MASQUERADE PARTY ang theme ng reunion.Inilibot ni Christine ang paningin sa paligid. Ang sabi niya kay Czaira hindi siya pupunta sa high school reunion pero ito siya’t naka-tayo sa isang expensive hotel na pinag-dausan ng reunion party.
Huminga siya ng malalim. Nandito kaya si Dock? Sisikapin ni Christine na hindi bigyan ng sakit ng ulo ang binata. Hindi rin naman niya gustong masira ang gabing ito para sa kanilang lahat.
Nagsisimula ng dumami ang tao sa loob ng venue. Pamilyar ang ilang mukha na nakikita niya, kahit ang ilan ay mas suot na mask, or half mask ay nakikilala niya ang mga ito. May iba pa na naging classmate niya noon na hindi na rin siguro siya makilala. Ilang taon na rin naman ang lumipas at hindi naman lahat ng naging classmate niya noong high school ay naging kaibigan o kasundo niya.
Niyuko niya ang sariling suot, napangiti. She love what she was wearing right now, a gold long dress. Kita ang maputi niyang mga balikat. Kulay ginto rin ang napili niyang mask na hindi niya iyon suot dahil maiinitan lang siya. May ilan din naman na nasa reunion party na hindi naka-suot ng mask.Isang pair ng black heels ang suot niya. Nakalugay lamang ang maiksi niyang buhok na pinilit niyang kulutin sa dulo.
“Christine!” Nilingon niya ang tumawag sa pangalan niya. Si Katrina, her friend looks cute on her cream dress na hanggang hita lang nito ang haba, pa-baloon pa iyon sa dulo. Naka-pusod pataas ang buhok nito.
“Wala kang pasok sa clinic?” Tanong niya. Isa itong pediatrician nurse. Ang alam niyang nagsabi din si Katrina na hindi sigurado kung pupunta at ngayo’y nandito.
Tumango ito. “Buti nga at naka-pagpaalam ako. Mabait naman ang boss ko. Ikaw buti nakapunta ka?”
“Wala akong pasok,” aniya.
Umupo si Katrina sa tabi niya. “Si Misha, tinawagan ko. Papunta pa lang daw sila.”
“S-sila?”
Tumango si Katrina. “Kasama ata si Dock.”
Biglang bundol ng kaba at exitement sa dibdib ni Christine. Makikita niya si Dock ngayon sa high school reunion.
“Hindi ka na makapag-hintay na makita si Dock ‘no?”
Natawa siya. “Lagi akong hindi maka-paghintay.”
“Nakikita mo ang lalaking ‘yon?” sinundan ni Christine ang daliri ni Katrina na may itinuro sa di kalayuan.
Nakita niya ang lalaking may kausap.Matangkad at chinito ang lalaki. Makikita sa suot nitong suit ang kakisigan.
"Iyan si Cloud, siya ang kasama kong pumunta dito.”
Pinakatitigan niya ang lalaki. Hindi pamilyar sa kanya ito. “Boyfriend mo?”“H-hindi.”
“Sino yan kung hindi mo boyfriend?” usisa ni Christine. “Hindi naman natin naging classmate o schoolmate iyan. Hindi ko matandaan ang mukha.”
“Kaibigan siya si Dock. Matagal na kaming magkakilala,” sagot ni Katrina. “Sumama lang siya sa’kin dahil baka may mahanap daw siyang investors at suppliers, alam mo na negosyante hindi palalagpasin ang opportunity. Mukhang halos lahat naman sa batch natin ay naging successful,” dugtong pa nito.
Walang naku-kwento si Katrina sa kanya at wala rin naman nababanggit si Misha sa kanya man o sa kanilang magka-kaibigan na may lalaki itong kaibigan.
Ito at si Misha ang madalas mag-kasama. Matanda naman na si Katrina at alam na ang tama sa mali kung sakaling may namamagitan sa nasabing Cloud at ito ay labas na sila doon.
“Sila, Misha na ata ‘yon.”
Tumingin siya sa entrance ng hotel at nakita nga niya si Misha, bukod kay Dock na hindi ma-pinta ang mukha ay may kasama pa itong tatlong lalaki.

BINABASA MO ANG
✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.
RomanceChristine Juarez ended up falling in love with Dock Daomino but the feelings aren't mutual. Christine, thinks that one-sided love is painful. Dahil iyon ang pinararamdam sa kanya ni Dock. Hindi niya alam sa sarili kung iiwasan na lamang ba niya ito...