Chapter 27 (Tutoy Mode)

618 26 4
                                    

Vice' POV





Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to. Tanging saya at lungkot lang any nararamdaman ko ngayon. Saya dahil sa wakas malaya na sya at lungkot dahil nasasaktan sya. Kahit hindi ako ang dahilan ng pag-iyak nya, nasasaktan pa rin ako.

Nakasilip pa rin ako dito sa labas ng garden, hindi ko maigalaw ang mga paa ko para lapitan at patahanin sya.

Hindi na ako nagsalita kanina sa harap ni Tom. Hindi ako natatakot o kung ano pa man, hindi na ako pumatol kasi alam kong masakit sa kanya ang pakawalan si Jaki.

Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Jaki, rinig na rinig ko dito sa labas ang malakas nyang paghikbi.

Hindi ko na kaya... Ayaw kong nakikita syang umiiyak ng ganyan.

Mabilis akong humakbang papasok at linapitan sya. Nakatalikod sya sa akin kaya nang makalapit na ako sa kanya ay hinawakan ko bigla ang kamay nya at hinila sya papaharap sa akin kasabay nun ay ang pagyakap ko ng sobrang higpit sa kanya. Alam kong nagulat sya sa bigla kong paghila at pagyakap sa kanya. Lalong lumakas ang paghikbi nya at kulang nalang ay lumuha na sya ng dugo..





"Jaki... Shhh... Tahan na, di na sinabi ko naman sayo na ayaw kong nakikita kang umiiyak di ba? Hindi ko kayang nakikita ka ng ganyan Jaki, kaya please stop crying..." sabi ko habang hinihimas ang likod ni Jaki.





Yinakap nya ako pabalik, at patuloy pa rin ang paghikbi nya.





"Alam ko kung gaano ang nararamdaman mo ngayon, Jaki andito ako... Para damayan ka at pasayahin ka. Di ba sabi ko sayo dati na lagi lang akong nasa likuran mo, at patuloy na gagabay sayo. Kaya please Jaki wag ka ng umiyak, nasasaktan din ako eh." sabi ko pa.





Inalis ko sya sa pagkakayakap at hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at pinunasan ang mga luha nya, at hinalikan ko ang noo nya, sa sobrang pag-iyak nya nanghihina na sya. Ngumiti into ng konti at biglang nawalan ng malay. Mabuti na lang at nasalo ko sya. Hinawakan ko ang noo nya at nagulat ako sa sobrang init ng noo nya.

Shit! Ang init ni Jaki!







Jaki's POV





Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may humaplos sa noo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at lumingon sa gilid ko. Kahit malabo pa ang paningin ko ay naaninag ko na kung sino 'to.





"Jaki! Okay ka na ba?! Anong nararamdaman mo?! May masakit ba sayo?! Sabihin mo... Ano?!" nag-aalala nyang tanong.





Luminaw na ang paningin ko at nakita ko ang mukha nyang pagod na pagod. Ang OA naman nito. Ngumiti ako bago magsalita.





"Di ba pwedeng isa-isa lang ang tanong?" tanong ko rin sa kanya.





Magsasalita na sana sya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isa pang mga OA.





"JAKI!" sigaw nung tatlo sabay yakap sa akin ng mahigpit.





Napalingon-lingon ako sa paligid habang niyayakap nila ako. Ngayon ko lang napansin na nakauwi na pala  ako dito sa apartment namin. Bumitaw na sila sa pagkakayakap.





Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon