Why? My baby sibling na ako?"


"Wala pa pero malapit na." Kagabi ang saya-saya ko! She gave me a chance at hindi ko iyon palalampasin. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa engagement niya but that was good as a void contract. Wala na iyong bisa dahil sa akin na si Via.


"Kailan?"


"Nine months from now."


"Ang tagal naman!"


"Anak, ganoon talaga katagal iyon. All you need to do is wait at least hindi mo na kailangang iyakan ang mommy mo para tumira dito."


"Dito na kami titira permanently?" He asked.


Tumango naman ako. "Eh paano iyong kasal nila Tito Sean?"


I smirked. "Hindi na sila ikakasal. Kami na ang ikakasal ng mommy mo then you'll have siblings as many as you want. And since you did your best para mapatira dito ang mommy mo I will give you a reward maliban sa sibling na hinihingi mo, huwag muna iyon. What do you want?"


Nag-isip siya. "I want an iPad."


"I will buy you later."


"Yes! Thank you, Dada."


"Pero magpapaala muna tayo sa mommy mo." Pahabol ko.


"Ayaw naman ni mommy na bilhan ako ng bago." He said with a pout.


"Tariq, Lewes! Breakfast is ready!" Rinig naming sigaw ni Via.


Lumabas kami ng kwarto ni Lewes. "What's for breakfast, mommy?"


"Waffles and fruits." She said. "Hindi na ako nakapagluto ng heavy breakfast since late na tayong nagising." Aniya na nakatingin sa akin.


"It's ok, love." I said with a big smile. Hindi mawala ang ngiti ko. This is the start of our new beginnings. Pinaupo ko si Lewes. Pinanghila ko rin ng upuan si Via.


"Thank you." Aniya.


We started eating. Masayang nagkwento si Lewes habang kami ay nakikinig at tumatawa. Na-open rin ang tungkol sa iPad na gusto ni Lewes. Of course sa una ayaw niya but she can't say no to our son. I watched them as they both laughing. This is what I wanted. Hinawakan ko ang kamay ni Via na nasa ibabaw ng mesa. "Thank you." I said sincerely.


She smiled at me. "Kumain na tayo. I have a client to meet later."


"Mommy, sama ako." Ani Lewes.


"Ok, sama kayo ng Dada mo. Ok lang ba, Tariq?"


"Of course. Sasama kami."


"Sandali lang naman iyon. Sa shop lang."


"Kahit matagal pa." I said then winked.


After we ate our breakfast ay pumunta kami sa shop niya. Nakaupo siya sa upuan niya habang kami ni Lewes ay busy sa pagtitingin ng iPad sa internet.


"iPad lang ba ang gusto mo?" Tanong ko sa anak ko.


"Kapatid."


"Di ba sabi ko sa'yo malapit na."


Rewrite The Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon