Chapter 12

49.7K 867 24
                                    

“WAKE up,” Nagising si Christine sa boses ni Dock, marahan na tinapik nito ang pisngi niya.

Dahan-dahan niyang inimulat ang mga mata, nakatigil na ang sasakyan. Hindi na niya namalayan na nakatulog siya. Huminga siya ng malalim. Nanlalabo pa ang mga mata ni Christine sa antok. Inayos niya ang sarili.

Finally, I’m home!

Nilingon niya si Dock ng maramdaman niyang lumabas ito ng sasakyan. Umikot ang binata sa gawi niya upang pinagbuksan siya ng pinto sa passenger’s side.

Nang makababa ay doon lang niya napansin na hindi lugar sa apartment niya ang kinaroroonan nila.

“Let’s go,” blanko ang ekspresyon na wika ni Dock, hinawakan nito ang braso niya.

“S-sandali! Hindi ko naman bahay ‘to,” protesta niya nang hinihila na siya nito ngayon papasok sa condominium place kung saan nakatira ang binata.

“Dock, let me go.”

“I won’t do that. We’re not yet done talking,” he hissed.

Nang makapasok sila sa building ay naglakad sila tungo sa elevator. Dock pressed the 27th floor, still holding her left hand. Hindi ito kumikibo at maski siya’y ganoon din. Ilang sandali ay narating na nila ang 27th floor

Dumiretso sila sa unit ni Dock, Itinapat nito sa gilid ng pinto ang isang key card para buksan. Nang kapwa sila makapasok sa loob ay sinenyasan siya na umupo sa malaki nitong couch.

Christine sat to the couch. Kinakabahan. Nawala sandali sa paningin niya na ang binata na maya-maya lang din ay bumalik may hawak itong brown envelope na inilapag sa tabi niya.

“Christine, tell me what’s this?” tanong ni Dock, itinuro ang brown envelope.

Kunot ang noo na kinuha naman iyon ni Christine at tiningnan ang laman na ikinalaki ng mga mata niya.

Mga larawan nila ni Deren ang laman ng envelope— mula sa café, sa mall meron pang kuha na yakap siya ni Deren. Marami pang kuha niya at ni Deren ang nakita niya.

Sinong kumuha ng mga litratong ito? She saw Deren as a brother for christ sake! “Sino ang n-nagpalada sayo ng mga pictures na ‘to?” tanong niya kay Dock, inilapag ang mga litrato sa tabi.

“Hindi importante kung sino ang nagpadala. May relasyon ba kayo ni Deren?” Tanong nito. Nakatiim-bagang ito. Nakapameywang na para bang napakalaking kasalanan ang sumama siya sa kapatid nito.

Napayuko si Christine. “P-pinuntahan niya ako sa cafè kanina. S-sabi niya samahan k-ko daw siya,” nauutal na sagot niya.

“Saan?”

“Sa mall. Kapatid mo ang lumapit sa’kin, kasama ko ang mga kaibigan ko sa cafè nang dumating siya. Nahihiya akong t-tanggihan si Deren kaya sumama ako sa kapatid mo. Dock, hindi naman na ako lalapit sa’yo o kahit sa mga kapatid mo, para hindi ka nagkakaganyan,” saad niya.

Iyon ang gustong ipunto ni Dock. H’wag na niya itong lapitan ganon rin ang mga kapatid nito ng sa ganon ay mawala na ang koneksiyon nilang dalawa.

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Christine,” sabi ni Dock sa mahinahong boses.

“D-Dock, pasensya ka na. H-hindi ko natanggihan si Deren.” wika niya, napayuko.

“Look at me, Cee,” wika nito. “Christine, look at me.”

Nag-angat ng ulo si Christine. Dock leaned forward, nagtama ang mga mata nila. Hindi na niya dapat maramdaman ang pakiramdam na nililipad ng paro-paro ang tiyan niya, ultimo pag-hinga niyang normal nag-iba, naging malalim.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon