Jaki's POV
"Ano mga anak? Nagustuhan nyo na?" tanong ni Nay Rosa.
Medyo napanatag na ang loob ko, nawala na yung kabang kanina ko pa nararamdaman. Andito kami ngayon sa dinning area at sabay-sabay na kumakain. Eh habang kumakain kami ay kwento rin ng kwento si Nanay about kay Vice or should I say Tutoy? Haha! Saka about sa pagiging fan nya ng love team namin ni Vice. Sinabi pa nga nya Nanay na lang daw ang itawag ko sa kanya. Saya di ba? Hehe!
"Di lang ako ang nagluto ng mga yan... Nagpatulong naman ako sa mga kasambahay namin dito." sagot ni Nanay.
Napatango-tango na lang ako. Napatingin ako kila Madc na ngayon ay kain ng kain.
Aba! Himala ata! Ang behave natin ah?! Basta talaga may pagkain, yun lang ang prina-prioritise nila. Haha!
"Pero masarap talaga yan magluto si Nanay... Kaya kung gusto nyo matutong magluto, kay Nanay lang kayo lumapit." nakangiting sabi ni Vice. "Ahmmm... By the way, may sasabihin ako sayo Jaki. Well I think ikakatuwa nyo ang sasabihin ko, because this one is kind of a good news."
Napatingin kami sa kanya...
Ano daw? Good news? So ito yung sasabihin nya? Good news na mahal nya rin ako ganern?
Huminga muna ito ng malalim bago magsalita.
"Ahh tumawag na sa akin ang management... Ang sabi nila madaming nagre-request na isama ka sa Fantastica. So they decided na isama ka na since malakas ang impact mo sa tao... And alam naming magaling ka." sabi nya.
Napanganga kaming lahat sa sinabi nya.
Ala! Tama ba ang narinig ko?! Di nga?!
"Oh. My. God... Di nga?!" di makapaniwalang tanong ko.
"Oh edi wag ka maniwala... Haha! Oo nga!" pagbawi nya.
"Ahhhh! JAKI!" sigaw nila Madc na ikinagulat ko.
"Shhh! Ang ingay nyo..." pabulong kong sabi sa kanila.
Tumahimik naman bigla ang tatlo at bumalik na sa pagkakain.
Hanggang ngayon nakanganga pa rin ako. Parang hanggang ngayon nagpa-process pa lang sa utak ko ang mga sinabi ni Vice.
BINABASA MO ANG
Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)
FanfictionSi Jaki na kilala bilang si Ate Girl ng #1 noontime show na 'It's Showtime'... Isang simpleng babae na dancer lang dati at biglang sumikat ng dahil kay Vice Ganda na isang Host-Comedian sa 'It's Showtime'. When Kuya Boy meets Ate Girl, nagbago ang l...