Jaki's POV
"Jaki!" tawag sa akin ni Vice.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan nya ang kamay ko.
"Jaki ko... Palagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita kahit ano pang mangyari sa ating dalawa. Kahit mawala ako o magkahiwalay tayo, pangako kong ikaw lang ang mamahalin ko." sabi nya.
"Mahal na mahal na mahal din kiya Tutoy ko." sabi ko sabay tawa.
"May gusto akong itanong sayo Jaki." sabi nya.
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa kanya.
"My Ate Girl Jaki! Will you be mine now and forever?" tanong nya sa akin na ikinaluha ng mata ko.
"Yes my Kuya Boy V---"
Di ko natuloy ang sasabihin ko ng makarinig ako ng putok ng isang baril.
Biglang natumba si Vice at nakita kong dumudugo ang kanyang ulo. Napatingin ako sa harapan ko at may nakita ako sa di kalayuan na isang lalaki na may hawak ng baril na nakatutok na rin sa akin. Malabo ang mukha ng lalaking yon kaya hindi ko sya makilala.
Nagulat ako ng bigla nanaman nyang pinaputok ang baril. Napatingin ako sa dibdib ko at nakita kong magdudugo na 'to. Natumba na ako ng tuluyan at unti-unting nawawalan ng malay.
"Jaki! Gumising ka!"
"Jaki!"
"Jaki!"
Bigla akong napabangon at halos hindi na makahinga.
"Jaki! Ayos ka lang? Nakakagulat ka naman." pagreklamo ni Madc. "Anong nangyari sayo?"
"Wala... Masama lang ang panaginip ko." sagot ko.
"Wag mo nang isipin yon, bumangon ka na dyan kasi anong oras na oh! Hinihintay na tayo ng Kuya Boy mo." sabi nya.
Napatingin naman ako sa orasan at nanlaki ang mata ko ng makita kong 8:00 am na.
"Ba't ngayon mo lang ako ginising?" inis na tanong ko sa kanya.
"Eh may inasikaso pa kasi kami kanina. Kaya nga bumangon ka na dyan." sagot nya.
Lagot nanaman kami nito, late na naman kami. Dali-dali akong bumangon at dire-diretsong pumunta sa banyo para maligo. Matapos ang ilang minuto ay natapos na akong maligo at dali-dali namang nag-ayos ng sarili. Pagbaba ko ay nakita ko agad si Vice na nakaupo sa sofa habang kinakausap nung tatlo. Napatingin sa akin si Vice at agad sumilay ang ngiti nito sa labi.
"Good morning my girl!" bati ni Vice, tumayo ito at lumapit sa akin then bineso ako.
"Good morning my boy!" bati ko rin sa kanya.
Bigla ko namang naalala ang bangungot ko. Hindi naman siguro mangyayari yun.
"Okay ka lang ba? Ba't parang ma---"
"O-Okay lang ako... Tara na!" nauutal kong pagputol sa sasabihin ni Vice.
Napatango na lang sya at hinawakan na ang kamay ko then lumabas na kami ng Apartment. Pagkarating namin sa ABS-CBN Building agad kaming tumakbo papunta sa rehearsal room.
![](https://img.wattpad.com/cover/158616308-288-k119543.jpg)
BINABASA MO ANG
Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)
FanfictionSi Jaki na kilala bilang si Ate Girl ng #1 noontime show na 'It's Showtime'... Isang simpleng babae na dancer lang dati at biglang sumikat ng dahil kay Vice Ganda na isang Host-Comedian sa 'It's Showtime'. When Kuya Boy meets Ate Girl, nagbago ang l...