Chapter 5.1

55.8K 1K 45
                                    

PAG-LABAS ng classroom ni Christine ay dumiretso siya ng faculty room para iwan ang mga ilang school materials na dala niya bago umuwi dahil tapos na ang klase niya.Wala siya sa mood ngayon dahil sa mga pasaway niyang estudyante na hindi nagsipag-gawa ng projects.

“Uuwi ka na Ma’am Juarez?” Dumako ang paningin niya kay Miguel.

Marahan siyang tumango. Inilapag niya ang cartolina at ang isang hand bag na puro test papers ang laman. Gusto na niyang magpahinga nitong mga nakaraang araw ay doble ang nararamdaman niyang pagod. She needs a vacation. Pero hindi naman maaari dahil hindi niya pwedeng iwan ang trabaho lalo na't isa siyang guro.

“Mukhang ang sama ng timpla natin,” biro ni Miguel na bahagya pang natawa.

Ngumiwi siya. Ilang taon lang ang agwat sa kanya ni Miguel. Ito ay isang professor sa college department at ang nabanggit ni Kimberlyn na na-love at first sight ito sa binata. Hindi na niya alam kung ano pa ba ang ganap sa dalawa. Anyway, Kimberlyn is a secretive person.

“Magkaroon ka ba naman ng mga estudyanteng pasaway,” aniya.

“Dumaan din tayo sa ganitong panahon," nangingiting sabi nito, naglapag ito ng tasang may kape sa lamesa niya. “Uminom ka muna.”

"Hindi na. Baka nerbyosin ako’t mamaalam ng maaga. Kinu-kumusta ka nga pala ni Kim.”

“Si Kimberlyn.”

“Oo.”

Tumango si Miguel. "Pakisabi na okay lang ako at siya rin kumusta," sagot nito.

“Mauna na ako ayokong gabihin sa daan,” paalam niya kay Miguel, nakangiti itong tumango.

Nakalabas na si Christine sa school at naghihintay ng masasakyang jeep. Hindi niya dala ang kotse niya dahil wala siyang ganang mag-drive kaninang umaga at nagtitipid siya ngayon sa gasolina.Ngayon ay mahihirapan siyang mag-commute. Traffic at uwian ng mga estudyante.

Buti na lang at maayos ang naging tulog niya sa unit ni Dock kaninang umaga kahit pagod ang pakiramdam ngayon ay nagkaroon naman siya ng ilang oras na tulog.

Napukaw ang isip niya ng may humintong kotse sa harapan niya, ibinaba ng sakay doon ang windshield sa driver's side. Nang makilala kung sino ang lalaki ay nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

“D-Devlin?” Takang tanong niya. Ito ang isa sa mga kapatid ni Dock na sa Masquerade Party lang niya nakita at nakilala. His manly aura was good enough. Para mapalunok siya’t kabahan iba talaga ang dating ng isang ‘to. Unang tingin pa lang ay mas suplado ang aura kaysa kay Dock.

“Get in,” wika nito.

Hindi sana siya sasakay kung hindi lang nagbago ang tingin ni Devlin sa kanya. Masamang tingin ang bumali ng pag-atras niya. Yeah, his stares. Parang kahit sino ay kaya nitong pasunurin. Nagmamadali siyang umikot sa kabilang side ng kotse. Binuksan ang pinto ng passenger’s side at sumakay doon.

“May kailangan ka sa’kin?”

Binabagtas na nila ang daan. Hindi siya nagtanong kung saan sila pupunta dahil hindi rin naman siya nito agad sinagot sa tanong niya. Itinuon niya ang paningin sa katabing bintana. Kapatid ito ni Dock at hindi naman siya nakakaramdam ng takot dito kundi ay kaunting kaba.

“I just want to eat dinner,” sagot nito.
Tumingin siya dito. “Bakit ako ang isasama mo sa dinner mo. At bakit alam mo kung saan ako nagta-trabaho?”

“It’s coincidence. Stop asking,” anito.

Natahimik siya dahil sa pagkapahiya. Itinuon nalang niya muli ang atensyon sa katabing bintana.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon