Chapter 35 (Who are you?)

345 24 5
                                    

Vice' POV



From: 0910******* (Unknown Number)
12:06 pm

Are you ready for Level 2?😈🔪 Good luck!!




Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Ano ba kasing gusto nitong h*yop na 'to? Sino ka ba talaga?!

Sa sobrang inis ko, tinawagan ko na sya para magkaalaman na. Mga ilang segundo lang ay sinagot na nya.




"Sino ka bang h*yop ka?"




"Ang laki na talaga ng pinagbago mo. Nawalan ka na ng paggalang, ganyan ba dapat ang ibubungad mo sa kausap mo? Wala bang 'Hello'?"




"Bakit ko naman gagalangin ang isang demonyo?"




Bigla syang tumawa na parang isang demonyo. Napakalaki ng boses nya, parang hindi 'to ang tunay nyang boses... Sino ka ba talaga?!


"Ba't ka nga pala napatawag? Are you excited? Gusto mo na nung Level 2? But sorry di ko sasabihin kung kelan mangyayari. Pwedeng bukas sa isang araw sa isang linggo... Pwede rin namang ngayon mismo."




Lalo akong kinabahan sa sinabi nya. Marami akong bashers na galit sa akin pero ngayon ang ako nakaranas ng ganito.




"Sabihin mo kung sino ka. Baka natatakot ka kaya ayaw mo sa aking magpakita"




"What?! Hahaha! Well, I don't need to introduce myself, because you already know me. Di mo lang ako marecognize. Saka dapat ikaw ang matakot ngayon kasi, I can see you."



Napalingon ako sa labas at nagbabaka sakaling andyan nga sya. Pero wala akong makitang tao. Pinagtitripan ba ako nito?



"Stop looking around asshole! Hindi mo ako makikita, pero nakikita kita... Kayo ng pamilya ng minamahal mo."



Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko ng sabihin nya yon.

Paano nya nalaman na kasama ko sila? Nasaan ka ba?



"Wag na wag mo silang idadamay h*yop ka. Sa oras na idamay mo sila ako mismo ang magdadala sayo sa impyerno p*t*ng*na ka!"



"Wow! Hahaha! That's Viceral's power! I like that! Pero di pa rin sapat para matakot ako sayo. May kulang pa eh, I want more! Kulang pa yang nararamdaman mo."



"Ano ba talagang gusto mo?"



"Gusto kong maramdaman mo ang empyerno! Empyerno! Narinig mo?! Empyerno!"



"Oo! Narinig ko! Dep*ta ka!"



Sa sobrang inis ko binabaan ko na sya ng linya. Gusto ko syang ibaon ng buhay! Feeling ko pulang-pula na ang mukha ko ngayon nang dahil sa galit.

Bumalik na ako sa salas at umupo nalang sa sofa, huminga ako ng malalim para mahimasmasan na ako sa galit.

Alam kong hindi 'to biro, nararamdaman ko sa boses nya ang galit nya sa akin. Ano ba kasing kasalanan ko sa kanya? Sino ba sya?

Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon