Chapter 34 (Problematic Vice)

386 22 3
                                    

Jaki's POV


Sa araw-araw na nabubuhay ako sa mundong 'to isa lang ang narealize ko...

Narealize ko na nauna pala ang manok sa itlog.

HAHAHAHA! Joke! Biro lang. What I mean is narealize ko na pagnagmahal ka pala, yung pagmamahal na kakaiba, yung sobra-sobra, kailangang may masaktang iba para lang maging masaya kayong dalawa.

Napakaunfair din ng mundo noh? Ewan ko ba kung bakit pinagsasasabi ko nanaman ang mga bagay na ito.

Lately kasi masyado na akong nagiging cheezy. Parang ano naman kasi itong epekto ng pagmamahal ni Vice eh... Hehe!



"Huy! Tulala ka nanaman? Jusko Jaki, namamaligno ka na yata." natatawang sabi ni Vice.




At ayan nanaman ang pang-aasar nya. Kanina pa yan eh, nakakagigil na 'to eh.

Andito kami ngayon sa bahay namin sa Antipolo, kasi today is Sunday!

Nakaupo kami ngayon ni Vice sa salas habang sila Mama naman ay nagluluto ng tanghalian namin.



"Shhhh! Wag ka maingay may iniisip ako." sabi ko sa kanya.




"Anong iniisip mo? Iniisip mo rin ba ang iniisip ko?" tanong nya habang nakangiti ng nakakaloko.


Ayan nanaman yung utak nya! Naglalakbay nanaman kung saan-saan.




"Tara na nga lang, igagala kita dito sa buong bahay, alam ko kasing nabobored ka." sabi ko.



"Ah sige sige! Gusto ko yan." mabilis nyang sagot.




Nagsimula na kaming maglakad-lakad sa buong bahay, hanggang sa makarating kami sa kwarto ko.




"So ito ang kwarto mo... Ang daming staff toys." sabi nya.



"Galing yan sa mga manliligaw ko." biro ko sa kanya dahilan para mapatingin sya sa akin ng masama.



Gusto ko talaga itsura nya pagnaiinis. Ang cute nya kasi.



"Hoy Ms. Jacque Gyl Delos Santos Gonzaga kung balak mo nanaman akong pagtripan, wag mo ng ituloy yan baka kung anong mangyari sayo dito lalo na andito tayo sa kwarto." naiinis nyang sabi .


"Ito naman di na mabiro... Tara na nga sa labas nakakatakot ka." natatawa kong sabi.



"Di! Biro lang din" sabi nya sabay tawa.




Umupo sya sa kama ko at kinuha yung malaking staff toy ko... Si Peppa Pig.




"Ganito mo ba talaga kamahal 'tong baboy na 'to?" tanong nya sa akin.




"Opo... Ang cute nya kasi, mahilig ako sa mga cute." sagot ko.




"So kung mahilig ka sa cute, bakit ako? Sana si Mahal nalang pinili mo." sabi nya habang naka pokerface.



Bigla nalang akong natawa. Ito talaga ang hilig magpalambing. Arte-arte oh!



"Huy! Cute ka kaya... Ang cute kaya ng Unicorn." sabi ko sabay tawa.




"Bahala ka nga lalabas na ako." sabi nya sabay mabilis na tumayo at dire-diretso sa pinto.



Pero bago pa nya mahawakan ang doorknob, bigla ko syang yinakap mula sa likod.



Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon