“SHALL we? Baka abutan na tayo ng hapon,” sambit ni Dock kumalas na ito ng yakap sa kanya.Iniiwas ni Christine ang tingin dito. Inayos ang buhok na nahawi ng malamig na hangin.
Ang sarap dito sa tagaytay.Kung dito siya maninirahan ay baka araw-araw tanggal ang pagod niya.
“Ayoko talagang sumakay na sa kabayo,” ani Christine maya-maya.Nangagamba pa rin siyang sumakay muli sa kabayo dahil sa nangyari na pagka-hulog niya kanina.
Bumaling sa kanya si Dock, ngumiti ito. He cupped her face. “Hindi naman kita pababayaan.”
Yes again, her heart!
Nangyayari na bumilis nanaman ang tibok niyon. Ang init ng palad ni Dock sa dalawang pisngi niya. Pero sa kabila naman ng tibok ng puso dahil sa pagmamahal sa binata ay nakararamdam na din siya ng pagod.Not only because of what happened earlier but also because of his feelings for Dock.
Ang sakit. Mas masakit pala kapag ganito ang inaakto nito. Kaysa sa iniiwasan siya o ipinararamdam sa kanya na wala lang siya para dito.
Bumuntong hininga si Dock. Hinawakan nito ang kamay niya. “Libutin na lang muna natin ng lakad itong BIP.”
Gusto niyang alisin ang hawak ni Dock sa kamay niya ngunit mahigpit nitong hawak iyon. Hindi na siya nagprotesta at hinayaan na lamang. Kumikirot ang puso niya sa isipin na ito na ang huli.
Ilang saglit na paglalakad ay tumigil sila sa harap ng isang napaka-laking gate na bumukas. May wooden caratula iyon sa harapan at naka-engrave ang salitang Blast Island Pads (BIP)
Hinila siya ni Dock papasok, sa isang kamay ay hawak pa rin nito ang renda ng kabayo na si Matteo.
Nang makapasok ay nilibot ng kanyang paningin ang paligid. Napa-lilibutan ng green grasses ang paligid. Maganda at maaliwalas. May ilang nakatayo ng villas doon at may ilang nakakalat din na mga kabayo.
“Devlin, owns this place. This place is his business. We paid him. Sampo kami na may shares sa lugar na ito.”
“Paano kayo naging sampo?” tanong niya.
“We have friends. Kasama rin sa may share ang kapatid ni Misha na si Duke,” sagot nito.
Napatango-tango si Christine. Hindi pa tapos ang lugar. Nagsisimula pa lang na ayusin ang lugar pero kita na ang ganda ng paligid.
SA paglilibot ay nakita muli ni Christine si Cloud, nakausap niya ang binata at napag-alaman na isa rin ito na may share sa lugar at nagpupunta lang ang mga ito dito sa BIP kapag gustong magbakasyon. Nalaman din niya na may lovers quarrel daw ito at si Katrina.
Her friend needed some space according to him.
Sa sampong tao na sinabi ni Dock kanina masyadong malaki para sa mga ito ang Blast Island Pads. Maliban sa villas, may café at restaurant din silang nadaan kanina at lahat iyon ay bagong tayo pa lang. May magandang view din ng Taal Volcano sa lugar. Ang sarap manirahan sa tagaytay hindi na niya gusto pang umalis.“Why did you bring her here? You, Daomino’s have a rule you are next to Misha and Devlin,” natatawang sabi ni Cloud. “Si Devin pa pala ‘no?”
Natigil sa pagmamasid si Christine dahil sa narinig. Tumingin sa dalawang lalaking nag-uusap. “Rule?” tanong niya.
“Once you step in their mansion, you’re the lucky queen,” sagot ni Cloud.
Kumunot ang noo ni Christine. Hindi na lamang niya binigyan ng pansin ang sinabing iyon ni Cloud. Kung ano man iyon ay iiwan niya sa lugar na ito.Maya-maya lang din ay nagpaalam na si Cloud sa kanila sakay ito ng kabayo nito.
Nang sila na lamang dalawa ni Dock ay tahimik ang pagmasid niya sa kabuuan ng lugar ng magulat si Christine nang bigla siyang yakapin ng binata mula sa kanyang likuran. Hindi siya nakagalaw dahil hindi niya iyon inaasahan.
Halu-halo ang nararamdaman niya. Kilig, Kirot at kaba sa puso. May kirot man ay hindi naman niya itatanggi sa sarili na masarap pa rin sa pakiramdam na kasama niya ito. Hindi siya makapag-salita lalo na ng isinubsob ni Dock ang mukha sa leeg niya.
“Gusto mo bang sumakay kay Matteo?” basag nito sa pananahimik niya. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya.
Marahan niyong hinawakan ang kamay niya at giniya siya palapit sa kabayo. "Hindi ka naman nito ilalaglag, hindi katulad ng kabayo ni Misha na si Jack. Mabilis mairita iyon sa mga sumisigaw."
Hinawakan ni Dock ang magkabilang beywang niya at binuhat siya pasakay sa kabayo. Sumakay din ito. Hawak nito ang renda, marahan na pinatakbo ni Dock ang kabayo.
“Nagustuhan mo ba dito sa BIP?” tanong ng binata.
Walang alam sa sakit na nararamdaman niya ngayon.
Tumango siya. “M-maganda dito.”“You want to live here?”
Pagak siyang tumawa. “Wala akong pambayad sa kapatid mo.”
Ipinatong ni Dock ang baba sa balikat niya. “Ako ang bahala.”
Hindi na niya ito sinagot. Hindi na niya alam ang sasabihin. Dock had his arms around her. Sa pagdikit ng mga katawan nila ay ramdam muli ni Christine ang bilis ng tibok ng puso. But she don’t have the strength to appreciate now the wonderful place even if she’s with him. Ito na ang huling beses na magka-lapit sila at magka-sama. Papalubog na ang araw, malapit at kailangan na nyang umuwi.
Mabilis na pinahid ni Christine ang luhang bigla na lamang naglandas sa kanyang pisngi. Pigil rin ang hikbi para hindi mahalata ni Dock.
One-Sided. She no longer wish to pursue love, and Dock is not to blame.
NANG makabalik si Dock at Christine sa mansyon ay iniwan siya saglit ng binata sa living area. May urgent business call ito na sinagot kanina at hanggang ngayon ay hindi pa siya binabalikan.
Naka-upo siya sa one-seater sofa, samantalang si Devlin at Misha ay naka-upo sa mahabang sofa.
“Christine, thank you. Sana nagustuhan mo dito sa BIP,” wika ni Devlin. Hindi naman ito naka-ngiti sa kanya ng sabihin 'yon. Pero sigurado siyang may sinseridad ang pasasalamat nito.
Tipid siyang ngumiti. “S-salamat din.”
Hindi niya mabasa ang ugaling meron si Devlin, kahit may kasungitan at tila may authoritative attitude ito ay nakiki-pagusap naman ito. Nakaka-gaan sa kanyang loob na marunong itong magpa-salamat. Dapat nga ay siya ang magpa-salamat dahil sa ideya nitong itayo ang ganitong kagandang lugar.
Tumayo si Misha. “Ihahatid ko na si Christine, Kuya Vil,” anito.
Tumayo na rin siya sa pagkaka-upo at lumapit sa kaibigan. Pauwi na siya at hindi niya gustong si Dock ang maghatid sa kanya. Gusto na niyang panindigan ang pag-layo at pag-iwas dito.
Hindi naman siguro iyon magiging mahirap para sa kanya lalo’t kung titigasan niya ang loob.
Walang sila.
Tama. Walang kami.
Hindi na siya dapat umiyak at masaktan. Hindi na niya gusto pang maging kontrabida sa buhay nito.
Hindi pa bumabalik si Dock. Hindi niya rin naman alam kung nasaan ang lalaki, nasa loob lang din naman ito ng mansyon. Wala na rin siyang pakialam. Hindi na niya ito dapat hintayin.
“Tara na, Misha,” sabi niya sa kaibigan.
“Nagpaalam ka na ba kay Dock?” tanong ni Misha. Papalabas na sila sa mansiyon, patungo sa garahe.
Hindi siya sumagot.Tiningnan siya nito. “Christine, may problema ba sa inyo ni Dock? Sinagot ka na ba. Tapos nag-break kayo?”
She rolled her eyes. Nangaasar pa talaga ito. Hindi na lang siya sumagot, nakasunod lang dito.
“Tinatanong kita,” pangungulit nito.
“W-wala,” sagot niya.
“Sinungaling.”
Tipid na ngumiti si Christine. Hindi naman na nagtanong pa si Misha. Habang nasa byahe ay napa-hinga siya ng malalim. Panahon na para umiwas. Tapos na ang pag-iilusyon niya.
BINABASA MO ANG
✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.
RomanceChristine Juarez ended up falling in love with Dock Daomino but the feelings aren't mutual. Christine, thinks that one-sided love is painful. Dahil iyon ang pinararamdam sa kanya ni Dock. Hindi niya alam sa sarili kung iiwasan na lamang ba niya ito...