HINDI makapaniwala si Christine sa narinig kay Dock. Ang gulat niya ay hindi matunaw. Dock confessed. He loves her. Kabado ang dibdib na nakatitig lamang siya sa binata. Hindi niya gusto na mawala ito sa paningin niya dahil baka magising siya bigla at isang panaginip lang pala ang lahat.
“Christine, hindi mo alam kung gaano ako kasaya noon nang makita kita na kasama ang pinsan kong si Misha sa opisina ko,” ani pa ni Dock. Hindi niya malubayan ng tingn ito.
Naalala niya ang araw na iyon. Ang panahong naghahanap siya ng trabaho, dahil wala pang tumatanggap sa kanya sa mga eskwelahan na pinag-applyan niya para makapag-turo. Iyon ang una nila muling pagkikita ng maka-gradweyt sila sa kolehiyo. Hindi rin naman niya inaasahan na makikita pa ito. Naki-suyo lang si Misha sa kanya na samahan niya ito noon at hindi niya naman akalain na sa opisina ni Dock sila pupunta.
“B-but you were cold that time Dock. Hindi mo ko matingnan o kahit ang kausapin.”
“Inaamin ko, oo. I am sorry for that. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-kilos sa harap mo. Alam ng puso ko na sobrang mahal kita noon pa man,” anito. Nakatitig lang din ito sa kanya ng abutin ang mga palad niya, masuyong pinisil iyon ni Dock. “Palagi ko nalang itinatanggi sa sarili ko na gusto kita, gusto ko na palagi kang nakikita, ang presensiya mo. Hindi ko lang alam kung paano ko maipapakita sayo, natataranta ako pag nasa paligid ka lang,” pahayag nito. Huminga ng malalim si Dock. “Ayokong umamin kahit sa sarili ko na mahal kita. Naguguluhan ako, Christine. Iniisip ko na kaya mo ako kinukulit noon at hanggang ngayon ay para inisin lang ako o laruin ang damdamin k—“
“Bakit mo naisip na kaya kita kinukulit ay para lang laruin ang nararamdaman mo?” putol niya dito. Ano ang sinasabi nito? Sa tagal niyang minamahal ang binata ay ni minsan hindi sumagi sa isip niya na paglaruan lang ito.
Nag-iwas ng tingin si Dock. Nahihiya itong tumikhim. Maya-maya’y kinuwento nito ang noong high-school pa lamang sila na lagi siyang may kasamang lalaki tuwing recess. At ang naabutan nitong kasama niyang lalaki ng magpunta ito sa bahay niya na bibigyan sana siya ng bulaklak noong galing pa itong opisina.
Hindi agad naalala ni Christine kung ano ang tinutukoy ni Dock na kasama niya lagi tuwing recess. Hanggang sa mahagip niya sa ‘di kalayuan si Shin.
“Si Shin?” tanong niya. Bahagya siyang natawa. Si Shin ang palagi niyang kasama tuwing recess kapag hindi niya nakaka-sabay sila Misha.
Si Shin rin noon ang kinukwentuhan niya kapag may bago siyang ginawang sulat para kay Dock at kung gaano siya kinikilig sa binata kahit walang pakielam sa kanya ito. “Si Shin, ‘yon. My boy best friend. Nandito siya ngayon kahit tanungin mo pa siya.”
“Akala ko boyfriend mo siya. Inisip ko pa na gusto mo kong gamitin para saktan ang nobyo mo kaya ka lumalapit sa’kin noon,” anito. “Mas lalo ko pang pinaramdam sayo na ayoko sayo nang makita naman kita sa labas ng bahay mo na may kayakap kang lalaki. At nakita ko kung gaano ka kasaya sa kanya.”
“Isang beses lang ako hinatid ni Ivan sa bahay. Hindi na naulit. Hindi niya itinuloy ang dapat na panliligaw niya sa’kin dahil nakabuntis siya at wala naman akong balak na magpaligaw sa kanya dahil ikaw lang naman ang gusto ko,” paliwanag niya.
“Pero nagpahatid ka,” pilit ni Dock.
She sighed. “Ayoko lang mapahiya yung tao. Kaya pumayag ako.”
Ang lalaking nakita ni Dock ay ka-trabaho niya sa school na pamilyado na ngayon. Hindi niya alam na nandoon si Dock ng araw na ‘yon. Hindi niya alam na nakita nito ang tagpong ‘yon.
"Wala akong planong gamitin ka para saktan ang iba o paglaruan ka, Dock. Kung ‘yon lang ang gusto ko pag-aaksaya lang iyon ng oras. Sa tingin mo bakit hanggang ngayon kinukulit kita? Dahil totoo lahat ng ipinakita ko sayo. Totoong mahal kita. Oo, madalas akong nagbibiro. Pero hindi pagdating sa nararamdaman ko para sa’yo,” dugtong niya.
BINABASA MO ANG
✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.
RomanceChristine Juarez ended up falling in love with Dock Daomino but the feelings aren't mutual. Christine, thinks that one-sided love is painful. Dahil iyon ang pinararamdam sa kanya ni Dock. Hindi niya alam sa sarili kung iiwasan na lamang ba niya ito...