Chapter 15.1

60K 1K 29
                                    

“HOW do I look?” tanong sa kanya ni Misha, pinasadahan niya ang kabuuan nito.

Sinukat nito ang isang red gown na hapit na hapit dito. Her friend had nice curves.

“Bagay sayo. Tuloy na ba ang party?” tanong niya. Naka-ilang sukat na ito ng iba’t-ibang gown ay wala pa rin itong mapili.

“Oo. Gusto mo na bang sumama?” Tanong nito. Ngayon lang niya ulit nakita si Misha, tinawagan siya nito para magpasama sa kanya sa botique ni Czaira.

Umiling siya. “Kayo nalang ang pumunta. Mas gusto kong nasa bahay lang muna,” aniya.

Naalala niya ang kahapon. Naghintay siya para sunduin ni Dock na hindi naman nangyari. Pinagalitan niya tuloy ang sarili sa pagiging assuming. Akala pa naman niya bumaliktad na ang sitwasyon. Kahapon lang din yata ay nauntog na ang lalaki at hindi na itinuloy ang pangungulit sa kanya.

“I like surprises. Hindi mo inaasahan pero mangyayari,” Misha’s said, out of the blue.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Tumingin na lang din siya ng ilang gown na naka-display.

“Christine, gusto mo ba na pumili rin ng gown para sa sarili mo?” dugtong na tanong ni Misha.

Umiling siya. “Hindi ako sasama sa party na pupuntahan niyo.”

Bakasyon na ng mga estudyante niya at sila rin na mga guro. But she need to make a guide lecture for her students. Kailangan niyang i-pahinga ang utak at katawan. To give more focus on her work. Gusto na rin sulitin ni Christine ang pahinga na hinahanap ng katawan niya.

“I’m not forcing you to go with us. Ang sabi ko pumili ka ng gown. Don’t worry. Ako naman ang magbabayad,” hinila siya ni Misha sa braso at dinala sa mga naka-hilerang gown na suot ng ilang manikin.

“Misha, are you done? Bagay pala sayo,” si Czaira iyon. Nag-paalam ito kanina na may kakausapin lang isa sa mga customer nito.

“Thank you, teka at magpapalit na ako,” sagot ni Misha.

Tuluyan ng pumasok si Misha sa fitting room para mag-palit. Samantalang siya ay itinuon ang paningin sa mga manikin. Czaira is a good designer her gowns was elegant and unique, naagaw ng pansin niya ang isang red gown, pabalon ang disenyo at may ilang red swarobski.

Naalala niya noong mag eighteen birthday siya. Pula rin ang gown niyang suot dahil yon ang motif sa gaganapin niyang debut party.

“Iyong invitation, ha?” wika niya sa kambal na si Katherine at Kimberlyn.

Tumango ang dalawa inabisuhan niya ang mga ito na ibigay ang imbitasyon na card kanila Czaira, Katrina at Misha dahil wala na siyang oras para siya pa mismo ang mag-abot sa mga kaibigan nila.

“May escort ka na?”  tanong ni Kimberlyn sa kanya.

She did’t answer her friend questioned. Napahinga siya ng malalim tumingin siya sa kambal. Umiling siya. The twins looked each other.

“Si Dock, ayaw mo?” si Katherine iyon, bagsak ang mga balikat niya na napa-upo sa mahabang sofa sa sala ng bahay nila.

Wala ang magulang niya sa bahay dahil busy sa pag-organisa sa lugar na pagdadausan ng kaarawan niya.

Her 18th birthday. Mararanasan niya ang masayang araw na iyon kung saan magiging magarbo, hindi na siya makapaghintay na dumating ang kaarawan niya.

“G-gusto ko pero siya gusto ba niya?” nahihiyang aniya sa dalawang kaibigan.

Napaka-aloof ng lalaki sa kanya ni ayaw nga siyang kausapin o tingnan man lang ng binata. But she noticed sometimes Dock is staring at her. Agad rin namang iiwas ng tingin kapag napansin niya.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon