Jaki's POV
"WHAT?!" sigaw nila Madc, Melvie at Charm.
Nagtinginan sa amin yung mga co-dancers namin.
"Ayy sorry sorry." sabi ni Madc sa mga co-dancers namin.
"Pwede ba manahimik kayo? So yun na nga." sabi ko sa kanilang tatlo.
"Pero nakakakilig yung nangyari. Totoo kaya yun?" sabi ni Melvie.
"Hindi naman siguro... Alam mo naman yung taong yun, puro kalokohan nasa isip nun." sabi ko.
"Well oo nga, puro nga sya kalokohan pero alam mo ba kung alin ang kalokohan sa totohanan?" sabi naman ni Madc.
Natigilan ako sa sinabi nya. Paano kung totoo talaga yung sinabi nya? Ugh! Hindi 'to pwede! Si Tom dapat ang iniisip ko!
"Alam nyo di kayo nakakatulong. Lalo nyo lang ginugulo ang isip ko." sabi ko sa kanila.
"Ikaw naman kasi eh! Wag mo na kasing pansinin yun. May boyfriend ka teh! At kung talagang seryoso sya in person nya dapat sabihin yun. Kaya chill ka lang." sabi naman ni Charm.
Oo nga, may point sya dun. Ipapakita ko na lang na hindi ako naapektohan sa sinabi nya.
*After ng Show*
Nagkwe-kwentuhan kami nila Madc dito sa backstage, kakatapos pa lang ng showtime. Si Tom naman nandun kasama ng mga hashtags. Maya-maya lumapit sya sa amin.
"Hi Girls!" bati ni Tom sa amin.
Tumango lang yung tatlo. Anyare dito?!
"Ah Babe! Saan mo gusto pumunta?" tanong ni Tom sa akin.
"Ahmmm... Sa K----"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang may sumulpot na staff.
"Ahh excuse me, pinapatawag po lahat ni Direk buong ST Family daw po. Sa stage daw po." sabi ng isang staff.
Bakit kaya? Mukhang may good news si Direk.
"Ahh sige po, thanks." sabi ni Tom dun sa staff.
BINABASA MO ANG
Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)
FanficSi Jaki na kilala bilang si Ate Girl ng #1 noontime show na 'It's Showtime'... Isang simpleng babae na dancer lang dati at biglang sumikat ng dahil kay Vice Ganda na isang Host-Comedian sa 'It's Showtime'. When Kuya Boy meets Ate Girl, nagbago ang l...