“PAG-SABIHAN mo iyang kapatid mo Duke, gumagawa siya ng kalokohan at dinadamay pa ako,”
“Hindi naman kita dinadamay,” sigaw na ganito ni Misha.
Nagising si Christine sa dalawang boses na narinig. Mula iyon kay Dock at Misha, nagtatalo ang dalawa.
Bumangon siya at nag-unat ng braso. Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kuwartong kinaroroonan.
Naalala niyang nasa bahay siya nila Dock.
Minabuti ni Christine na lumabas ng kuwarto. Hindi pa man siya nakaka-hakbang nang mahinto siya sa nadaanang katabing kuwarto.
“Pag-usapan natin ng maayos,” boses naman iyon ni Duke Alexander.
Bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwarto kaya rinig niya ang paguusap ng mga ito. Marahan siyang naglakad palapit sa pintuan upang mas marinig ang mga ito. Dito sa kwartong ito niya narinig ang boses ni Dock at Misha ng magising siya.
“Pag-sabihan mo iyang kapatid mo,” galit na wika ni Dock.
“Alam ko ang ginagawa ko.”
“Misha, wala kang alam.”
“You like, Christine! Stop pretending that you’re not,” hindi niya maiwasan ang mapalunok ng marinig ang sinabi ni Misha.
Gusto siya ni Dock?
“Wag mo kong pangunahan. Hindi ko siya gusto,” mariin na sagot ni Dock.
Huminga siya ng malalim sa narinig na sagot ng binata. Ang sakit marinig dahil dito mismo nanggaling.Hindi siya gusto ni Dock. Bakit pumapayag ito na lapit-lapitan niya? Siya rin ang sumagot sa sarili niyang tanong.
Hindi sa pumapayag. Sadyang hindi mo lang kayang tantanan.
“Ano ba kasi ang ginawa mo, Misha?” wika ni Duke.
Nanatili siyang nasa harap ng naka-saradong pinto patuloy na nakikinig sa mga ito.“Sinabi ko lang kay Kuya Vil kung nasaan siya kagabi at si Kassandra, syempre Kuya ‘yon. Sasabihin k—“
“Lahat kami Kuya mo,” singit ni Dock. “Alam mong hindi ako titigilan ni Devlin ngayon dahil sa ginawa mo, sinama pa ni Vil kagabi si Christine sa restaurant!”
Duke Alexander, grin. “Nag-aalala ka ba na nakita kayo kagabi ni Devlin na magkasama ni Nikassandra o nagaalala ka na nakita kayo ni Christine kagabi na magkasama ni Nikassandra?”
Hindi agad naka-sagot si Dock sa sinabing iyon ni Duke Alexander. Galit na tinapunan ni Dock ng tingin si Misha bago ito lumabas ng study room.
NANG makita ni Christine na lalabas si Dock sa kuwarto ay mabilis na bumalik si Christine sa katabing kwarto kung saan siya natulog. Nakasandal siya sa dahon ng pinto’t kipkip ang dibdib sa kaba dahil baka makita siya ni Dock. Pinunasan niya ang luhang hindi napigilan ang pag-bagsak.
“Hindi ko siya gusto,” umulit sa isip niya ang sinabing iyon ng binata.
Kailangan palang kay Dock, mismo niya marinig ang salitang ‘yon bago niya mapag-desisyunan ang layuan na ito. She need to move forward. Tama si Misha, hindi niya kailangan habulin ang taong hindi siya ang gusto.
She should know her worth.
Huminga ng malalim si Christine bago dahan-dahan na binuksan muli ang pinto ng kuwarto. Hindi pa man niya nabubuksan ng maluwag ang pinto nang may marinig siyang naguusap mula sa labas ng kuwartong kinaroroonan.
“Dock,” dinig niyang boses ni Devlin.
“Ano ang kailangan mo?”
“Don’t talk to me that in that way. I’m the eldest.”
BINABASA MO ANG
✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.
RomanceChristine Juarez ended up falling in love with Dock Daomino but the feelings aren't mutual. Christine, thinks that one-sided love is painful. Dahil iyon ang pinararamdam sa kanya ni Dock. Hindi niya alam sa sarili kung iiwasan na lamang ba niya ito...