Chapter 19 (Last Part)

66.1K 1K 73
                                    

"MERRY Christmas," salubong sa kanila ni Misha nang pagbuksan sila nito ng pinto. Pasko na at napag-usapan nila na sa villa sa Malate, Manila na pagmamay-ari nila Dock sila magdaraos.

Ito ang unang beses na magpa-pasko siya kasama ang bagong pamilya sa buhay niya. Kasama ni Christine sa villa ang mga kaibigan, maliban kay Katrina at Czaira. Naroroon din ang kanyang mga magulang.

"Merry Christmas din, Misha," masayang bati ni Katherine.

"Wala sila Kuya Devlin at Kuya Devin, nasa Tagaytay doon sila magpa-Pasko," sabi ni Misha pagka-pasok nila.

Damang-dama sa buong kabahayan ang Pasko dahil sa decorations.

"Masaya ka ba, anak?" narinig niyang tanong ng ina.

Nilingon niya ito, nginitian. "Opo, 'Ma, sobra."

"Naku! Siguradong mas sasaya ka kapag nakita mo na naman ang nobyo mo," dugtong ng ama niya.

Napatawa si Christine. Botong-boto talaga ang mga magulang niya kay Dock, alam daw ng mga ito na nasa iisang tao lang ang puso niya noon pa man at kay Dock lamang iyon.

"Papa naman, eh." Nilapitan niya ang mga magulang at niyakap. Walang pagsidlan ang saya niya dahil sa mga nangyayari ngayong positibo sa buhay niya.

Ang nangyari sa grand hotel ay isa nanaman sa mga hindi niya makakalimutan. Ilang beses binulong sa kanya ni Dock na babawi ito sa lahat ng pagpapahirap na ginawa nito sa puso niya.

Mas papatunayan pa ni Dock na deserve niya ang isang katulad nito at walang ibang dapat na mag-may ari ng puso niya kundi ito lamang.

Bukod sa mga kaibigan niya ay nakita rin niya ang ilan sa mga high school friend at classmate niya noon.

Tinupad ni Dock ang matagal na niyang pangarap ang mahalin din siya nito. Pagmamahal na hindi niya pinilit na maramdaman nito, kundi kusang loob nitong ibinigay at ipinaramdam din sa kanya.

Maya-maya lang ay nagpunta na sa dining ara ang magulang ni Christine nang magyaya na si Katherine. Siya naman ay susunod na ng kausapin siya ni Misha.

"Christine, si Dock nasa kwarto niya. Akyatin mo para bumaba na."

"Bakit ko aakyatin?" tanong niya.

"Ay, bakit? Sino ang girlfriend?" Misha rolled her eyes.

"Dalian mo na kanina pa tulog 'yon. Saan ba kasi kayo nag-noche buena kagabi at parang pagod na pagod?" tanong ni Misha.

"K-kasi napadami ang inom niya kagabi," nauutal na sabi niya. "Sige, aakyatin ko na."

Umakyat na si Christine sa ikalawang palapag. Nang nasa tapat na siya ng kuwarto ni Dock ay dalawang beses siyang kumatok pero walang sumagot.

Lasing ito kagabi. Silang dalawa lang ang nag-noche buena sa condo nito dahil na rin sa hiling nito. Nang wala pa ring makuhang sagot mula sa binata ay hinawakan na niya ang seradura ng pinto at pinihit pabukas.

Hindi naman iyon naka-lock.

Namilog ang mga mata ni Christine sa gulat nang makapasok sa loob ng kuwarto ng binata, nakita niya si Dock na lumabas mula sa banyo. He was topless.

Puting tuwalya lang ang nakatakip sa ibabang parte ng katawan nito. Katatapos lang nitong maligo.
Dock grinned when he saw her. Lumapit ito sa kanya at yumakap.

"Dapat hinintay mo na lang ako sa baba pero okay na din na umakyat ka," wika nito, mas hinigpitan ang yakap sa baywang niya.

Agad na nag-init ang pakiramdam ni Christine ng naramdaman ang balat ni Dock sa katawan niya.

"Magbihis ka na muna p-para kakain na tayo," wika niya.

Tila hindi naman narinig ni Dock ang sinabi niya. Sumubsob ito sa leeg niya bago humalik doon.

"D-Dock..."

"Merry Christmas..." bulong nito sa kanya nang magtama muli ang mga paningin nila. Hindi pa rin siya makapaniwala na boyfriend na niya si Dock.

"M-merry Christmas din."

"I love you," wika ni Dock at dinampian siya ng halik sa labi. Hinaplos nito ang mukha niya. "I want you to be happy, Christine," wika nito napangiti siya at ginagap ang kamay ng lalaki na nakahawak sa pisngi niya.

"Of course, masaya ako."

"Mag-aanak tayo ng marami," wika nito sa kanya namula naman ang pisngi niya. "Christine, mahal na mahal kita."

Nakatitig lang siya kay Dock, hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang binata at sinasabingmahal na mahal siya nito. Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na mangyayari ang ganito.

"Kuya Dock, pwede ba magbihis ka muna bago mo yakapin si Christine? Nagtatanong na ang magulang ng girlfriend mo kung bakit ang tagal niyo daw bumaba.

Huwag muna kayong bumuo ngayong pasko. Sa new year na lang pwede?" Boses ni Misha ang narinig nila.

Kumalas sila ng yakap ni Dock sa isa't-isa, nagkatinginan alam niyang nakita ni Dock ang pamumula ng pisngi niya dahil sa sinabi ni Misha.

Hindi niya pala naisara ang o nai-lock ang kuwarto ng binata ng pumasok siya sa kuwarto nito. Sabay na dumako ang tingin nila kay Misha, nasa dahon ng pintuan ito nakasandal. Hinihintay ang pag-kilos nila.

"Bababa na ba kayo?" tanong ni Misha, inip na inip.

Kunot ang noo ni Dock na sumagot sa pinsan nito. "Bumaba ka na, Misha. Isarado mo ang pinto. Susunod na kami."

Huminga ng malalim ito at hinawakan ang seradura ng pinto, bago pa mawala si Misha sa paningin nila ay kinindatan pa siya nito. Siguradong magtatanong mamaya sa kanya ang kaibigan kung ano ang ginawa o napag-usapan nila ni Dock.

Hindi na muna niya iisipin ang importante ay si Dock.

Humarap siya sa binata nginitian ito at ginagap ng dalawang palad ang mukha nito."Mahal na mahal din kita, Dock. Ikaw ang magandang regalo na natanggap ko ngayong pasko," sagot niya sa binata. Niyakap niya ito.

Dock smiled. "Marry me then."

"H-ha?"

"I said marry me."

Nasa mukha pa rin ni Christine ang gulat ng humiwalay siya ng yakap sa binata.

"Huwag ka ng magulat, Cee. Dahil tulad mo ikaw din ang magandang regalo na natanggap ko ngayong pasko. Hindi ko na hahayaan pang mawala ka sa buhay ko kaya handa ka man o hindi. Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal tayo. Pakakasalan kita dahil mahal kita," wika ng lalaki.

Nangilid ang luha sa mga ni Christine. Natalon niya ng yakap si Dock. Ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Wala na siyang mahihiling pa.

This cold-hearted guy is mine now.

©_LoveBiteCookie | Dee Garcia

✴This is a Revised Version✴



✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon