Chapter 17.1

45K 886 16
                                    

SHE slowly moved her head. Masakit iyon na parang may pumipitik sa kanyang sentido. Dahan-dahan siyang gumalaw at nagmulat ng mga mata. Walang masakit sa ilang parte ng katawan niya.

Nasa isa siyang dressing room, may ilang damit at isang malaking salamin. May mga make-up kits sa may drawer na nakadikit sa ibaba ng salamin. Bumangon siya at inilibot ang paningin sa kabuuan ng paligid. Maliwanag at maaliwalas sa kinaroroonan ni Christine.

Si Miguel ang natatandaan niyang huli niyang kasama. Nasaan na ang binata at ang mga lalaking kumuha sa kanya? Niyuko niya ang sarili. She’s wearing the red gown. Ang ipinasukat sa kanya. Lumapit siya sa malaking salamin at pinagmasdan ang kabuuan. She was wearing a light make-up and high heels.

Nahagip ng paningin niya ang isang pinto. Naglakad siya palapit doon, inabot ang seradura at marahan pinihit pa-bukas. Tuluyang lumabas si Christine sa kuwartong kinaroroonan pero nang mag-sara muli ang pinto ng kuwarto kung saan siya lumabas ay namayani ang kadiliman.

Hindi man pamilyar sa dilim ay sumubok si Christine na maglakad. The moment the lights turned on, she was taken aback by the venue’s beauty. A stage and a catering were present. Ang music na naririnig niya ngayon ay isang mabini.

Nilibot ni Christine ang paningin sa paligid. Wala siyang nakikitang ibang tao. Suddenly someone grabbed her waist. Nagulat siya ng makita si Cloud.

“C-Cloud?”

“Hi, Christine,” anito, inabot sa kanya ang pulang rosas.”Sayaw tayo?”

Nagtataka siyang inabot ang kamay nitong nakalahad. Lito ang isip na nag-sayaw sila ni Cloud. “C-Cloud, I... I can’t understand what’s happening,” wika niya. “Hindi ko alam kung nasaan ako at kung bakit...” hindi niya natuloy ang sasabihin nang makita ang pag-ngiti ni Cloud.

“Just enjoy this moment,” anito. Mag-tatanong pa sana siya sa binata ng iwan siya nito sa kinatatayuan niya. Sunod na lumapit sa kanya ay si Greg at pagkatapos ay si Miguel. Nang makita si Miguel ay hindi niya alam kung lalapit ba niya o iiwas sa binata buti at maagap ito’t sinabing wag mabahala dahil hindi naman ito gagawa ng masama sa kanya.

Pagkaalis ni Greg at Miguel ay isa-isa namang nagpakita ang mga kaibigan niya at nag-pahayag ng mensahe para sa kanya. Ang lima niyang kaibigan na hindi niya akalain na magiging parte ng buhay niya.

“Christine, anak.”

“P-Papa?”

“Kumusta ka, anak. I’ve missed you,” wika nito at niyakap siya. Hindi niya napigilan ang mahikbi. Nandito ang Papa niya akala niya ay hindi niya ito makikita lalo na’t malapit ng mag-pasko.

“P-Papa, I’ve missed you too,” wika niya.

Inabot nito sa kanya ang hawak na pulang rosas at isinayaw siya. “Naka-uwi rin kami. Hindi ka nagparamdam ng ilang buwan. Nangulila kami sayo ng Mama mo,” wika ng kanyang ama na may himig ng tampo sa boses.

Bahagyang nangiti si Christine. She hugged her father. “I’m sorry, Papa. Si Mama? Kumusta po kayo ni Mama?”

Masyado siyang naging busy sa trabaho at sa nararamdaman niya para kay Dock. Nakalimutan  sumagi sa isip niya na kumustahin ang magulang. She felt guilty about it. Kailangan niyang bumawi sa parents niya.

“Ask your, Mom,” sagot ng papa niya. Tumigil na sila sa pag-sayaw, nagpaalam ang ama niya sa kanya bago ito naglakad palayo.

Pinunasan ni Christine ang pisnging nabasa ng luha. Hindi na siya kinakabahan. Lalo pa’t nakita niya ang magulang ay walang pagsidlan ang saya niya.

“We’re fine, Christine.”

Nilingon niya ang nagsalita. Muling siyang naiyak nang makita ang ina. Nakangiti ito sa kanya at lumapit, niyakap siya.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon