Chapter 1

153K 1.8K 142
                                    

NAKATITIG lang si Christine kay Dock na nakikita niyang panay ang sulyap sa kanya at kapag nahuli naman siyang nakatingin din dito ay iiwas ang mga mata nito. Ilang beses din niyang narinig ang pag-tikhim nito. Naiirita na na ba ito?Her presence makes him annoyed, as if he wants to wring her neck everytime she is around.


“Hanggang kailan mo balak gawin yan?” kalmadong wika nito.

Salamat! Sa wakas... aniya sa isip ng marinig ang boses nito.

Hindi naman kasi niya gusto na kapwa mapanis ang laway nila kung hindi pa rin siya nito kakausapin.

“Forever...” malambing na saad niya. Matamis niyang nginitian si Dock na hindi naman nito nakita.

Nakatuon lamang ang paningin nito sa binabasa nitong folder file. Maaga pa lang ay nasa opisina na siya ni Dock. Dinalaw lang niya ito at isa pa, sanay naman na ang binata sa biglaan niyang pag-papakita dito. Kung minsan ay ito na lang din ang sumusuko sa kakulitan niya.

Kausapin man siya o hindi ni Dock ay walang problema. Matagal na silang magkakilala at alam niyang dikit na ang bituka nilang dalawa. Hindi nga lang siniseryoso ni Dock ang pagpapakita niya ng motibo na gusto niya ito.

“Get out, Christine,” mariin nitong saad.His eyes was on the folder file he was holding yet his attention is on hers now.

Kinakabahan man ay gusto niyang panindigan ang naiisip. “Pwede ba na mamaya nalang? Wala akong magawa sa bahay. Ikaw at ikaw lang ang iisipin ko. Dito nalang muna ako. Nakikita pa kita,” sa sinabi niyang iyon ay nag-angat ng tingin si Dock sa kanya at doon nag-tama ang mga mata nila.

Huminga ito ng malalim. “Wala ka bang pasok sa trabaho?”

Umiling siya ngumiti. “Nag-resign na ako kahapon. Na-realize ko gusto ko nalang maging housewife. Pakasalan mo na kasi ako,” aniya.

Napakamot ng kilay si Dock sa sinabi niya. “Tigilan mo ako sa mga biro mo, Christine.”

Umingos siya. “Wala akong pasok sa school ngayon dahil linggohindi rin naman ako kasama sa event ng mga college students at professors na ngayon ang event date,” wika niya.

Isa siyang elementary teacher. Kung minsan naman sa ibang araw ay wala din siyang pasok dahil na rin sa iba-iba ang iskedyul nilang mga guro. Sa isang university siya nag-ta-trabaho kung saan bukod sa may college courses ay may program offers din para sa elementary at high school.

Dock’s company has a rule. Ang alam niya kapag pumasok ng linggo ang sinu-man na empleyado ay puwedeng hindi pumasok kinabukasan ng lunes. May sakit na tardiness naman kasi daw ang ilang empleyado kapag dumarating ang araw ng lunes. Monday sickness kung tawagin kaya gumawa ng ganoong company rules ito. Hindi naman sapilitan ang pumasok ng linggo kung sino lamang ang may mga hinahabol na reports.

Hindi naman na siya kinibo ni Dock, pero tinitigan siya nito. Bumilis ang tibok ng puso niya ng mag-tama ang paningin nila nito.

That gazed… She shivered in response to his cold, dark eyes.

Ano bang meron sa mga mata nito? Sa bawat titig o kahit mag-tama lang ang paningin nila ay nahihinto ang sa tibok ang puso niya. Dahil lang ba sa gusto niya si Dock o dahil may iba pang dahilan na hindi niya mapangalanan?

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon