Jaki's POV
"Jaki, alam kong napaka-imposible nito sa iaang tulad ko... Na bakla... Vakloosh... Bading... Beki. Pero, Jaki..." sabi ni Vice.
Nakatitig lang ako sa magaganda nyang mata.
Andito kami sa rooftop ng ABS-CBN Building. Ewan ko ba dito, bigla nya na lang ako hinila dito. Napakabilis ng mga pangyayari, at ngayon may nais syang sabihin pero hindi nya ako magawang diretsohin.
"Hmmm?" nakangiti kong sabi.
"Jaki, gusto kong sabihin sayo na simula ng mabanggaan kita sa mall noon, umiba ang takbo ng buhay ko... Jaki, ikaw ang dahilan ng pag-gising ng matagal nang natutulog kong puso." sabi nya pa.
Bigla na lang akong napangiti ng hindi alam ang dahilan. Kahit hindi ko pa masyadong nage-gets ang sinasabi nya, eh sobrang saya na ng puso ko.
"Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti sya ng bahagya at hinawakan ang mga kamay ko.
"Jaki, wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba... Basta masabi ko lang sayo na... Mahal kita." sabi nya.
Natigilan ako sa sinabi nya, hindi ko maigalaw ang katawan ko, parang hindi ko na nararamdaman ang sarili ko.
Totoo ba 'to? Tama ba ang narinig ko?
"Vice, gusto ko ring malaman mo na mula ng mag-krus ang ating landas, mas sumaya ang buhay ko. Hindi ko inaasahang dadating ang isang Vice Ganda sa buhay ko... Ang taong karamay ko sa tuwing nalulugmok ako sa kalungkutan at ang taong pilit akong ibabangon sa tuwing ako ay nahihinrapan." sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Vice, gusto ko ring sabihin sayo na... Mahal na mahal kita ng higit pa sa buhay ko."
Tumulo na run ang luha nya, kasabay ng papalubog na araw.
Hinawakan nya ang pisngi ko at marahang pinunasan ang luha ko. Hindi ko mai-describe ang nararamdaman ko. Basta ang tanging masasabi ko lang at hindi na maawat ang malakas na pagkabog ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)
FanficSi Jaki na kilala bilang si Ate Girl ng #1 noontime show na 'It's Showtime'... Isang simpleng babae na dancer lang dati at biglang sumikat ng dahil kay Vice Ganda na isang Host-Comedian sa 'It's Showtime'. When Kuya Boy meets Ate Girl, nagbago ang l...