Vice' POV
After ng meeting namin dumiretso agad ako sa Park. Nagtext kasi sakin si Mommy Luisa... Chosss! Tita pa lang.
Nasa Park na daw sila. Mabuti na lang talaga at tanggap ako ni Tita.
*Flashback*
Matapos and pagku-kwentuhan namin ni Nanay kagabi umakyat na ako ng kwarto. Pumikit na ako para matulog pero hindi ako makatulog kaya naisipan kong tawagan si Tita Luisa.
"Hello Tita? Sorry po sa pang-aabala ko.
"Wala yun... Ikaw pa ba? Ano bang maitutulong ko sayo?"
"Ah Tita may sasabihin po sana ako sa inyo. Pero sana po wag nyo pong sabihin kay Jaki 'to."
"Oo naman. Ano ba yun?"
Huminga muna ako ng malalim.
"Ahh Tita... Alam ko pong may boyfriend na ang anak mong si Jaki, at alam kong napakaimposible po nito pero... Mah- mahal ko na po si Jaki. Pero kung ayaw nyo po ako para sa anak nyo, okay lang po."
Hindi pa rin sya nagsasalita, naku kinakabahan na ako.
"Tama ba lahat ng narinig ko?"
"Opo! Mahal na mahal ko po si Jaki. Gusto ko pa kasing kayo po muna ang makaalam kasi ikaw po ang ina nya."
"AHHHHHHHHH!"
Nilayo ko young phone sa tenga ko. Ang sakit ah! Kilig na kilig si Tita!
"Hindi ko lubos maisip na tama ang hinala ko."
BINABASA MO ANG
Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)
ФанфикSi Jaki na kilala bilang si Ate Girl ng #1 noontime show na 'It's Showtime'... Isang simpleng babae na dancer lang dati at biglang sumikat ng dahil kay Vice Ganda na isang Host-Comedian sa 'It's Showtime'. When Kuya Boy meets Ate Girl, nagbago ang l...