Chapter 38 (Danger)

290 18 3
                                    

Jaki's POV


"Okay ka lang ba?" tanong ni Vice.


Nabalik naman ako sa reyalidad ng marinig kong nagsalita sya.


"Hah?" nagtataka kong tanong sa kanya.


"Tulala ka nanaman... This past few days lagi kang natutulala." sabi nya na ikinaiwas ko ng tingin.


Ayaw kong ikwento sa kanya ang masamang panaginip ko at yung lalaking nakahood. Gustuhin ko mang kalimutan nalang yon pero hindi ko magawa-gawa.


"Wala yun, may mga iniisip lang talaga ako." palusot ko.


Sa ngayon ay pauwi na kami sa apartment namin.


"Ano gusto mong gawin bukas?" tanong nya sa akin ng nahindi lumilingon.


Oo nga pala, linggo nanaman bukas. Ang bilis lang talaga ng araw.


"Ikaw na bahala." wala sa sarili kong sagot.


"Naku! Jaki! Wag mo akong sinasagot ng ganyan. Huh! Ako bahala? Sigurado ka?" tanong nya ulit.


Bigla akong napatingin sa kanya ng may pagtataka.


"Hah? Anong sinasabi mo?" tanong ko rin sa kanya.


"Hakdog! Wala... Inosente ka talaga. Dapat lang na inosente ka. Para naman di ako nag-aalala." sabi nya.


Di ko nalang ito pinansin at binalik nalang ang tingin ko sa bintana. Minsan talaga hindi ko rin maintindihan ang pinagsasasabi nitong isang 'to. Haha! Pero mabalik tayo sa katotohanan... Nang dahil sa panaginip na yun, natatakot na akong mahalin pa si Vice. Natatakot akong mawala sya sa akin, dahil alam kong di ko na kakayanin. Ayaw ko ng may mawala pa ng dahil sa akin.

Maya-maya'y narating na namin ang apartment. Hindi ko namalayang tulala nanaman ako sa bintana.


"Jaki! Ayan ka nanaman... Okay ka lang ba talaga? Nag-aalala na ako sayo hah! May problema ka ba? May masakit ba sayo? Ano? Sabihin mo lang  sa akin." sunod-sunod nyang tanong na ikinangiti ko.


"Ngayon ko lang narealize na, ang cute mo pala pag nag-aalala ka." sabi ko sa kanya na ikinangiti nya.


"Enekebe Jake!" biro nya.


"Ewan ko sayo, sige na bababa na ako. Ingat ka sa pag-uwi mo hah. Umuwi ka na wag ng gumala." pangaral ko sa kanya ng makababa na ako ng kotse nya.


Feelingera ng taon... Baka nakakalimutan mo Jaki Gurl na mas matanda sayo kausap mo? HAHAHA!


"Opo, Lola Jaki... HAHA! Charrot lang!" pang-aasar nya sa akin.


Papasok na sana ako ng kotse nya para batukan sya ng bigla itong magsalita.


"I love you..." sabi nya na ikinatigil ko.


Ngumiti sya habang nakatingin sa mga mata ko. Shems! Viceral! Matutunaw na ako!


"Sige na pumasok ka na sa loob. Matulog ka ng maaga, wag magpupuyat... Sige na! Bye! Good Night!" sunod-sunod nyang sabi.


Sya na ang nagsara ng pinto ng kotse at pinaandar na ang sasakyan nito. Habang ako mag-isang nakatunganga dito sa labas.

Alam kong hindi ito ang unang beses na nagsabi ng I Love You sa akin. But now I feel the same thing that I feel the first time he say that word to me. See?! Napapaenglish pa tuloy ako! Iba kasi yung pagkakasabi nya, naramdaman ko yung sincerity sa boses nya.

Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon