Chapter 4.2

58.5K 998 24
                                    

NANG nasa harap na siya ng unit nito ay may kaba sa dibdib ng kumatok sa saradong pinto nito. Ilang minuto ang lumipas bago bumukas iyon.

“What are you doing here?” Hindi inaasahan na tanong ni Dock. “Christine, anong oras na.”

Napayuko siya. Kahit nag-kita na sila nito kagabi ay na-miss niya ito. Napaka-lalim na ng nararamdaman niya para kay Dock. Gusto niyang mainis sa sarili dahil ganoon ang pakiramdam niya.

“P-puwede ba akong pumasok?” tanong niya nang umangat ang paningin sa binata.Sino ba ang matinong babae ang pupunta sa bahay ng lalaki, lalo’tganitong madaling araw na?

“Christine, naman. Sabi ko sayo kapag alanganin ng oras pumirmi ka sa bahay mo,” ani Dock, pero masuyo naman nito hinawakan ang braso niya para maka-pasok siya sa loob ng bahay nito.

“H-hindi naman ako mag-tatagal,” depensa niya. Naupo siya sa couch ng sala nito. Madaling araw na at alam niyang naistorbo niya ito. niistorbo lang niya ito.

Salubong ang kilay ni Dock na tumingin sa kanya.
Their eyes met, and his eyes... Is she important to this guy? She continue to push himself on Dock because of this. She felt different every time he looked her in the eye, despite the fact that he treated her coldly.

Alam niyang may gustong sabihin ang mga mata nito.Mahirap basahin dahil si Dock Daomino ang taong may-ari ng mga matang may gustong ipa-hiwatig.

“Saan ka ba nang-galing at madaling araw na nasa labas ka pa?” Tanong nito. Nakatayo ito sa harapan niya.

“Sila, Misha nag-kape kami at nag-mall at nag-punta na ako dito, p-pero walang kinalaman ang pinsan mo kung bakit ako nandito ngayon, ha. A-ako lang, hindi niya sinabi na nandito ka sa bahay mo. N-nagbaka sakali lang ako,” paliwanag niya. Baka isipin nanaman nito kasi na sinabi ni Misha kung nasaan ito, kawawa naman ang isang ‘yon na mapagsabihan pa ni Dock.

Huminga ng malalim si Dock. “Ano ang naisipan mo at pumunta ka dito imbes na dumiresto ka ng uwi?”

“G-gusto kita makita,” umiwas siya ng tingin.

“Christine naman, kagabi naman magkasama tayo. We also ate together at the party with our friends,”

Umingos siya. “Kahit na iba ‘yon. Hindi ‘yon date.”

“Hindi nga ako interesado maki-pag-date,” anito, naramdaman niya ang pag-upo ni Dock sa tabi niya.

Nahugot ni Christine ang pag-hinga. Naamoy niya ang sabon na ginamit nito, bagong paligo ang binata.

“Kumain ka na ba?” Tanong nito.

Kalma! aniya sa isip.

“Magluluto ako,” dugtong nito ng hindi siya sumagot.

Bigla siyang napatingin kay Dock. He is a handsome man. Wala sa sarili na pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Lumabas ang kakisigan nito sa suot nitong white pajamas at plain sando.

Walang duda. May abs ‘to.

“Halika. Samahan mo ‘ko sa kusina,” yaya nito sa kanya.

Tahimik lang siyang sumunod dito sa kusina.

“D-Dock,” panimula niya nang magsimula na ito ng ginagawa sa kusina. May ginigisa itong bawang.

“Hmm?”

“Naiinis ka na ba sa’kin?” pinigil niya ang pag-hinga dahil sa itinanong.

Gusto niyang malaman ang saloobin nito. Baka kasi hindi lang nito gusto na deretsuhin siya dahil ayaw nitong masaktan siya sa masakit na katotohanan na masasabi nito.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon