NATIGIL sila sa pagsasayaw nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Tumigil na ang tugtog.
“Turn around,” Devlin whispered to her.
Lumingon naman si Christine sa likod niya kung saan nandoon ang pinanggalingan ng boses. She was stunned for a moment. Nakatayo doon si Dock, nakatingin sa kanya. Devlin left as the lights became dim.
“D-Dock...” hindi masundan ni Christine ang sasabihin sa pagka-bigla.
“Hmm?” may hawak itong pulang roses, inabot sa kanya iyon ni Dock at masuyo siyang isinayaw.
“What are you doing here?”
Dock, chuckled. Nilapit nito ang mukha sa kanya at walang pasabing dinampian siya ng masuyong halik sa mga labi.Hindi niya maiwasan ang mamula dahil hindi naman lingid sa kanya na may mga taong makakakita sa ginawa nitong pag-halik sa kanya.
“I miss you,” sabi nito. Napaawang ang mga labi niya.
“I want to confess to you, my love.” He murmured.
“C-confess?”
He nodded. “Are you surprise? We planned this party for you. This weird party. Gusto kitang mapasaya dahil mahal kita.”
Napakurap si Christine dahil sa huling sinabi ni Dock. Tama ba ang narinig niya? Mahal siya nito? Hindi maiwasan ni Christine ang pamulahan ng mukha.
“Tell me. Are you surprise?”
“Oo...” halos hindi na niya iyon maibigkas, “and you love me?” dugtong niya gusto niyang maka-siguro.
Muling tumango ang lalaki. “As I said. I want to confess.”“I-lipat mo ang schedule ko bukas ng hapon, may dadaanan ako ngayong araw,” wika ni Dock, sa kanyang sekretarya. He immediately ended the call. He was excited to see her.
Christine...
May tipid na ngiti sa kanyang labi ng lingunin ang katabing passenger side ng kanyang kotse. Nakalapag doon ang isang bungkos ng bulaklak na binili pa niya sa dangwa kanina para ibigay kay Christine, gusto niyang bumawi at kausapin ito.
Masyado ng matagal ang pananahimik ng nararamdaman niya para sa dalaga. Simula pa lang high-school sila ay nabuhay na rin sa puso niya ang pagmamahal na dapat ay matagal na niyang inamin.
Takot siyang umamin. He felt that Christine might want to play his feelings towards her. Lagi itong nagsasabi na gusto siya nito at ilang sulat ang natatanggap niya mula sa dalaga pero madalas din naman niya itong makita noon na may kasamang lalaki at masayang nakikipag-kwentuhan noon.
Hindi siya sigurado kung classmate ba ni Christine ang palagi nitong kasama o pinupuntahan lang ba ang dalaga sa classroom nito. Gustuhin man niyang lapitan at sabayan sa recess kung minsan ay mismong mga paa niya ang umaatras.
Enough of his tantrums. High-school pa sila noon.
Masyado pa silang bata para seryosohin niya ang nakita. Ngayon siya maglalakas ng loob para umamin at sabihin kay Christine ang nararamdaman. He wanted to tell her how he felt for her. Gusto niyang sabihin sa dalaga na parehas sila nito ng nararamdaman para sa isa't-isa. Mahal niya ito.
Pakiramdam niya kung patatagalin pa niya na hindi sabihin ang nilalaman ng puso ay sasabog na siya. Ang tagal na niyang naging torpe, dinaig pa siya nito na kayang ipakita at ipahiwatig sa kanya na gusto siya nito. Nakaparada ang sasakyan niya sa 'di kalayuan sa bahay ni Christine. Kinuha niya ang bungkos ng bulaklak at mabilis na lumabas ng kanyang sasakyan.
May kaba sa dibdib na nagpabalik-balik siya ng lakad sa tabing daan at hinahanda ang sarili sa gagawin niyang pagpunta sa bahay nito. Nang handa na siyang ihakbang ang mga paa papunta sa bahay ni Christine ay doon din natigilan siya. She saw her with another man. His jaw tightened. Malapad ang ngiti nitong pinalo pa sa braso ang binatang kasama nito.
Sa hula niya ay kadarating lamang nito dahil patungo pa lamang ito sa kinatatayuan ng bahay nito. Nangunot ang noo niya sa nakita. Who's that guy? Kung hindi siya nagkakamali nagpunta pa si Christine sa opisina niya ng nagdaang araw at muli siyang kinulit. Para saan iyon? She wants to play. She want him as a toy?
F-ck. Nagtagis muli ang bagang niya ng matanaw ng malinaw niyang mga mata ang pag-abot ng yakap ni Christine sa kasama nitong lalaki.
Humigpit ang hawak niya sa hawak na bulaklak, she can't do that! Siya ang gusto nito kaya bakit ito may kasamang ibang lalaki? Itinapon niya ng hagis sa kung saan ang bungkos ng bulaklak at mabilis siyang bumalik sa kanyang sasakyan. Hindi na nagabala pa na tanawin ang dalaga at ang kasama nitong lalaki. He's pissed as f-ck! He will never gonna tell her that he loves her. Never.
Ngayon ay hindi alam ni Dock na darating ang araw na kakainin siya ng mga sinabi niya. He wanted to be cold to her. Gusto niyang maramdaman nito ang sakit katulad ng pinaramdam nito sa kanya. Pero habang tumatagal siya rin ang nahihirapan. Lalo na ng magsimulang umiwas sa kanya si Christine. Hindi niya kaya pakiramdam niya unti-unting nawawala ang interes nito sa kanya na hindi niya gustong mangyari.
Inayos niya ang lahat para sa kanilang dalawa. Ilang linggo ang nagdaan bago siya nakapag-isip. Hindi na niya kailangan pang mag-panggap.
“I love you, Christine,” pag-anim ni Dock na may puno ng sinseridad sa boses nito. Si Christine naman ay nanatiling tikom ang bibig halos tulala lang sa kanya.
“Matagal na kitang mahal. Mahal na mahal kita.”
BINABASA MO ANG
✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.
RomanceChristine Juarez ended up falling in love with Dock Daomino but the feelings aren't mutual. Christine, thinks that one-sided love is painful. Dahil iyon ang pinararamdam sa kanya ni Dock. Hindi niya alam sa sarili kung iiwasan na lamang ba niya ito...