Chapter 29 (Laglagan Na!)

617 30 7
                                    

Jaki's POV

'You don't have to be sorry, okay na ako. As long as masaya ka, masaya na rin ako.'

Hanggang ngayon yan pa run and tumatakbo sa utak ko. Nagpapasalamat ako kay Papa God kasi sa wakas lumuwag na ang pakiramdam ko. Nagkaayos na ulit kami ni Tom. Maluwag na ngayon ang puso ko.

Pagbalik ko sa Rehearsal Room, sinalubong ako nung tatlo.

"Oh among chika? Anong sinabi sayo ni Tom?" tanong ni Melvie.

Hinila ko sila papunta sa isang sulok. Ngumiti ako bago nagsalita.

"Nagkaayos na kami ni Tom." sagot ko.

"What do you mean? Nagkaayos? As in kayo na ulit? Ganern?" sunod-sunod na tanong ni Madc.

"Hindi! What I mean is friends na ulit kami. May closure ganern!" sagot ko.

Napatango-tango naman sila kasabay ng pagngiti nila. Alam kong masaya sila para sa akin. Dahil sa wakas, maayos na ang lahat.

"So tanggap na nya na si Kuya Boy na ang laman ng puso mo?" tanong pa ni Madc.

Napangiti nalang ako bilang sagot sa tanong nya.

"Yiiieeee!" sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

Sa lakas ng boses nila, nagtinginan sa amin ang mga co-dancers namin.

"Shhh! Wag nga kayong maingay." pabulong kong sabi.

Tinawanan lang nila ako. Hay naku! Pagbaliw nga naman ang mga kaibigan mo. After ng rehearsals, nagprepare na kami ng susuotin namin. 30 minutes na lang bago mag-start ang Showtime.

"Ah Jaki, natanong mo ba si Vice kung bakit ka nya inayang lumabas nung premiere night?" tanong ni Melvie.

"Nope! Basta ang alam ko lang, kakain kami sa Resto... Wait!" sabi ko.

Napakunot ako ng noo saka nagsalita.

"Paano nyo nalamang inaya nya akong lumabas? Ang alam ko hindi ko pa yon nababanggit sa inyo ah!" sabi ko pa.

Nagkatinginan naman silang tatlo. Ang weird na talaga nila.

"Ah ano, si Meme ang nagsabi sa amin... Nung natutulog ka pa nun, nagkwento sya sa amin, kaya lang hindi nya sinabi kung bakit ka nya inaya." sagot ni Madc sabay ngiti.

Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon