Chapter 14

55.8K 947 17
                                    

DUMIRETSO si Dock sa bahay ng kapatid na si Devin. Hindi niya ma-contact ito kahapon pa, may kailangan siyang i-bring up na plano para sa negosyo nila.

Silang dalawa ni Devin ang umaasikaso ng oil company nila sa pilipinas samantalang si Devlin naman ang sa France. Alam niyang nakabalik na ng Manila ang mga ito.

Ipinarada niya ang sasakyan sa tapat ng bungalo at lumabas ng sasakyan.

Nang makalapit sa saradong pinto, natigilan siya dahil narinig ang galit na boses ni Devin.

“F-ck! Jiel, bakit ka nagpabuntis sa’kin.”

Kunot ang noo ni Dock na namulsa dahil sa narinig.

“Hindi ko sinasadya. H-hindi po Sir, s-sorry,” boses ni Jiel ang naulinigan niya. Panay ang hikbi.

Napatiim-bagang siya. Ito ang narinig niyang sermon ni Devlin kay Devin noong nasa tagaytay sila. Jiel is now pregnant. At matigas ang ulo ni Devin dahil ayaw nitong panagutan ang dalaga.

Hindi siya usiserong tao pero mas pinili niyang pakinggan pa ang paguusap ng dalawa.

“Go back to the room now. Sleep. Stop crying its pissed me off,” sa mahabang pakikinig 'yon ang huli niyang narinig na sigaw ni Devin.

Namagitan ang katahimikan sa loob ng bahay.

Huminga siya ng malalim. Ilang minuto siyang nakiramdam, wala na siyang narinig.

Ilang katok ang ginawa niya bago siya napagbuksan ni Devin.

“Anong ginagawa mo dito?” bungad na tanong nito sa kanya, Devin features is a stressed man. Tila ba napaka-bigat ng problema nito. “May kailangan ka?

Marami pa akong gag-“ nakarinig sila ng sigaw mula sa kwarto.

Nagkatinginan silang magkapatid, nang hindi pa rin tumitinag sa kinatatayuan niya si Devin ay wala siyang paalam na pumasok sa loob ng bahay nito at tinungo ang kwarto.

Alam niya ang kabuuan ng bahay dahil siya ang mismong nagbigay ng bahay sa kapatid niya.

“Jiel?” sigaw niya, wala sa kama ang dalaga nang pasukin niya ang kwarto.

Tinungo niya ang banyo at doon nga niya natagpuan si Jiel. Agad niyang dinaluhan dahil nakaupo ito sa tiles na sahig ng banyo.

“Anong nangyari sayo?” tanong niya ng angatan siya ng ulo ng babae ay nakita niya ang gulat sa mga mata nito.

“Sir?”

“Buntis ka. Bakit ka nagpupunta sa banyo ng mag-isa kung hindi mo kaya? Pinapabayaan mo ang sarili mo,” sermon niya sa dalaga, sinipat niya ang hita nito wala siyang nakitang dugo.

Nakita niya sa mukha ni Jiel ang pamamaga ng mata nito at pamumula ng ilong. Kapatid niya ang dahilan. Binuhat niya ang dalaga at inilabas sa banyo, doon naman niya nakita si Devin na naghihintay lang.

Tinitigan niya ng masama ito bago inalalayan sa pagkakahiga ang nobya nito.

Hinarap niya si Devin. “Napaka-iresponsable mo!” Nag-iwas lang ng tingin ang kapatid niya at nagtiim-bagang. “Kapag may nangyaring masama kay Jiel, sisiguraduhin kong magsisisi ka.”

“Hindi ko siya pananagutan at lalong hindi ko siya pakakasalan,” sagot nito.

Biglang nag-init ang ulo niya sa narinig at walang pasabi na pinadapuan ng nangiginig niyang kamao sa mukha si Devin, napatumba ito sa sahig.

“D-Devin!” si Jiel na agad umalis sa kama at dinaluhan ang nobyo, muli nanamang umiyak.

Devin is a calm person. Sigurado siyang hindi siya gagantihan nito.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon