Chapter 40 (She's Mine)

379 19 2
                                    

Someone's POV


"Boss! May kailangan po kayong makita." sabi ng tao ko.


Kinuha nya ang remote ng TV at binuksan ito. Napangiti na lamang ako sa nakikita ko ngayon.


"Boss? Bakit parang masaya pa po kayo?" tanong nito sa akin.


"Because he's making my Ace's value bigger... Masayang-masaya ako sa mga pinaggagagawa nya ngayon." I explained.


Lumapit pa ako sa TV at tinitigan ang pagmumukha nya.


"Sige lang, magpakasaya ka lang. I'll give you some time para lubos-lubosin na ang pagiging masaya mo sa mundong 'to. Co'z I'll make sure that you will feel the same pain that we felt before... At hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin ang galit ko sayo." nanginginig kong sabi ko habang nakaharap sa TV.


Napatingin ako sa hawak ko.


"Don't worry Papa, malapit na, malapit na ang oras na magdudusa sya. Pagdudusahan nila ang ginawa nila. Kasalan nilang lahat ang nangyari sayo." sabi ko.


But first, I'll going to hurt his source of happiness, his heart, his everything.





Vice' POV


Ganito pala ang pakirandam pag inlove na inlove noh?! Hindi pa rin ako makapaniwalang kami na ni Jaki. Mas lalong hindi ako makapaniwalang nagkiss na kami ni Jaki! Feeling ko mamamatay na ako sa kilig.

Ilang araw din naming pinagplanuhan ang lahat. Nagtulong-tulong kami para mabuo yung planong yon. Yung pa-helicopter na yun, sila Madc, Melvie, at Charm ang nakaisip nun, sinabi nila sa akin yun nung kumain kami sa Resto. Yung Kidnap prank naman sino pa ba? Syempre sila Anne, Vhong, Jhong, at K... Medyo takot din akong gawin nung una kasi baka sumulpot bigla yung si Big Brother. Ang laki ng pasasalamat ko sa buong ABS-CBN staff, kasi talagang tinulungan din nila ako para maging makatotohanan. Actually nakavideo ang lahat at naka-Live pa kaya siguradong, maraming nakapanuod sa amin.

Talagang halos umiyak na ako kanina nung dumating sya at marinig ko yung boses nya. Hindi ko akalaing may magmamahal pala sa akin ng katulad ng pagmamahal nya. As in ang tapang nyang hinarap yung takot nya para lang sakin. Sinong hindi maiiyak dun?

Kanina pa ako tulala dito sa kwarto habang hawak-hawak ang ang labi ko. Alas dose na kami ng umuwi dahil nagparty-party pa kami at ngayon ay 1:00 am na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Ganito ba talaga ang epekto ng halik ni Jaki? Hahaha! Sa tingin ko di rin yun makatulog. Matutulog na nga ako, naalala kong may trabaho nga pala ako bukas.

Humiga na ako ng maayos at pinatay na ang lampara sa tabi ko.


*Kinabukasan*

Maaga akong nagising para ipaghanda ng umagahan si Nanay. At syempre pinaghanda ko rin ng pananghalian ni Jaki. Initin ko nalang mamaya, hehehe.

Masyado akong good mood ngayon. May nakain ata ako kagabi eh.

Pagkatapos kong ihanda sa lamesa ang mga pagkain, sakto namang pababa na si Nanay.


"Good Morning Nay!" bati ko kay Nanay sabay halik sa pisngi nya.


"Good Morning Nak! Oh! Ang dami naman nyan nak ah, anong meron? Ganyan ba talaga epekto sayo ni Jaki, Nak?" sunod-sunod na sabi at tanong ni Nanay.


Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon