Chapter 20 (Now I've Realize)

636 25 1
                                    

Tom's POV


After ng Funanghalian mainit nanaman ang ulo ko. Hinanap ko agad si Jaki, umiiral nanaman ang init ng ulo ko. Maya-maya nakita ko sya sa backstage kausap ang mga co-dancers nya. Papalapit na sana ako sa kanya ng makita kong papalapit na rin si Vice sa kanya.

Ahhh so uunahan mo pa ako?

Binilisan ko ang paglalakad ko at tumigil sa likod ni Jaki sabay akbay, ngumiti ako para magmukha kaming masaya at naglalambingan. Nagulat pa si Jaki sa pag-akbay ko then ngumiti din sya.



"Let's have a dinner later?" tanong ko kay Jaki.



"Ahmm okay! Basta maaga tayo uuwi." sabi nya.



"Yeah sure!" sabi ko then smile.



Napalingon sya sa mga co-dancers nya and by that time nakita nya si Vice na nakatingin sa amin. Napatingin din ako kay Vice na nakasimangot ngayon, bigla naman nyang nginitian si Jaki at naglalad na pabalik.

Huh! I told you before that stay away from Jaki. And kung hindi mo yun susundin... Masasaktan at masasaktan ka lang.








Jaki's POV


"Huy! Okay ka lang?" tanong ni Melvie.



"Hah? Ah oo naman!" sagot ko.



"Oo naman?! Eh kung makatulala ka dyan para kang namatayan." sabi nya pa.



"Di! May iniisip lang ako." sabi ko.



"Iniisip nanaman nyan si Kuya Boy nya." sabi naman ni Madc.



"Hah?! Hindi ka---"



"Yan! Tanggi nanaman! We know you Jackque Gyl Delos Santos Gonzaga soon to be Viceral." sabi pa ni Madc.



"Ayyiieee!" sabi ni Melvie at Charm.



Itong mga babaeng 'to naku! And iildit din eh.

9:00 pm na ngayon pero gising na gising pa rin ang diwa ko... Ewan ko ba! Nang makita kong nakasimangot si Vice habang tinitingnan kami ni Tom kanina, parang nasaktan ako. Lalo na ng ngitian nya ako, yung ngiting malungkot dahil masasaktan sya.

Ngayon, nararamdaman ko ng mahal nya rin ako. Kaya lagi syang nasa tabi ko at pinapatawa ako sa tuwing malungkot ako ay dahil gusto nyang iparamdam na mahal nya rin ako.

Naramdaman kong may tumulong luha galing sa mga mata ko.



"Oh Jaki? Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ni Charm.



"Huy Jaki! Anyare sayo?" tanong naman ni Madc.



"Lagot ka nyan Madc! Pinaiyak mo si Jaki!" sabi ni Melvie.



Natawa naman ako sa kanila. Para talaga silang mga bata.



"Di! Sira! May na-realize kasi ako." sabi ko.



Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon