Chapter 18 (An Accident Kiss)

752 33 2
                                    

Madc's POV


Nagising ako sa alarm namin. Well di na ako magpapakilala. Paggising ko sunod na nagising si Jaki.

"Good Morning Cinderella!" bati ko sa kanya.

Nagulat sya at biglang napabangon.

"Wait! Paano ako napunta dito? Eh kagabi dun ako naka-tulog sa---"

Di na nya tinuloy ang sasabihin nya. Nagising na rin sila Melvie at Charm dahil sa ingay ni Jaki.

"Hahaha! Wala ka talagang alam? Tulog pa more!" asar ko sa kanya.

"Ang ingay nyong dalawa!" sabi ni Melvie.

"Huy! Anong problema nyo?" sabi naman ni Charm.

"Oh my God! Wag nyong sabihing binuhat nya ako?!" tanong ni Jaki.

Napatango na lang kaming tatlo sabay tawa. Haha! Oo binuhat nga sya ni Vice kagabi.


*Flashback*


Habang nakatunganga kaming tatlo sa bintana kagabi, may tumigil na kotse sa tapat ng apartment.

"Uy! Kaninong kotse yan?" tanong ko kila Melvie.

"Ewan ko... Baka si Jaki na." sagot ni Melvie.

"Oo nga! Pero di naman kay Tom ang kotseng yan. Saka ang sabi nya sa atin kagabi magco-commute na lang daw sya pauwi." sabi ni Charm.

Maya-maya biglang may lumabas sa kotse. Nanlaki ang mga mata naming ng makita si... VICE!!! Napatingin sya sa amin sabay kumaway.

"Hello Meme Vice!" pasigaw na bati naming tatlo sabay nagtitili kami.

Ngumiti naman sya sa amin. Waaahhh! 'Bat ang gwapo ng vaklang 'tuo?! Binuksan na nya ang pinto ng kotse nya at binuhat si Jaki.

"Hala! Anong nangyari dyan?!" malakas kong tanong.

"Jusko naman! Tara salubungin natin sa baba!" sabi ni Melvie.

Dali-dali kaming bumaba at pinagbuksan sila ng pinto.

"Anyare kay Ate Girl?" tanong ko kay Vice.

"Naawa kasi ako eh! Ang himbing ng tulog, ayaw ko namang maistorbo so binuhat ko na lang." sabi nya sabay ngiti.

"Ayyyy..." sabi namin.

"Saan ko ba 'to ibababa? Saya nyo rin noh? Paayyy-ayyy pa kayo dyan... 'Bat di nyo kaya muna ituro kung saan ang kwarto nyo?" sabi ni Vice.

Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon