Chapter 43 (Knowing them more)

260 15 0
                                    

Vice' POV


Matapos ang pag-uusap namin sa DR ko ay inaya ako ni Tito Florencio na magdinner sa kanilang bahay sa Antipolo. Buti nalang talaga natanggap nya ako. Akala ko talaga mahihirapan akong kumbinsihin si Tito.

Alas-sais na ng makarating kami sa Antipolo. Madalas na ako dito kila Jaki, every Sunday kasi pumupunta kami dito o pag wala kaming ginagawa. Nung dati nga eh dinumog ng mga kapit bahay ang harapan ng bahay nila Jaki, gusto daw kasi magpa-picture sa amin. Pinagbigyan nalang namin kasi baka kung ano pang masabi pag-inignore ko sila. Kaya matapos ang araw na yon, sa tuwing pumupunta kami dito ay nagtatago kami. Hehe...



"Bayaw! Upo ka muna dito, sila Mommy na daw bahala sa kusina." sabi ni Kiko.


Lumapit ako sa kanila at naupo sa sofa. Kasama nya ang mga kapatid nya. Hindi ko alam pero, parang kinakabahan ako. Nahiya naman yung katawan ko sa kanila, baka isang suntok lang sa mga ito tulog na ako.


"By the way, hindi pa pala namin napapakilala sayo itong mga kuya namin." panimula ni Kiko. "Ito si Kuya James, si Kuya Laurence, Kuya Luis, at si Kuya Jason."


"Nice to meet you po!" bati ko sa kanila then nakipagkamay.


"Mga kuya, si Vice nga pala!" dagdag pa ni Kiko.


Oo nga noh! Never pa sakin nasabi ni Jaki o kung sino man sakanila about dito sa mga Kuya nya. Habang kaharap ko silang magkakapatid ay masasabi kong maganda ang lahi nila.

Sana all! Hehe...



"Nice to meet you din po, Vice." bati nung sa tingin ko ay panganay sa kanila.



James ata pangalan nito. Ang dami kasi nila! Nakakalito!


"Wag nyo na ako i-po, nakakatanda eh. By the way, I heard from Jaki before na OFW din kayo, Am I right?" I ask them.



"Yeah, mahirap man pero kinakaya naman, just for our family." sagot ng isa sa kanila na nagngangalang Laurence.



Napangiti naman ako... Natutuwa ako dahil napakabuti talaga ng pamilya ni Jaki. Wala ni isa sa kanila ang selfish. Kaya di na ako magtataka kung bakit napakabait ni Jaki.



"Si Kiko at si Bunsoy lang talaga ang hindi nag abroad. Mabuti na rin yun para may kasama naman si Mommy dito." sabi naman ni Luis.



Napatango naman ako sa sinabi nya.



"Actually hanga ako sa inyo, kasi nakakaya nyong tiisin na hindi kasama ang pamilya nyo. I wish I could do that." sabi ko.


"Wala kasing choice, kung walang magtatrabaho sa amin, walang mangyayari sa amin." sabi naman ni Jason.


Napatango nalang ako. Kaya siguro hindi nila nagustuhan ang pagiging dancer ni Jaki nung una. Kasi maliit lang naman ang kinikita dito. Mukhang tama nga talaga ako ng tinulungan.


"Kami hanga sayo! Di namin akalaing kakayanin mong mahalin itong si Bunsoy namin na ubod ng kakulitan." sabi ni James.



"Hah? Hahaha... Oo nga eh! Di ko rin inakala, sobrang kulit nya nga talaga. Tapos para syang timang pagtumawa." natatawang sabi ko.



Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon