Epilogue

444 19 4
                                    

A/N: Eto na! Sa wakas natapos ko na rin! Hahaha! After 1 year! Thanks sa mga ka-VJs dyan na patuloy na sumusuporta sa story na 'to.

Nasatatawa ako sa mga nagreact sa last chapter. Sorry kung na-tense kayo ah! Hahaha!

Dahil pasukan nanaman mabubusy nanaman ako... Pero pipilitin kong magkapagsulat para sa YMZ. So let's start.😁😘

So for the last time... Please kindly vote and comment your thoughts about the whole story.

Thank you and Enjoy!😘💜

🐷🐴🐷🐴🐷🐴🐷🐴🐷🐴🐷🐴🐷🐴🐷🐴



Jaki's POV


3 years... Tatlong taon na ang nakalipas ng mangyari ang pinakamasamang nangyari sa buhay ko. Akala ko sa mga teleserye lang nangyayari ang mga ganoong bagay, pero hindi akalaing mangyayari din pala yun sa sarili kong buhay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na yun. Sobra-sobra ang takot at kaba ang ibinigay sa akin ng pangyayaring yon. At ang masakit sa lahat ay yung makita mo ang minamahal mong nakabulagta habang naliligo sa sariling dugo. Sobrang sakit na makita mong nag-aagaw buhay na sya sa harap mo.

Pero ng dahil sa pangyayaring iyon, natuto akong maging matatatag sa---


"Ano ba yan?! Sino nanaman itong tumatawag, nag-eemote yung tao eh!" inis na sabi ko sa  hangin habang kinukuha ang cellphone ko.


Kanina pa kasi eh, ang daming tumatawag. Pero okay lang, at least nagbabati sila dahil birthday ko ngayon. Napangiti nalang ako ng makita kung sino ang tumatawag.


"What take you so long?"


"Che! Wag mo akong ma-english-english dyan! Kakaratihin kita! Alam mo bang kanina pa ako naghihintay ng bati mo?! Jusko! Gabi na Viceral... Akala ko kinalimutan mo na ang---"


"I love you..."


Bigla naman nanlambot ang puso ko. Nyemas naman! Bakit ba pagdating sa taong 'to ang bilis mawala ng galit ko?


"Sorry na okay? Na-busy lang kasi ako eh. Alam mo na, may shooting ako sa next movie project ko, and then after that inasikaso ko pa yung VC. Pero kahit busy ako di ko nakalimutan birthday mo. Love na love ata kita."


"Asus! Oo na sige na... Love din naman kita."


Hehe, kinikilig ako!


"Jaki wag kang ganyan! Naiihi tuloy ako!"


Hindi na talaga 'to nagbago kahit kailan.



"Nasaan ka ba? Nangako ka magde-date tayong dalawa ngayon birthday ko."


"Yah I know. Kaya nga papupuntahin sa kita dito sa bahay. Dito nalang tayo kumain, di kita masusundo kasi nagluluto pa ako. Gusto kitang lutuan eh."


Napangiti naman ako sa sinabi nya. Para akong loka-loka dito na ngumingiti nalang.


"Opo, sige na. Magbibihis pa ako."


Papatayin ko na sana ang tawag ng magsalita muli sya.


"Nasaan ang three magical words ko?"


Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon