Chapter 15.2

27.2K 199 1
                                    

“PLEASE, Dock pumay—“

“Okay lang kung ayaw niya, tara na...” wika niya, hindi na niya kasi kaya pa na marinig ang pagtanggi ng binata sa kanya.

Bahagya siyang nag-angat ng ulo gulat ang nakita niya sa mukha ni Dock, doon lang nito napansin ang presensiya niya.

“Christine...” si Kimberlyn iyon.

“T-tara na. Baka lalong lumakas ang ulan,” pekeng-ngiti ang ibinigay niya sa kaibigan.

Nilingon niya si Dock nakatitig lang ang lalaki sa kanya, bahagya siyang ngumiti sa binata at nagiwas ng tingin.

“Ayaw nga yata talaga niya,” si Kimberlyn na iiling-iling.

Nilingon niya ang gate ng bahay nila Dock, nakasara na iyon. Napahinga siya ng malalim. Hindi man lang sila pinahiram kahit isang payong. Tahimik siya hanggang sa makalayo sila sa bahay na iyon ay mabigat ang loob niya.

“Dapat hindi mo sinabi na okay lang, nakikita ko kanina sa mukha niya na papayag siya. Konting pilit nalang..”

“A-ayoko ng pinilit lang kaya papaya,” aniya.
Tumahimik ang dalawa. Pati ang mga ito ay nadamay sa kalungkutan niya suportado talaga siya ng mga ito pagdating sa katangahan niya.

Sino ang magiging escort niya?

“Cee, ito. Maganda subukan mong isukat,” ani Czaira na naka-pagpatigil sa iniisip niya. Sinimulan na nitong tanggalin sa manikin ang red gown katulong ang isa sa mga empleyado nito.

“H-hindi ko naman magagamit iyan. Hindi naman ako sasama sa party na pupuntahan niyo,” saad niya.

“Magagamit mo naman ito sa ibang okasyon. Hindi mo ba ‘to gusto?” puna ni Czaira na sinipat ang gown, nakatanggal na iyon sa manikin.

“Isukat mo na Christine,” si Misha. Nakabihis na ito at hawak na ang gown na isinukat kanina.

“Misha’s right. Isukat mo na,” si Czaira na inabot sa kanya ang gown.

Pilit niya iyon na binabalik sa kamay nito. But Czaira refused to get the gown.

“Just try that gown. Ako naman ang magbabayad,” tinulak siya ni Misha isa sa mga fitting room, wala siyang nagawa kundi ang isukat ang gown.

“Okay na ba, Christine?” Boses ni Czaira mula sa labas.

“O-Oo,” wika niya. Tumingin siya sa malaking salamin sa fitting room, bagay sa kanya ang gown. Lumitaw lalo ang kaputian niya.

Pagkalabas niya sa fitting room ay nakita niya si Misha at Czaira na malapad ang mga ngiti sa labi. Her both friend eyeing each other. Mata lang ng mga ito ang nag-uusap. Hindi naman na inintindi ni Christine kung ano ba ang nasa isip ng mga ito.

“Bagay sayo,” si Czaira, nilapitan siya nito at sinuri ang kabuuan niya.

“Bihis ka na. Pupunta kami sa apartment mo,” wika ni Misha.

“Bakit anong gagawin sa bahay ko?”

“Bonding. Sila Katherine susunod nalang daw,” sagot ni Misha.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon