Chapter 47 (Tragedies)

217 10 2
                                    

Vice' POV


Ilang araw na kami dito sa Baguio at sa bawat labas namin ng bahay ay palagi akong nakakakita ng taong naka-hoodie na laging sumusunod sa amin. And that's creepy. Ngayong araw ay dito lang kami sa bahay para magpahinga. Bukas na rin ang dating nila Vhong dito.


"Ang lalim na naman ng iniisip mo. Mind sharing it to me?" tanong ni Jaki na ikinaigtad ko.


Hindi ko namalayang natabihan na nya ako dito sa sofa. Ganun ba talaga ako katulala kanina?


"Wow! Jaki ah! Umi-english ka na hah! Nasa Baguio tayo hindi America." biro ko.


"Che! Ito naman di marunong makisama. Tadyakan kita dyan eh." banta nya.


"Ayy chorry na po..." malambing kong sabi sabay yakap sa kanya.


Ilang minuto rin kaming ganun lang hanggang sa bigla nalang may nagsalita.


"Hoy kayong dalawa! May kwarto dun sa taas... Baka pwedeng dun kayo, masyado kayong pa-sweet dyan." sita sa amin ni Kiko.


Tingnan mo nga naman 'to... Masyadong panira ng kaligayahan. Tsk! Pagbitter nga naman. Binelatan lang sya ni Jaki at niyakap ako pabalik para bwesitin pa ang kuya nya. Tumawa nalang ako habang tinitingnan ang dalawa. Bigla ko tuloy na-miss yung mga kapatid ko. Sana okay lang sila dun.


"Dun ka na nga Kiko, inggit ka lang naman. Give us some privacy, okay? Now, go! Lilibre nalang kita mamaya." sabi ko.


"Oki doki! Sabi mo yan ah!" panigurado pa nito.


"Yep!" sabi ko.


Umalis na ito at naiwan na ulit kami ni Jaki. Wala kasi sila Tito at Tita. Sila naman daw ang mamasyal. Habang ang mga kuya naman ni Jaki may kanya-kanyang gala then si Kiko naman ayaw umalis, tinatamad daw. Tuloy! Wala kaming alone time ni Jaki. Hehehe.

Tahimik lang kami habang magkayakap patagilid ng si Jaki na ang bumasag ng katahimikang yon.


"Pansin ko lang, parang lagi ka nalang balisa nitong mga nakaraang araw. Tapos minsan parang hindi ka mapakali. Okay lang ba talaga? May dapat ba akong malaman?" biglaang tanong niya.


Napalunok ako sa tanong niya. Sasabihin ko ba sa kanya? Pero ayaw kong mag-alala sya, ayaw kong makita na natatakot sya. Baka pag sinabi ko pa sa kay Jaki ay mas Lalo pa syang mapahamak. Pero ayaw ko namang magsinungaling sa kanya.


"Ahmm... Ano kasi, ahmm... May bumabanta---"


"Vice! Jaki! May tumawag! Sila Mommy at Daddy daw nasa hospital!" natatarantang sabi sa amin ni Kiko.


"HAH?!" sabay na sabi nila ni Jaki.





Jaki's POV


Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sabihin sa amin ni Kuya ang balitang yon. Hindi ako makagalaw sa sinabi nya. Tulala lang ako habang nanunubig na ang aking mga mata.

Naramdaman ko nalang na parang may humihila sa akin at sa tingin ko ay si Vice.
Sinakay nila ako sa passenger seat ng kotse at sumakay na rin ang dalawa. Agad na pinaharurot ni Vice ang sasakyan ng sobrang bilis.


Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon