Chapter 16

56K 922 33
                                    

HINDI alam ni Christine kung bakit sa coffee shop siya napadpad. Malamig ang mga kamay ni Christine na sinalubong pa ang lamig din sa loob ng cafè.

Ito ang café na malapit sa apartment niya. Sa dulong table niya piniling umupo. Ang bigat ng pakiramdam niya. Sa tagal niyang nabubuhay sa mundo ay ngayon lang nangyari ang ganito sa kanya.

Halo-halo ang nasa isip niya. Ang mga kaibigan niya na naiwan sa apartment niya at kung ano na ba ang nangyari sa mga ito. Nanlalamig ang buo niyang katawan at nasa dibdib pa rin ang kaba. Malamig sa loob ng café kaya doble ang nararamdaman niyang tension. She needed to call the police. 

Kinapa ni Christine ang cell phone sa bulsa ng shorts niyang suot, hindi niya nadala, tinawag niya ang isa sa mga staff ng café.

Nakilala siya ng staff kaya nakangiti itong nilapitan siya. “Yes po?”

“Can I borrow your phone? I just n—“

“Miss Juarez?” Hindi niya natapos ang sasabihin nang may magsalita.

Nang tingnan niya kung sino ay nagulat siya. “S-Sir Tudao,” she faked a smile.

Nakangiti itong umupo sa katapat niyang upuan. What was he doing here? Biglaan naman yata na makikita niya si Miguel.

“Hi, kumusta?” He smiled at her. Wala siya sa kondisyon para sagutin ito. She’s nervous and scared. Iba ang itinatakbo ng isip niya.

“M-Ma’am, ano nga po pal–“

“Give us two mugs of black coffee,” putol ni Miguel sa staff ng café. “Did I interrupt you?” dugtong ng binata nang muli siyang harapin at ngitian.

Marahan na iling ang isinagot ni Christine. Hindi na siya mapakali sa nerbiyos na nararamdaman. Hindi na nasagot pa o naintindihan ni Christine ang ilang sinasabi ni Miguel dahil wala doon ang pokus ng isipan niya.

Ang mga kaibigan niya ang nasa isip niya. Hindi niya na alam ano ang nangyari sa mga kaibigan niya. Sino ang mga lalaking sumulpot sa apartment niya? Ano ang pakay ng mga ito? Kailangan niyang maka-hingi ng tulong sa lalong madaling panahon.

“Miguel,” pukaw niya kay Miguel, natigil naman ito sa mga ikinukwentong hindi naman niya naiintindihan at binalingan siya.

“Puwede ko bang hiramin ang cellphone—“

Hindi na natapos ni Christine ang sasabihin nang tumunog ang cellphone ni Miguel, kinuha nito iyon mula sa bulsa ng suot nitong pantalon. Nakangiti itong bumaling sa kanya, bahagya pang itinaas ang cellphone. “Sasagutin ko lang ang tawag,” anito tsaka, naglakad palabas ng café.

Isang minuto pa lamang ang nakalipas ay hindi na mapakali si Christine. Hindi pwedeng mag-stay pa siya ng matagal sa cafè kailangan na niyang makaalis.

Tumayo siya sa kinauupuan at lumabas na din sa coffee shop. Dapat ba niyang sabihin dito ang sitwasyon niya ngayon? Gusto niyang sabihin kay Miguel pero nahahati ang isip niya na hindi ito maniniwala. Pero maniwala man ito o hindi ay kailangan niyang sabihin dahil nasa panganib ang mga kaibigan niya.

Malapit na siya sa exit ng café nang salubungin siya ni Miguel. “Uuwi ka na?” tanong nito.

Tinitigan niya si Miguel. Kailangan niyang humingi ng tulong, kaibigan at katrabaho niya ito possible naman siguro na makinig ito sa kanya.

“Christine?” pukaw ni Miguel.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Miguel, k-kailangan ko ng umalis,” walang lingon-likod na lumabas siya ng kape.

Naramdaman naman niya ang pag-sunod sa kanya ni Miguel. Sa mabilis na paglalakad ay bigla siyang nahinto nang makita ang isang lalaki na naka-black robber’s mask, malalaki ang hakbang nito na papalapit sa kanya. May kasama pa itong dalawang lalaki na naka-sunod dito.

Ramdam ni Christine ang bigat sa paligid, madilim na at wala ng ibang tao. Malayo na rin halos ang nalakad niya mula sa coffee shop. Ilaw na lamang doon ang tanaw niya kahit sumigaw siya ay wala ng makaririnig sa kanya.

Paano siya nahanap ng mga ito? Tatakbo sana si Christine, pabalik sa café ng bumangga siya kay Miguel. Inalalayan naman siya nito upang hindi siya matumba.

“Miguel, help me! Nasa kanila ang mga kaibigan ko,” bigla niyang naibulalas sa binata.

“Who are they?” Miguel asked.

“Hindi ko alam!”

“Get her!” Dinig niyang sabi ng lalaking alam niyang papalapit na.

Hinila niya si Miguel sa kamay pero hindi ito kumilos sa kinatatayuan. He shrugged his shoulder. “I’ll stay here,” Miguel said.

Napa-atras si Christine. Ano ang nangyayari? Wala na siyang maintindihan. Then a handkerchief was placed over her nose by someone who had grabbed her from behind. Unti-unting nanlabo ang paningin niya at nakaramdam ng panghihina.

“Mission accomplished,” just before she dozed off, she heard someone say.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon