Chapter 4.1

57.8K 1K 50
                                    

“SA reunion kagabi, nakita ko yung dating lalaki naman kumilosnoong high school tayo. Naging crush ko pa pero kagabi beki na. Mas maganda at sexy pa sa’kin,” nailing na wika ni Kimberlyn.

Nasa bahay niya ngayon ang mga ito.Czaira, Katherine, Kimberlyn, Katrina and Misha. Her friends. Anim sila noon na magkakasama noong mga nasa high school sila. Kahit nang magka-hiwa-hiwalay sila ng section noon ay hindi naputol ang bond nila.

“Nakita ko nga rin yung nag-hamon ng sabunutan sa’kin dati na hindi ko pinatulan,” wika naman ni Katherine.

Tumawa si Czaira. “Ang dami ngang um-attend yung iba kasal na at may sarili ng pamilya. Halos lahat naman successful na. Siguro yung mga hindi nakapunta o hindi natin nakita kagabi sa party ang hindi pinalad sa buhay o posibleng ang iba nasa ibang bansa na,” wika nito.

“Lahat tayo mapalad ano man ang estado sa buhay. Lahat naman tayo lumalaban araw-araw to make a living,” sambit naman ni Misha. “Yung mga tingin niyo naman. May trabaho ako.”

“Weh?” sabay-sabay na wika nilang lima sa huling sinabi ni Misha, nanunuri kasi ang tingin nila dito.

Lagi nila itong inaasar kapag usapan na trabaho kahit alam naman nilang may trabaho nga naman ito. Misha is a lazy person, mas gusto nitong matulog at mang-gulo sa mga buhay nila kaya lagi nilang ina-alaska.

Hindi naman lingid din sa kanila na si Misha lang ang hindi naka-tapos. Under graduate ito sa kursong Business Management nasa fourth year college na ito noon nang mahinto. Ang dahilan lang nito ay tinatamad ng mag-aral.

“Freelance ako,” rumolyo ang mata ni Misha. Hindi naman na sila nag-usisa alam din naman nilang isang freelance graphic artist ito. Mas gusto nito ang trabahong work from home.“And by the way, Kim. How’s Miguel? I saw what happened last night,” pagbabago nito ng usapan.

Kimberlyn, looked away. “Its nothing.”

Napatingin naman siya kay Kimberlyn na naging uneasy. She’s curious, but she end up to be quiet.

“Bakit ano ang nangyari kagabi?” Si Katherine.
Hindi sumagot si Kimberly itinuon nito ang pagkain na nakahain sa center table sa sala niya.Nanonood sila ng movie ngayon at si Katrina na lang ang interasado sa palabas.

“Wag kayo magmadali sa pag ibig. Maging busy nalang muna kayo sa mga trabaho niyo," wika ni Misha maya-maya.

Nagkatinginan silang lima at sabay-sabay ding natawa. Hindi pa rin nag-babago si Misha.

“Hanggang ngayon Misha, linya mo pa rin yan. Mga high-school pa tayo yan na ang linya mo. Baguhin mo naman,” tumatawang saad ni Kimberlyn.

“Ang linya ko naman dati; Wag muna kayong magmadali sa pag-ibig maging busy muna kayo sa pagaaral,” si Misha.

Nagsimula nanaman silang mag-tawanan.

“Bakit ikaw wala kang lovelife?” siya lang ang nagiisa na nagtanong sa kaibigan.
Samantalang ang apat ay puro pangaasar ang inabot nito.

Ngumisi ito. “Bakit ikaw may lovelife ka ba?”

“Hintayin mo lang. Magiging pinsan mo rin ako,” sagot niya kay Misha.

“Boto naman ako sayo para kay Dock pero wala naman akong magagawa kung sakaling hindi ikaw ang maka-tuluyan niya ‘no. Pero kung gusto mo talaga siya. Let him see your worth. Kahit sino sa inyo. Let the guy see your worth, deserve niyong mahalin. Hindi niyo deserve ang mag-habol at masaktan. Babae kayo,” seryosong sabi ni Misha.

Saglit siyang natahimik. Tama si Misha. Kumirot ang puso niya sa sinabi nito at napa-isip, nakikita kaya ni Dock ang halaga niya?

“Na-touch naman kami doon,” si Katrina na nakisama na sa usapan. “Pero Misha, kung ikaw ang nasa sitwasyon mahirap mag-salita ng tapos, eh.”

Huminga ng malalim si Misha. “I’ve been there, done that. Hindi madali oo, pero may salitang; Mauuntog ka rin at sa huli maiisip mo yung worth mo bilang babae.
Self love. Mabait man o hindi ang isang lalaki kung ayaw sa’tin wala tayong magagawa doon. Ganoon din naman tayo, kapag may tao tayong hindi natin gusto. Hindi naman natin papansinin at pag-aaksayahan ng oras,” wika ni Misha. “Kaya Christine, kahit sino sa inyo. Once na alam niyo sa sarili niyong talo kayo o wala naman mapapala sa taong gusto niyo. Tama na, hindi nakaka-ganda. Ma-stress lang kayo.”

Natahimik silang lima. Naiintindihan nila ang ibig sabihin ni Misha, wala naman itong sinasabi sa kanila na hindi makakabuti sa kanila. Misha good at giving opinions and a good advisor. Nakaka-gaan sa loob kapag nag-sasalita ito ng seryoso sa kanila, pero madalas matatamaan ka talaga dahil straight to the point itong tao.

“Any way. Mas okay sana kung sa coffee shop malapit dito natin ituloy ang pag-uusap,” ani Katrina na pumutol ng katahimikan.

“Tara. Tama! Mag-kape na lang din muna tayo," sang ayon ni Kimberlyn.

Linggo ngayon at wala naman silang mga pasok. Depende nalang din talaga sa mga schedule nila, buti nga kagabi ng sabado at ngayong araw ay nag-tugma ang libreng oras nila.

ALASDOS na ng madaling araw ng maghiwa-hiwalaysi Christine at ang mga kaibigan. Ang dami nilang napuntahan, matapos sa bahay niya at sa coffee shop ay dumaan sila ng mall at nag-ikot doon. Sa café na nakita nila bago magsi-uwi ay doon naman sila nag-palipas ng hanggang madaling araw.

Hindi pa siya nakaka-uwi. Hindi rin niya maintindihan ang sarili, kasasabi lang ni Misha na wag silang mag-habol sa taong gusto nila. Pero ito siya ngayon nasa labas ng condominium kung saan nakatira si Dock. Hindi siya makapag-desisyon kung lalabas ba siya ng kotse niya para puntahan ang lalaki dahil baka mamaya din naman ay wala ito.

Hindi kaya maisip ni Dock na nagkita naman na sila kagabi sa Masquerade party at ito nanaman siya, guguluhin nanaman niya ito. Sa ngayon ay hindi pa niya kaya na iwasan o tigilan ang palaging mag-pakita sa binata.

Maiintindihan naman siguro ni Misha at ng mga kaibigan niya na para sa kanya ay hindi madaling iwasan ang binata lalo na’t ilang taon na niyang mahal ito.Sa huli ay hindi rin niya natiis, lumabas siya ng kotse niya at naglakad papunta sa unit ni Dock.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon