Chapter 11 (Mommy meets Kuya Boy)

638 28 0
                                    

Jaki's POV


Lumipas na ang 3 weeks ng mangyari ang lahat ng yon. Bati na kami ni Tom. Araw-araw syang nag-sorry sa akin. Pero di ko pa dapat sya papansinin pero binigyan ako ni Vice ng advice, patawarin ko na daw kasi mukha namang sincere ang pagso-sorry ni Tom kaya bigyan ko na daw ng second chance then I gave it. Nandito ako ngayon sa Showtime Studio at segment na ngayon ng Miss Q and A. Natapos na kasi ang TNT kaya eto na! Na-miss ko 'to eh! By the way nandito rin si Mommy at Kuya sa studio, manunuod daw sila. At isa pa gusto daw nila makita si Vice sa personal. Heto naman si ako kinakabahan.



"Ok! So tanungan na tayo. Lika na Ate Girl!" sabi ni Ate Anne.



Naglakad na ako papunta sa gitna, tulad lang ng dati. Pabalik na ako ng bigla akong tinawag ni Vice.



"Jaki!" tawag nya.


Then pasok ng theme song namin at humarap ako ng dahan-dahan. Naglakad ako papalapit sa kanya. Ang laki ng mga ngiti nya.



"Ang ganda mo nanaman Jaki! Ang ganda ng suot mo, ganyan yung gusto kong suot mo Jaki. Yung... Yung simpleng-simple lang... Yung kita lang yung tuhod. Ang ganda mo dyan Jaki. 'Bat banyan suot mo Jaki?" sabi ni Vice sabay tutok ng mic sa akin.



"Kasi ayaw mo ng maikli eh, kaya medyo balot na ako ngayon." sabi ko.



"Ayaw ko ng maiksi, wag lang magsusuot ng maiksi! Hayaan mong ako ang magsuot nun." sabi nya sabay tawa.



Nagtawanan ang lahat. Loko talaga 'to eh!



"Pag-grand finals... Yung hanggang dito yung taga." sabi nya sabay turo sa may sikmura nya.



"Slit!" sabi ni Ate Anne.



"Pero ang... Kasi yang ganda mo Jaki... Yan yung gandang wala ka nang dapat gawin pa. Para yang pabango na kusa naming naaamoy basta ng lumabas ka." sabi nya.



Hinawi nya ang buhok ko. Ayan nanaman sya!



"Yan yung kagandahang hahanap-hanapin mo pag hindi ka na nasisilayan ng aking mga mata. Yan yung gandang pipiliin ko pag ang puso ko'y naguguluhan na." sabi nya sabay ngiti.



Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon