Vice' POV
Dug dug! Dug dug! Dug dug! Hanggang ngayon ito pa rin ang ang nararamdaman ko. Tapos na ang show pero kumakabog pa run dibdib ko. Pumunta agad ako dito sa backstage, di kasi ako mapakali. Sobra-sobra talaga ang kaba ko kanina habang kausap ko ang family nya kaya medyo nauutal ako kanina. Nakita ko si Jaki sa may gilid, nakatalikod sya sa akin. Parang tulala sya eh. Mukhang may malalim na iniisip ito. Lumapit ako sa kanya.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Pagharap nya medyo nagulat sya.
"Hah? Oo! Ok lang ako. Medyo napagod lang ako eh." sagot nya.
"Ahhh... Magpahinga ka na kaya. Baka magkasakit ka pa nyan." sabi ko.
"Di! Ok lang... Kaya ko pa naman, saka may rehearsal pa kami ngayon." sabi nya.
Makulit din talaga 'to eh.
"Oh sige! Basta magpahinga ka mamaya. By the way 'bat absent nanaman ang jowa mo?" mataray kong tanong.
"Ewan ko dun... Sabi nya masama daw pakiramdam nya." sagot nya.
Ano nanaman kaya inaarte nun?
"Dadalawin mo ba sya mamaya?" tanong ko.
"Hmmm... Di ako sure." sagot nya.
"Hah? Bakit?" nagtataka kong tanong.
"Di ba sabi magpahinga ako?" biro nya sabay tawa.
Natawa din ako. Aba! Natuto na rin ah! Haha.
"Haha... Ikaw talaga!" sabi ko then ginulo ko yung buhok nya.
"Ugh! 'Bat mo ginulo?!" sabi nya sabay simangot.
Inayos nya yung buhok nya. Di na ako magtataka kung bakit ako nahulog dito. Ang cute-cute nya talaga.
"Ay sorry sorry!" inayos ko yung buhok nya. "Aayusin ko na po Ate Girl ko."
"Ok na... Kuya Boy ko!" sabi nya then tawa.
"Bakit Kuya Boy?! Parang ang ano pakinggan eh." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)
FanfictionSi Jaki na kilala bilang si Ate Girl ng #1 noontime show na 'It's Showtime'... Isang simpleng babae na dancer lang dati at biglang sumikat ng dahil kay Vice Ganda na isang Host-Comedian sa 'It's Showtime'. When Kuya Boy meets Ate Girl, nagbago ang l...